Ikalawang Pahina

40 8 5
                                    


Sarado ang lahat ng ilaw dito sa loob ng bahay. Isa-isa ko silang pinagbububuksan. Ipinatong ko an gang lahat ng bitbit ko sa mesa sa sala at naghubad ako ng polo. Binuksan ko ang telebisyon sa kusina para maalis nito ng kaunti ang pagod sa aking utak. Naghanap ako ng mailuluto sa refrigerator. Itlog nalang ang pinirito ko at nagsaing narin ako ng isang takal ng bigas sa rice cooker.

Namatay ang T.V. Napalingon ako. Napa-isip ako kung bakit. Sisilipin ko na dapat ang saksakan ng bigla naman itong bumukas ulit. Inisip ko nalang nag-short circuit ito. Mabilis lang ang pagpiprito ko nang biglang namatay nalang ng kusa ang kalan. Pagkapa ko ng gasul ay sarado narin ito.
"Thank you!!!" ang sigaw ko.
Kung sino ka man... ang bulong ko saka ako umupo sa mesa.

Pagka-upo ko sa mesa napalingon ako sa may gawing kanan ng mesa. Nakita ko ang Journal ni Leo na nakabuklat sa sahig. Pinulot ko. Tinignan ko ang nakasalut.


February 11, 1999
Tanghaling tapat. Nagsisigawan dito sa aming bahay. Nanakawan kami ng malaking halaga. Ako ang sinisisi ni Aya Justin kasi ako ang bantay. Wala akong kinupit. Hindi ako magnanakaw. Paulit-ulit niyang sinasabi na sampid ako't walang kwenta.

Halatang naiyak si Leo habang nagsusulat ng mga araw na'to. Madiin ang bakat ng ballpen at halatang nabasa ang papel. Lumamig na pala ang kanin ko pati ang ulam.

"Minsan hindi mo nga naman masasabi ang buhay ng tao. Mas masaya pa childhood ko sa kanya kahit nagpupulot lang ako noon ng tira-tirang gulay sa divisoria..." ang sabi ko sa sarili ko.

Kinabukasan, pinuntahan ko siyang agad sa ospital. Naabutan ko siyang itinali sa kanyang kama.

"Ano na naman bang ginawa mo ha bata ka?" ang tanong ko kay Leo. Halatang bagong ligo ito dahil basa ang kanyang buhok. Pinipilit niyang kumawala sa pagkakatali.

"Hindi nila ako iniiwan. Kukunin nila ako ng buhay", ang sabi ni Leo sa'kin.
"Sinong nila?" ang tanong ko sa kanya.

Hinawakan ko siya sa balikat, halatang takot na takot. Tinapik-tapik ko iyon ng ilang beses, nagbabakasakali akong kumalma siya ng konti.

"Binabasa ko na nga pala ang Journal mo." Napatingin siya sa akin. "Hindi pala naging ganoon kaganda ang kabataan mo sa pamilya mo no..." umupo muna ako sa gilid ng kama niya. "Sa edad na labindalawang taon parang ang dami mo naring naranasan."

"Simula ng malaman kong ampon ako, wala na akong hinangad kundi ang matanggap nila ako bilang kapatid nila. Ako ang naging kapalit sa namatay nilang kapatid" ang sabi ni Leo sa'kin.
"Naniniwala ka ba sa mga ligaw na kaluluwa?" ang tanong niya sa akin.

Naalala ko tuloy bigla yung nangyari kagabi. Namatay mag-isa ang t.v at pagkatapos bumukas ulit. Naalala ko din noong umandar mag-isa ang sasakyan ko.

"Nga pala meron akong ipapakita sa'yo", sabay taas ko ng plastic na dala-dala ko. Nanlaki ang mga mata niya. Bitbit-bitbit ko kasi ang duguang kutsilyo na may puting rosas sa loob.

Hindi niya na napigilan ang magsisisigaw. Nagpupumiglas siyang ulit sa kinahihigaan niya. Malayong-malayo na siya sa Leo na tinitingala ng mga tao sa larangan ng negosyo at pagluluto. Mabilis na kumalat ang balita sa kahindik-hindik nilang putahe. Marami ang nagsisuguran sa ospital para malaman ang sitwasyon ng kanilang kalusugan. Halos lahat ng miyembro ng pamilya nila ay nakulong, kabilang na doon si Justin Tan.

***Evan'n Note***


Sorry sa super late na update =)


Please Comment para ma.improve ko pa ito.

Mga Weekends aayusin ko ito. Actually lahat sila

ahahahaha

Thanks for reading =)


NagdeDEDICATE ako sa mga nagbabasa ng story ko so sana naman comment kayo para 

makapag-pasalamat naman ako sa inyo.

RE.KA.DO IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon