Chapter Two

4 1 0
                                    


Chapter Two

Iniintay ko na lang na mag-dismiss si Ma'am. Pinipigilan ko ang ma-excite dahil baka kiligin na naman ako ng wala sa oras.

"Okay. See you next week." Pagkalabas na pagkalabas ni Ma'am ginamit ko na ang pagka-athletic ko mabilis kong kinuha ang bag ko at dali-daling lumabas ng room.

Tumatakbo akong bumaba ng hagdan nasa second floor kasi ang room ng fourth year at sa baba ng room namin ay room ni Ian. Sisilipin ko sana kung nasa room pa sya nang maalala ko na friday nga pala ngayon at kapag friday maaga silang pinapauwe ng PE teacher nila tamad kasi yun.

Nakita ko na sya sa labas ng school. Ang gwapo talaga nya kahit nakatayo lang siya. Effortless ang ka-gwapuhan niya. Pak na pak at dinaig pa ang mga top models sa Paris. Malapit na ako sa puwesto niya, napahinto naman ako sa paglalakad ko nang makita ko ang isang babae na bigla na lang niyakap si Ian. Kung kanina todo ngiti ako ngayon hindi na maipinta ang mukha ko.

Sino bang matutuwa kung ang lalaking hinahangaan mo ay may kasamang linta? Kung may linta din sa bias mo naku promise 'te mutual ang feelings natin sa isa't-isa. 

Bigla akong nakaramdam ng inis at galit sa nakikita ko. Naghiwalay na sila ng yakap at hinawakan ng babae ang mga kamay ni Ian. Sino ba sya? Close ba sila? Baka naman pinsan lang? Takang tanong ko sa isip ko. 

"Please, Adrian. Come back to me. I love you. I really do." Nakita kong medyo naluluha na yung babae at bigla akong nakaramdam ng sakit dito sa may bandang dibdib ko. Bakit ang sakit?

Tanga! Bakit hindi ka pa umalis? Masakit na nga pero sige ka pa din! Hindi ko alam. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Shaira.." Binanggit ni Ian ang pangalan ng babaeng nasa harapan niya. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. 

Without asking him who she was, I know by watching and hearing words from them, I know. Hindi siya pinsan lang niya. Close sila at sa tingin ko bukod pa duon ang relationship nila. 

"You love me right?" Dinig kong bigkas ng babae. Tinaas ni Shaira ang kanang kamay niya at inilagay ito sa pisngi ni Ian.

"Shai, you know that I-" 

"YURA!" Dahil sa boses ni Mina napalingon sa gawi ko si Ian at hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nya kay Shaira. Bigla nyang binitawan si Shaira. Nagtama ang mga mata namin sa isa't-isa at ngayon nakikita niya akong umiiyak, sa harap niya, sa harap ng babaeng nagngangalang, Shaira.

"Yura, It's not what you think. Please don't cry." Hindi makalapit si Ian sakin dahil hawak hawak ni Shaira ang mga braso nito. 

Bakit ba ako umiiyak? Bakit ba ako nasasaktan? Bakit pa ako nakatunganga at hindi pa umaalis? Ang tanga ko talaga. 

"Sino sya Adrian?" Palipat-lipat na tingin ni Shaira sa aming dalawa. Hindi siya nagsalita, nanatili lang siyang nakatayo at nakatingin sa akin. 

"Yura!" Narinig ko ang boses nila Leni at malapit na sila sa puwesto ko.

"Yura, don't cry. Please." Gusto kong tumigil sa pag-iyak pero hindi ko kaya. Naiinis ako sa sarili ko! Inipon ko lahat ng lakas ko at tumakbo na paalis sa kanila sa harap nila. Hindi ko alam kung saan ako balak dalhin ng mga paa ko. Basta ang gusto ko lang ay mapag-isa.

Malapit na pala ako sa bahay tumakbo na ako at nagdere-deretso sa kwarto at ini-lock ang pinto. Dumapa ako sa kama ko tsaka ko ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Alam ko naman na wala akong karapatan na magalit at magselos sa kanila pero tao din ako nasasaktan. At alam na alam ko na hanggang kaibigan lang kami ni Ian. Hanggang dun lang kami.

Walang KAMI. At sobrang sakit nun para sakin. Okay sana kung friends forever na lang ang sabihin nya sakin 'e. Matatanggap ko pa yun. Pero ang makita na may babae syang kasama? Ang sakit! Sobrang sakit! Hindi ko pa inihanda ang sarili ko sa ganitong sitswasyon.

"Anak! Ayos ka lang ba? Nasa labas sila Mina hinahanap ka." Napatayo ako nang marinig ang boses ng mama ko. Pinunasan ko ang mukha ko na puno ng luha at saka binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Mama..." Gulat at tila naguguluhan ang kanyang itsura.

Nang makita ni mama ang itsura ko bigla na lang ako niyakap ni mama. Ewan ko ba pero nang ginawa yun ni mama lalo tuloy akong naiyak.

"Sabihin mo lang sakin kung ano ang problema mo kapag okay ka na. Sa ngayon, umiyak ka muna. Iiyak mo lahat hanggang sa mawala ang sakit." Mawala? Paano kung hindi na mawala ang sakit na nararamdaman ko? Palagi na lang ba ako masasaktan?

Bumitaw na sa pagkakayakap ko si mama at iniwan na ko sa kwarto ko. Dinalhan nya ako ng pagkain pero wala naman akong ganang kumain.

Ang tigas kasi ng ulo mo Yura! Bakit mo kasi hinayaan na mahulog ng tuluyan yang tanga mong puso? Ayan! Umiiyak ka tuloy! Sermon sa akin ng utak ko.  

"Hindi ko naman kasalanan na siya ang piliin ng puso ko 'e! Oo na tanga na kung tanga!" Sagot ko sa utak ko ang lakas niyang sermunan ako imbes na i-comfort ako. Para akong baliw sa kwarto ko na kinakausap ang sarili. Iyak pa din ako iyak.

Eto na ba ang first heartbreak ko? Hindi ko pa nga nasasabi na mahal ko sya reject na agad ako? Ang saklap ng life ko.

Kanina pa ring ng ring ang phone ko. Kinuha ko ito at io-off ko na sana nang makita ko nang makita ko na ang daming tawag at texts mula sa iisang tao lang. Si Ian.

Anong gagawin mo Yura? Tatawag ka? Rereplyan mo texts nya sayo? Tumigil ka na sa kahibangan mo!

"Aish! Tumahimik ka nga! Babasahin ko lang naman yung last text nya masama ba yun ha?!" Baliw na talaga ako kinakausap ko na ang sarili ko.

Binuksan ko na ang huling text sakin ni Ian.

[Let's talk. I want to see you. Please answer me. I will wait for you.]

Kahit gusto ko syang makita sa tingin ko hindi ko pa kaya. Masyado pang sariwa ang sugat sa puso ko baka kapag nagkita kami lalo lang lumalim ang sugat ko.

Gusto ko sana syang replayan kaya lang wala akong load kaya ini-off ko na lang phone ko. Tsaka hindi ko pa sya kayang harapin.

Ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Alangan naman na sabihin ko na mahal ko na siya at nasaktan ako kaya ako tumakbo ng umiiyak sa harap nya mismo? Bahala na nga basta ngayon ang gusto ko lang ay ang magpahinga.

Sobra akong napagod ngayong araw. Masyadong heavy ang nangyare sa love life ko. Kailangan kong mag recharge.

zZzZzZzZ

--

My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon