Chapter One

12 2 0
                                    


Chapter One

"Yura, I have something to tell you." OMO! Eto na ba yung pinka-iintay ko? Magtatapat na ba sya ng feelings nya? I can't! The feels emerged!!

Ready na ready na ko! GO!

"Ano naman ang sasahin mo?" Okay ang hirap magpigil ng kilig ah. Syempre dapat pakipot ng onti.

"I-I.." Ano ba~ wag ka nang pabitin pa. Kainis naman eh!

"I?" pag-uulit ko sa sinabi nya.

Bigla nyang hinawakan ang mga kamay ko saka seryosong tumingin sa mga mata ko. Huminga muna siya ng malalim tsaka nagsalita ulet.

"I like you, Yura."

I like you, Yura.

I like you, Yura.

I like you, Yura.

>/////<

*faints* Grabe! Hangin kailangan ko ng hangin! I'm so kinikilig na kasi e~

Kung gusto nya ako at gusto ko din sya bakit ko pa kailngan ilihim ang feelings ko di ba?

"I like you too Ian." nakangiti kong sabi sa kanya at ngumiti din sya sakin. Kalma Yura. Ngiti pa lang yan!

Palapit sya ng palapit sakin hanggang sa konting konti na lang. Teka! Hahalikan nya ba ako? Nagtoothbrush naman ako kaya okay lang. Ayan na sobrang lapit na niya. Konting push pa Ian ayan na mag-

"Aray!" Aish! Sino ba yun?! Istorbo ah! Batukan daw ba ako?

"HOY Babae tigilan mo nga yang pagde-daydream mo kay Adrian. Kakahiya 'to."

Binatukan ko din si Mina. Ang lakas ng loob nyang istorbohin ang moment namin ni Ian.

"Alam mo panira ka ng moment ng may moment. Andun na eh sobrang lapit na nya sakin. Magki-kiss na kami nun. As in sobrang lapit. Ganito oh" Itinaas ko ang dalawang kamay ko at ang mga daliri ko ay magkakadikit at dahan dahan itong pinaglalapit. Gets nyo ba? Basta yun na yun!

"Oo nga 'e. Tingnan mo itsura mo dito, makanguso wagas!" Sabay tawa niya ng sobrang lakas. 

Tiningnan ko naman yung phone ni Leni na may picture ko na nakanguso nga at with matching pikit pa yan ng mata. Nakakainis naman yung tatlo tawa ng tawa sa picture ko. Kukunin ko sana ang phone ni Leni pero bigla na lang syang tumayo at tumakbo palayo sakin. Humanda ka talaga sakin pag nakuha ko yang phone mo, sisirain ko talaga yan!

Imbes na habulin si Leni naupo na lang ako ininom ang juice na binili ko kanina. Nasa canteen kasi kami ngayon dahil lunch break namin. Busy ako sa paglamon ko nang biglang nag ring ang phone ko na nasa bulsa ng palda ko.

Napangiti ako at naramdaman kong namula ang mga pisngi ko dahil sa nabasa kong pangalan ng tumatawag. Nawala ang mga ngiti ko ng batuhin ako ni Mel ng tissue.

"Landi nito. Sagutin mo na nga yang tawag na yan. Kakatakot ka ngumiti." Isa pa 'tong panira ng magandang moment 'e.

"Inggit ka lang kasi wala kang love life." Sinamaan nya lang ako ng tingin at sinagot ko na ang tawag ni Ian.

("Hello?") Ang husky ng voice nya.

"Bakit ka napatawag?" Nakita ko naman na bumalik na si Leni sa table namin at palihim na nakikinig sa usapan namin ni Ian.

("Can we talk later? I have something to tell you.") O to the M to the G. Totoo na ba 'to? Mag co-confess na siya sakin?

'Wag asumera Yura!' ang epal naman ng utak ko!

'Oo naman."

("Okay. Iintayin na lang kita sa labas ng school. Bye.")

Nakangiti kong inend call ang tawag. At paglingon ko sa tatlo bigla na lang ako tinakpan ng bibig ni Leni habang si Mel at Mina naman ay hawak ang magkabilang braso ko.

Nagpupumiglas ako habang naglalakad kami. Saan ba kami pupunta? Atsaka asan ang hustisya?! Tatlo sila mag isa lang ako! Hindi na ako nagpumiglas pa nang mapagod ako. Nasa rooftop na kami at pagkasara pa lang ng pinto ay agad nila akong binitawan. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Mina.

"Pwede ka nang maglabas ng kilig." Nang sabihin yan ni Mina sakin bigla kong naalala yung kanina. Ano kaya ang sasabihin nya sakin?

"Aaaahhhh!" Nagtititili ako dito with matching hampas sa braso ni Leni sya kasi ang malapit sakin 'e. Aray sya ng aray pero wala akong pakialam. Maisip ko pa lang na mag-uusap kami mamaya kinikilig na ko.

Ilang saglit pa tumigil na ko. Kakapagod din pala ang kiligin noh?

"Buti naman at natapos ka na. Ang sakit sa tenga." Tingnan mo 'tong si Mina sya 'tong may sabi na maglabas ako ng kilig reklamo ng reklamo.

"Ano ba ang sinabi sayo ng love of your life mo at todo kilig ka diyan?" tanong ni Mel sakin.

"Oo nga. Kapag hindi maganda ang dahilan mo at walang kwenta ang sinabi nya sayo itutulak kita dito sa rooftop mismo. Kinawawa mo ang payat kong braso!" Isa pa 'tong Leni na 'to. Hindi ba nila maintindihan na ilababo lang naman ang kaibigan nila?!

"Ano~ Kasi~ "

"Kasi?" sabay sabay na sabi nilang tatalo. Grabe naman sila kala mo tumaya sa 6/45 na lotto at inaabangan ang mga numero nila. Napaka seryoso kasi ng mga mukha nila.

"May sasabihin daw sya sakin. Iintayin nya ako mamayang uwian sa labas. Nakakakilig di ba?"

"Ah! Ah! Ah! kailangan talaga tig-iisang batok?" kainis talaga sila nakakarami na sila. Pansin ko lang kanina pa nila ako binabatukan. Ano ba trip nila at gusto nila akong batukan?

"Yan! Para matauhan ka! Nagpakahirap pa naman kami na ilayo ka sa madaming tao dahil panigurado kami na magwawala ka lang tapos yun lang ang sinabi sayo kinikilig ka na?" magwawala talaga? Hindi naman ako baliw ah! *pout* Ang harsh naman ni Mina.

"Seryoso ka dyan? Yun lang talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mel. Hindi ba talaga nakakakilig? E bakit ako kinikilig tas sila hindi?

"Aish! kanina nyo pa ko binubully ah! Nakakarami na kayo sakin!" Hinampas lang naman ako ni Leni gumaganti ang bruha.

"Makikipag-usap lang pala sayo kung kiligin ka dyan wagas! Kinawawa mo talaga ang braso dahil dyan sa nonsense na dahilan." Ouch ha! Nonsense?!

"Kaibigan ko ba talaga kayo? Alam nyo naman na minsan lang kami mag-usap ni Ian natural lang kikiligin ako dun tsaka first love teh! First love ko!"

Naging tahimik ang paligid at maya maya pa nagsalita na si Mina.

"Wag kang magpakatanga sa taong manhid. Yura alam kong matalino ka wag ka namang magpaka martir. Kung ano man ang pinapakita nya sayo yun ay dahil sa pinapahalagahan nya lang ang friendship na meron kayo." Friendship. Hanggang friends na nga lang ba kami?

"Alam kong mahirap mag-assume at umasa sa taong nag-inject ng isang dosenang anesthesia. Masakit umasa at mag-assume kaya kung alam mong hindi mo na kaya. Just give up. Give yourself a long break. Napapagod din yan." tinuro naman nya ang puso ko. Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi nya kasi naman ikaw ba naman sasakan ng isang dosenang anesthesia, sakit kaya nun.

Pero dahil moment ko 'to inintidi ko na lang ang sinabi ni Mel kahit masasakit ang binibigay nilang advice.

"Alam ko naman yun 'e. Pero yun na lang kasi ang natitira, ang mag-assume ako at umasa na balang araw mamahalin nya din ako. Na magugustuhan nya ako gaya ng pagkagusto ko sa kanya. Na kahit masakit kinakaya ko, mahal ko 'e" Napayuko na lang ako, ayokong makita nila ang weak side ko. Kaya nga gusto ko lagi akong masaya para hindi ko na naiisip ang bagay na 'to.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Mel sumunod naman sila Mina at Leni. Ito ang gusto ko sa mga kaibigan ko. Dahil sa oras na hindi mo na kaya at kailangan mo ng masasandalan andyan sila para damayan ka.

At dito mo lang malalaman kung tunay ba sila na kaibigan o hindi.

--


My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon