Chapter 15

154 5 0
                                    

ChanYeol's P.O.V

"Layuan mo sya, hindi maganda na makita kayo ng fans na laging magkasama!!"

Ano bang problema nya samin ni BaekHyun, bakit ko rin lalayuan si Baek eh kami naman talaga. Kung pwede lang umamin, kaso paano ang EXO. Puro problema na ang hinaharap namin.

Si Kris hyung, umalis sabi nya di na daw nya kaya. Malungkot sya at halatang may problema, hindi sya aalis ng walang dahilan. Puro pang iinsulto na ang natatanggap nya mula sa ibang fans, may balibalita na baka si LuHan hyung or si Tao sumunod.

At hindi nagtagal tama sila, umalis si LuHan hyung after ng ilang buwan. Lahat kami nasasaktan, nalulungkot. Pati si TaeHyung umiyak, para kasi sakanya kuya nya rin sina LuHan at Kris hyung.

Magulo sa buong dorm, lately madalas umuwi ng late si BaekHyun, sabi nya kailangan daw para sa Musical Play na sinalihan nya, Singing In The Rain. Pero feeling ko may iba pang dahilan, paano ba naman kasi, 2:00 ng madaling araw na sya halos nakakauwi. Sinong tao ang magtyatyagang magpractice ng ganung oras.

"Dad wala pa po ba si eomma?"

"Gising ka pa pala!! Matulog ka na, mukhang mamaya pa uuwi si eomma mo." Sabi ko sakanya, binuhat ko na sya at nag lakad papasok sa kwarto namin.

"Dad malapit na po birthday ni eomma, ano po gagawin or ireregalo natin?"

"Hmm, gusto mo supresahin natin eomma mo. Patulong tayo kina SuHo hyung, tsaka kina lola at lolo!!"

"Sige po, nag ipon ako and may alam na akong regalo para kay eomma!!" Mapagmahal talaga tong anak ko, ginulo ko naman ung buhok nya. Nakahiga na sya kaya pinatay ko na ung ilaw.

"Oh sige, bukas na tayo magplano. Gabi na at dapat matulog ka na kundi lagot ako kay eomm mo!!" Tumawa lang sya bago pumikit, binuksan ko ung lampshade at lumabas ng kwarto nya.

Pag baba ko kakarating palang ni BaekHyun, mukhang pagod sya. Kaya di ko muna tinanong, kumuha nalang ako ng tubig sa ref at binigay ito sa kanya.

"Sorry Yeol!" Napatingin ako sakanya, tinanong ko kung bakit sya nag sosorry pero niyakap lang nya ako "mahal ko kayo, naniniwala ka diba? Di mo ko iiwan diba?"

"Ano bang pinagsasabi mo BaekHyun, syempre mahal kita, mahal ka namin ng anak natin. Di kita iiwan." Niyakap ko sya, pinulupot naman nya kamay nya sa batok ko at ung binti nya nasa bewang ko.

"Para ka talagang bata, nag papakarga pa!!" Nakahawak ako sa likod at may hita nya para di sya mahulog.

"I love you, Yeol!!" Hinalikan nya yung leeg ko, naramdaman ko nalang ung ulo nya sa balikat ko na bumigat. Nakatulog na pala sya.

Hiniga ko sya sa kama namin, magkahiwalay kasi ung kama namin ni BaekHyun sa kama ni TaeHyung. After ko maayos ung pwesto nya humiga na ako sa tabi nya, pagod kaming lahat. Kailangan namin magpahinga. Bukas ko na iisipin ang mga problema, basta ngaun kasama ko ang pamilya ko.

찬백 찬백 찬백 찬백 찬백

ChanYeol's P.O.V

Maaga akong nagising, si BaekHyun tulog pa. Si TaeHyung naman mukhang nasa baba kasama nila hyung. Tiningnan ko si Baek at hinalikan sa pisnge, nag paalam lang ako sa kanya na bababa ako.

"Totoo ba yan?"

"Paano si ChanYeol hyung kung totoo yan?"

"May pamilya na sya, at siguro naman di nya gagawin yan"

"Confirmed ng SM Ent."

Anong paano ako, ano bang nangyayari. Kabababa ko lang pangalan ko nanaman naririnig ko.

"Anong problema?" Tanong ko, lahat naman sila nagulat at nakita kong bukas ang T.V. kaya tiningnan ko kung ano pinapanuod nila

"EXO's Byun BaekHyun and SNSD's Kim TaeYeon, officially dating after four months of sneaking and...."

Nagd-date sila? Kaya ba lagi na syang late kung umuwi, kaya ba lagi syang amoy babae? Kaya ba lumalayo sya sakin kapag may interview o kaya may concert kami?

"SM Ent. confirmed about this......"

"Hyung hayaan mo muna mag explain si BaekHyun hyung" un lang ung narinig ko kay SeHun, bago ko naalala ung araw na kinausap ako ng CEO.

"Layuan mo sya, hindi maganda na makita kayo ng fans na laging magkasama!!"

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit gusto nilang layuan ko sya. Ngayon lang nag sink in sa utak ko lahat ng hints at pruweba na baka hindi na nya ako mahal.

"mahal ko kayo, naniniwala ka diba? Di mo ko iiwan diba?"

Pero ano ung kagabi, bakit nya sinabi un. Kung hindi na nya ako mahal bakit gusto nya pa akong maniwala?

"Anong nangyayari dito?"

Tumingin ako sa kanya, nakatingin sya sakin na parang nag tatanong. Binigyan ko sya ng bored look, nakita ko pa si TaeHyung na hinawakan ung kamay nya. Gusto ko sanang ngumite kaso di ko magawa.

Nag lakad nalang ako at nilampasan sya, masakit. Baka ano pa masabi ko, di ko naman alam ung buong storya eh.

놑 니 오토.....

Thankie po sa mga nag babasa nito😘😊, alam ko po halos isang taon or dalawa since ung last update ko😥. Pasensya na po😭😭, sana patawarin nyo si otorrrr!! Thankie po uli...

My Mistake (ChanBaek)Where stories live. Discover now