Chapter 35 ✔

40.5K 548 22
                                    

"Selos? Ano ka baliw?! Tska bestfriend mo yun at---"

"Hindi mo naman kasi sya kilala eh." Sabi nya tapos tumayo na at pumunta sa balcony.

Naglakad rin ako papunta sakanya.

"Bakit ka ba nagseselos sakanya?" Tanong ko.

Tinabihan ko sya, naka-upo kasi sya tapos nakatingin sa mga stars.

Ang lalim na pala ng gabi.

"W-wala." Sabi nya.

"Meron eh." Pangungulit ko.

"Ang tinik kasi sa mga babae nun." Sagot nya.

"Ahh! Parang ikaw!" Sabi ko tapos nag-nod lang ako.

"Anong parang ako?! Excuse me?! Ang tino ko kaya." Sabi nya.

Tumingin ako sakanya na parang gusto kong sabihin na.

-WEEE? DI NGA?-

"Bahala ka kung ayaw mo maniwala." Sabi nya.

Tumahimik kaming dalawa.

Nakakaramdam na ko ng antok.

"Bakit ganun? Kapag bata ka kahit anong sabihin sayo naniniwala ka." Sabi ko.

"Like what?" Tanong nya.

Nakatingin lang kami pareho sa itaas. Ang ganda ng mga bituin.

"Tulad ng Fairytales, Prince Charming at sa FALLING STAR." Sabi ko.

"Edi ibig sabihin bata pa ko?" Tanong ulit nya.

"Mahiya ka nga sa balat mo! Wahaha.."

"Tss." Sabi nya.

"Di na, joke lang, hahaha. Eh bakit mo ba nasabi na bata kapa?" Tanong ko naman sakanya.

"Kasi naniniwala ako na kapag humiling ako sa Falling Star matutupad." Sagot nya.

Ang seryoso ng boses nya na mahahalata mo talaga seryoso sya.

Hindi ako makapaniwala na itong lalaki na to?

Ganito mag-isip?

^________^

"Eh ano ba kasi hiling mo?" Tanong ko.

Tumingin muna sya sakin tapos nag'BLUSH sya.

Then tumingin ulit sa langit.

"Ang makasama ka..

HABANG BUHAY.."

Napatingin ako sa sinabi nya.

Hindi sya nakatingin sakin.

Pero teka?

*DUUUG DUUUG DUUUG DUUUG*

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Johnny?" Yun lang nasabi ko.

Kinakabahan ako.

Nangyari sakin?

"Sige uwi na ko ^^" Sabi nya while smiling.

Tumayo sya.

Sinundan ko naman pero bakit parang ako yung nahihiya.

Bakit hindi ko sya matignan nang diretso?

"Pakitanggal yung picture ni taeyang malapit sa kama mo, it's irritating me." Sabi nya tapos lumabas na sya.

Hindi ko na sya hinatid sa baba.

-ANG MAKASAMA KA HABANG BUHAY-

Lechugas!

Why Can't It Be? [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon