Chapter 16 ✔

44.7K 596 34
                                    

"Hime! Come back here!"

"Matte!"[Wait!] I saw him, He wanted me to go there. Pinlano na namin to dati, pupunta kami sa tuktok ng tower na yun. Lalapit lang ako kayTito Carlos.

"Haze."Tawag sakin niTito Carlos. Ngumiti ako sakanya at lumapit pa lalo.

"Tito." Sabi ko habang nakangiti sakanya, ngumiti din sya sakinngiti na kahit kelan hindi ko na nakita sakanya.

"Pasok ka muna dito ha, maguusap lang kami ng Daddy mo." Sabi nya sa malambing na boses,boses na kahit kelan hindi ko na maririnig sakanya.

Tumango ako tapos pumasok ako sa loob ng kotse, pero nakita ko na parang nagaaway sila, Hindi na ko ganun kabata para hindi makita na nag-aaway silang dalawa. Kitang-kita ko kung paano nagliliyab ang mga mata nila.

Lalabas na sana ko ng may biglang sumabog sa bandang likuran ng kotse na to.

BOOOOOOOOOOOOOOOM!*

Tumingin ako sa labas, pero wala akong makita dahil puro usok, ang masama pa, naipit yung paa ko.

"I can't go out!"I exclaimed.

"HIME!!!"

"DADDY?!"Pagtawag ko sakanya, biglang bumukas yung pintuan at nakita ko yung muka nya na sobrang nagaalala sakin.

"Are you okay? Tara! Lalabas na tayo!" Sabi nya sakin, pero hindi ako makagalaw, dahil yung paa ko naipit.

"Daddy, Naipit yung paa ko!" Sabi ko sakanya.

"Ha!? Teka." Sabi nya ulit sakin tapos pinilit nya kong alisin.

Pero may sumabog ulit. Pagsabog nanaging dahilan kung bakit nawala si Daddy sakin.

"Daddy?! Are you okay!?"Tanong ko sakanya.

"A-Yeah. I'm alright. ayos ka lang ba? Tiisin mo yung sakit baby, kailangan mo ng makaalis dito." Sabi nya sakin, kaya gaya ng sinabi nya, tiniis ko yung sakit habang hinahatak nya ko.

Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa labas ng kotse na parang walang balak na tulungan kami.

Nakangiti lang sya habang nakatitig samin.Ngiti na naramdaman kong may masamang balak!

Nung mahatak nya ko palabas ng kotse, bumulong sya sa tenga ko.Mga huling salita na narinig ko sakanya.


"I love you baby! You'll always be my Princess."Tapos tinulak nya ko ng buong lakas palayo sakanya.

Nung lumingon ako pabalik.


There's another explosion.

Sobrang nanlaki yung mata ko ng makita ko kung paano sumabog yung kotse sa harapan ko, Kotse na alam kong andun yung Daddy ko, Daddy ko na iniligtas ako.

"DADDYYY!!!"

Namatay sya para sakin, Niligtas nya ko kahit alam nyang mamamatay sya!

**

Bigla kong dinilat yung mga mata ko habang napaupo pa ko sa kama, hinawakan ko yung dibdib ko. Hanggang sa naramdaman kong tumulo nanaman yung mga luna sa pisngi ko.

Pakiramdam ko bumalik ako sa scenario na yun, pangyayari na ayoko ng makita pa kahit kelan. Pangyayari kung saan namatay ang isa sa mga pinakamamahal ko, Pangyayari kung saan sya namatay para saakin.

"Daddy." Bulong ko sa sarili ko. Naiyukom ko yung kamay ko sa sobrang gigil. Sa sobrang inis, Sa sobrang galit."Sorry, Daddy."

"Hime." Tawag ni Kuya sakin tsaka nya ko niyakap ng mahigpit na mahigpit. "Stop crying." Sabi nya.

Why Can't It Be? [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon