Camille's PoV
Bagong kabanata ng aking buhay ang pagtungtong sa Maynila.
Ako nga pala si Camille Beltran isang simpleng babaeng nangangarap na maiahon sa hirap ang aking pamilya.
Kasalukuyan akong naghahanap ng pwedeng tirhan dito sa maynila, bagong salta kasi ako dito. Galing akong Quezon at hindi ako masyadong sanay sa Maynila.
Maingay, usok na nanggagaling sa mga sasakyan, at iba't ibang taong nakakasalubong ko na karamihan ay gumagawa ng paraan upang makapag-hanap buhay at matustusan ang kanilang pamilya.
" Aray! " kinuha ko ang bag ko na nalaglag, mayroon kasing tumatakbong babae ang nakabunggo sa akin.
Agad naman niya akong tinulungan " Sorry Miss! baka kasi maiwanan ako ng jeep na sasakyan ko, " at tinunghayan niya ang pampasaherong jeep na malayo na.
" Kaso yun nga, di-ko na naabutan. " dagdag pa niya.
Yumuko ako " Sorry, di-mo tuloy naabutan yung jeep, " nagulat naman siya sa ginawa ko, nataranta siya eh.
" Hala! okay lang. Hmm wait galing ka ng probinsya? " tanong niya habang tinitignan ang mga bag na dala ko.
" Oo eh, kasalukuyan nga akong naghahanap ng pwedeng matirhan. "
" Tara sumama ka sa akin! nakatira ako sa isang apartment, pwede ka naman siguro ano? mukhang mag-isa ka lang naman eh. " natuwa naman ako sa sinabi niya.
" Sige payag ako! "
Napatango-tango naman siya.
" Ayos, tara hantay na na tayo ng jeep. "
~·~
" I.K.Y Apartment " basa ko ng tumigil kami sa isang tatlong palapag na gusali.
Tumingin ako kay Darcee " Tara? " aya niya sa akin, tumango-tango naman ako, at pumasok na kami sa loob.
Tama kayo, Darcee ang pangalan ng babaeng nag-aya sakin sa apartment na ito. Pinuntahan namin ang parang land-lady ng apartment na ito, para magtanong ng kwarto.
" Tamang-tama hija, isang kwarto nalang ang natitira, " nahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko iyon.
Nalaman kong dalawang libo kada buwan ang bayad sa apartment na ito, sa tingin ko naman ay kaya ko iyon basta makahanap pa ako ng trabaho.
Bakit ako napunta dito sa Maynila? sabihin nalang natin na gusto kong makipag-sapalaran sa buhay.
Gusto kong maiahon sa hirap ang pamilya ko.
Gusto kong mabigyan sila ng magandang buhay, yan ang laging nasa isip ko. Hindi na ako humihiling ng iba pang bagay, ang para sa akin lang ay ang maayos ang pamilya ko.
Pero bakit ganun? pakiramdam ko may mali sa apartment na ito.
BINABASA MO ANG
I.K.Y Apartment
Short StoryBelieve only half of what you see and nothing that you hear.