"Uy Best kamusta ka na?" Sabi ko kasabay ng paghampas ko sa kanya.
"Aray , masakit Andy ha." Pairap na sabi sa akin ng bestfriend kong si Andrei.
"Uy grabe ka ang arte mo ha. Hindi naman malakas yun ah." sabi ko habang nakanguso.
"Alam mo best kaya ka hindi nagkakaboyfriend kasi ang sadista mo. Para kang si Mang kepweng sa lakas ng braso mo." Matawa-tawa niyang sabi. Binatukan ko nga ng malakas. Totoo naman na hindi pa ako nagkakaboyfriend. NBSB ako , pero hindi naman totoo na mabigat ang mga kamay ko. Hindi naman ako sadista. Natutuwa nga sila sa'kin eh. Ewan ko kung bakit. Siguro hanggang NATUTUWA nalang talaga sila sa'kin. Hindi kasi ako kapangapangarap na babae. Sino ba naman kasi ako?
Ako lang naman si Cassandra Mariztella San Pedro. Pero Ann talaga yung nickname ko. Si Andrei lang yung tumatawag sakin ng Andy, mukha daw kasi akong lalaki. Plain and boring, 2nd Year College, Psychology student hindi maganda, Hindi sexy at higit sa lahat hindi mayaman. Ay meron pa palang isa. Hindi matalino. End of story, as in pangkaraniwang tao lamang po ako.
"Alam mo kaya hindi ako nagkakaboyfriend kasi hindi ako maganda." Malungkot kong sabi. "Kahit nga ikaw best hindi mo ako niligawan palibhasa ang mga type niyo eh , magaganda , seksi yung tipong 36-24-36 ang vital statistics. Mukha niyo mga babaero!." Totoo yung sinabi ko . Si Jared Andrei De Leon ang nangungunang playboy sa listahan ng mga playboy dito sa Southern Academy. Pero hindi ko din alam kung bakit ko siya naging bestfriend. Basta napansin ko lang isang araw, close na kami. Weird noh.
"Jared, hinahanap ka ni kathleen sa likod ng cafeteria." sabi ni kuyang pogi na naka nerd eyeglasses. I sighed. Si Kathleen nanaman. Ang babaeng yun talaga panira ng moment namin ni best. At itong bestfriend ko nagpapakatanga pa din sa kanya. alam ng niloloko lang siya , sige pa rin siya sa relasyon nilang dalawa.
Nabalik lang ako sa kasalukuyan ng ihampas sa'kin ni Andrei yung bag niya. Tingnan mo'to walang modo talaga.
"Pupuntahan ko lang si Kath ha! 'Wag kang aalis dyan at mag-uusap tayo. Sabay na din tayo umuwi." Akmang tatayo na ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang lumingon kaya dali-dali akong umupo muli . Baka kasi bigla nalang niyang ibato yung bag niya sa'kin. Wala pa namang konsensya ang bestfriend ko. Bwisit talaga, kanina pa ako nagugutom tapos paghihintayin niya lang ako?
"Basta babalik ako. Paguusapan natin 'yang problema mo ha!" sigaw niya.
"Anong problema?" sigaw ko pabalik.
"Yang mukha mo. 'Di ba yun yung problema mo?" natatawa niyang sabi habang naglalakad ng mabilis. Alam niya yatang babatuhin ko siya. Witty talaga ang loko.
Sinunod ko ang utos ni Andrei. Naghintay ako ng 30 minuto... hanggang sa naging 3 oras na. mag aalas-sais na ng gabi ngunit hindi pa siya bumabalik.
"Aalis na nga ako." sabi ko sa sarili ko. Nakita kong unti-unting nababasa ang nakabukas kong kwaderno. Shems! Umuulan! Habang tumatagal lalong bumibilis ang pagpatak nito. Hanggang sa tuluyan na ngang bumuhos ang malakas na ulan. Tumakbo ako kung saan may malapit na pwedeng masilungan. Malayo-layo pa ang waiting shed. Sa gate 1 pa yun. Marami-rami pa rin naman na mga estudyante sa school. Hanggang 9 pm ang klase dito. Tutal nabasa na rin naman ako eh di tatakbuhin ko nalang yung waiting shed.
Kainis kasi si bestfriend di tumutupad ng pangako. Pero hayaan mo na nga lang. Malapit na ako sa gate ng may nakita akong pamilyar na tao sa may di kalayuan. Lumapit ako sa Parking lot kung saan malapit din ang cafeteria.
Dahil curiosity kills the cat, pakiramdam ko literal ang kahulugan n'un sa akin. Para akong pinatay . Pinatay sa inggit , sama ng loob at ... hindi ko alam kung selos ba ito.
Hindi ko kasi alam ang pakiramdam ng nagseselos. Kahit sobrang lamig na dahil sa malakas ang ulan at basang-basa na ako. Hindi pa din ako makaalis sa lugar na ito. Pakiramdam ko napako ako sa kinatatayuan ko.
Naramdaman ko nalang na may mainit na likido na dumadaloy sa pisngi ko. may nagkakape ata, baka natapunan ako. Napatawa ako sa sarili. Tawang labas sa ilong.
Nakita ko kasi sila Kath at Andrei. Masaya silang nagkukuwentuhan habang nagsusubuan ng cake. Ang korni nila noh? Cake pa ang naisipan nilang kainin. Magka diabetes sana ang mga lintik na iyon. Kaya pala hindi maalala ni Andrei na may naiwan siyang kaibigan.
Busy pala sa piling ng babaitang yun. Hindi ko alam kung bakit parang sumobra naman yata ang pagngingitngit ko. Dati naman okay lang kung hindi ako siputin ni Andrei. Pero ba't ngayon, feeling ko gusto kong gumawa ng krimen at maging kriminal.
Sa utak ko nga, unti-unti ko ng pinapatay si Kathleen. Unang beses ko palang maramdaman to. Ang maging isang criminal. 'Di biro lang! Una kong beses maramdaman ang masaktan dahil lang nakikita kong masaya sa iba ang bestfriend ko.
Dapat Masaya din ako diba? kasi masaya ang kaibigan ko. Pero bakit ganun. Ang kasiyahan pa ni Andrei ang siyang pumapatay sa puso ko. Linshak na ulan, natuto tuloy akong magdrama.

BINABASA MO ANG
Giving My Heart to a certified HeartBreaker.
CasualeSabi nila , "hindi ka sasaya, hangga't hindi ka nasasaktan" so kung una pa lang alam mo ng masasaktan ka, 'di ba dapat iwasan mo na kaagad ?