RE.KA.DO MURDER CASE

49 6 8
                                    


RE.KA.DO II

Pumasok kami sa isang Village kung saan nakatira si Private Investigator/Inspector Ramon Sarabyo.

Simple lang ang kaniyang Bungalong tahanan. Kulay puti ang bahay na may balkonaheng 4ft ang taas mula sa lupa. Malinis,maaliwas,simple at tahimik sa kanilang tahanan.

Pagkaparadang-pagkaparada namin sa tapat ng bahay ay agad namin siyang nakitang nagkakape sa kanilang balkonahe.Kumaway siya sa amin.

Kumaway din ako sa kanya.

"Buti naman at dumating ka na. May gusto akong ipabasa sayo," ang bungad niya sa akin. "Tiyak kong magugulat ka," pahabol niya pa.

Panay ang linga ni Eddie sa paligid. Napansin din ito ni Ramon. Napansin niya rin na nakatingin din kami sa kanya.
Napangiti siya bago nagsalita,"Kaano-ano niyo po yung batang babaeng kanina pa paikot-ikot sa puno ng manga?"
Nabakas ko ang pagkagulat ni Ramon sa sinabi ni Eddie.
"Apo ko siya, Eddie."
Napakunot ako sa sagot ni Ramon.
"Talaga po!(sabay ngiti) kay gandang bata naman po."

"Eddie...bilhan mo nga kami ni Inspector ng maiinom sa labasan,eto susi oh," sabay abot ko sa kanya.

Hanggang sa maka-alis ito dala ang sasakyan ko ay tanaw-tanaw parin siya ng matandang si Ramon.

"Pagpasensyahan niyo na po si Eddie,ganon lang talaga 'yon," ang sabi ko sa kanya.
"Nakakatuwa siya. Alam naman natin pareho na patay na si Vienice," sabay ngiti ni Ramon sa akin.

"A-ano ho!!!"

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw ng bahagya sa labis na pagkagulat dahil sa mabilis na pagtindig ng aking mga balahibo.

"W-wala po kayong nabanggit sa'kin inspector," ang paglilinaw ko sa kanya.

"Ah...ganon ba? Sino bang nasabihan kong patay na ang aking apo?"ang tanong ni Ramon sa kanyang sarili.

Dahil sa nalaman kong iyon,napagtanto kong may kakaibang regalong taglay pala si Eddie. Laking tawa ko nalang sa kanya oras na makita ko ang magiging reaksiyon niya sa oras na malaman niyang matagal ng patay ang batang nakita niya sa puno ng manga.
(Hahahahahaha!!!)

"Namatay sa sakit si Vienice.
Noong una hindi ko matanggap ang nangyari...pero bandang huli natutunan ko naring tanggapin na hiram lang ang buhay niya,"
ang mahabang sabi ni Inspector.

Napatango lang ako sa sinabi niya.

Dinampot ko ang folder at may nakita akong litrato ng dalawang taong bagong kasal.

Nakangiti sila at kapwa masaya. Napangiti din ako habang pinagmamasdan ang litrato.
Siguro kung buhay lang si Anna malamang may litrato rin kaming gaya nito,

Ang sabi ko sa sarili ko.

"Siya si Eula," ang sabi ni Ramon.

"Eula?" pag-uulit ko.

Nagkatinginan kami saglit. Nang magtama ang aming mga mata kinutuban agad ako. Kinabahan ako sa mga susunod na maaaring sabihin ni Ramon.

"Siya ang pinaka-unang asawa ni Leo.Nagpakasal sila sa America. Naging mag-asawa sila for 3 years pero bigla siyang nawala..."nanahimik siya ng ilang minuto saka nagsalita.

"Bigla siyang nawala na parang bula. After two years natagpuan siya sa isang gubat sampung milya ang layo mula sa bahay nilang mag-asawa,"pagpapatuloy pa niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RE.KA.DO IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon