"Alamo hindi na uubra sa akin iyang micro expression mo eh, Leornardo...or should I say Xiang Tan Kwo", Ang bungad ko sa lalaking walang karea-reaksyon ang mukha.
"Wala ka talagang balak magsalita?" muling sabi ko,kasabay ng bahagyang pagtaas ng kanang kilay ko. Magkadikit at magkakrus ang dalawang braso ko sa tapat ng aking dibdib habang naka-upo sa harap ng isang sikat na binatang negosyante na may kakaibang talento sa larangan ng pagluluto.
January 16,1999
10:00 am
Ito ang pinakaPANGET na araw ng aking kabataan. Bakit pa ako ipinanganak?!!!!!!
"Wow! Sa wakas napatingin ka rin sa akin Leonardo The Great", ang sarkatiko kong sabi sa binata.
"Well binisita lang kita dito dahil gusto kong ipaalam AT! Magpaalam na nasa amin ang lahat ng mga pribadong tala-arawan mo. Pwede ko bang basahin?"
"Hindi", isang tinig ng mababang tono ang narinig ko mula sa kanya. At walang karea-reaksyon ang kanyang mga mata.
"Wow! Alamo Leo napakasaya ko ngayon! Akalain mo nga naman! Napatingin ka na sa mga mata ko,for the first time after 6months, nagsalita ka pa!" ang tawang-tawa kong sabi. Tumayo na ako sa harapan ni Leo at madali ko ng tinungo ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto nilingon ko muna siya sa pangalawang pagkakataon. Pinagmasdan ko siya. Tuwid na tuwid ang kanyang pagkaka-upo at halos hindi gumagalaw. Bakas na bakas sa kanyang mga mata ang kadiinan sa kanyang pagkakapikit.
Anong nangyayari sa kanya? Ito ang naiwang tanong sa isip ko.
"Okay ka lang Leo? Meron bang masakit sayo? Masikip ba ang posas sa mga kamay mo?" ang nag-aalala kong tanong. Well, gaya ng dati,hindi na naman niya ako sinagot.
"Kriminal ka kasi kaya ka nakaposas", pahabol kong biro sa kanya. Nakaposas ang magkabilaang kamay niya sa kanyang inuupuan. Kinailangan kong gawin iyon dahil noong huling beses kaming nagka-usap halos mawalan ako ng malay sa sakal niya.Pagkalabas ko sa silid na iyon,kung saan ko kinausap si Leo, ay napatitig ako sa Journal book niya. Simpleng notebook lang ito na may makapal na balot ng plastic. Halatang maingat si Leo sa gamit. 1997? (Ang mabagal kong sambit) Ito ang petsa sa journal na hawak ko. Mahabang panahon na itong nag-e-exist sa mundo. Sana makatulong ito sa imbestigasyon ko.
Hindi pa ako humahakbang papalayo ng marinig kong nagsisisigaw si Leo sa loob ng kwarto.
"Ayoko na! Ayoko na! Patayin niyo nalang ako!!!" napaungol ito sa sakit. Agad kong binuksan ang pinto at nakita ng dalawang mata ko na hindi nakasayad ang mga paa nito sa lupa. Isang kisap-mata lang at bumagsak na siya sa sahig. Sira ang mga posas sa kanyang mga kamay. May marka ng kamay sa kanyang leeg. Para siyang sinakal at itinaas sa pader."Shit! Anong nangyari sayo Leo?"
Inalalayan ko siyang maka-upo sa upuan. Ito ang unang beses na nasaksihan ko ang ganitong eksena. Kinabahan ako ng sobran. Hindi niya parin idinidilat ang kanyang mga mata.
"Lumayo ka!" ang sabi ni Leo sabay tulak niya sa akin. Nabuwal naman ako sa sulok ng kwarto. Ang hindi ko maintindihan ay nagkaroon na siya ng pagkakataon para makalabas ng kwarto,kung saan ako naroroon, pero hindi naman siya makalabas. Dumating na ang mga nurses. Tatlong matitipunong lalakeng nurse ang humawak sa kanya. Isang babaeng nurse naman ang nagturok sa kanya ng pampatulog.
Unti-unting ipinipikit ni Leo ang kanyang mga inaantok na mata. Pinipilit niyang labanan ang antok na unti-unting lumalamon sa kanyang ulirat. Tulala akong lumabas sa ospital kung saan naka-admit si Leo. Tila may sariling recorder ang utak ko. Hindi maalis sa isip ko ang mga nakalutang niyang paa. Tinungo ko ang pinakamamahal kong Toyota Altis(sports edition). Ito ang pinakaregalo ko sa aking sarili. Sa loob ng mahigit siyam na taon ng aking pagtatratrabaho bilang isang imbestigador,ngayon lang ako nakabili ng bagay sa para sa sarili ko.Mahigit dalawang metro pa ang layo ko sa sasakyan ko, ng may nakita akong taong sumakay dito. Pinaandar niya ang kotse ko kaya kumaripas ako ng takbo. Naka-medium tint ang sasakyan ko kaya hindi ko gaanong maaninagan kung sino ang nasa loob. Nasa pinto na ako ng sasakyan na akma itong aatras!
"Punyeta ka! Lumabas ka sa sasakyan ko!" ang sigaw ko. Mabilis kong naisuot ang susi kaya nabuksan ko agad ang pinto. Walang bakas ng tao ang loob ng sasakyan pero... LAKING GULAT KO NG MAKITA KO ANG ISANG DUGUANG KUTSILYO NA MAY KATABING PUTING ROSAS.
BINABASA MO ANG
RE.KA.DO II
ParanormalThis talks about the life of Xiang Tan Kwo I hope you' ll like it <3