Chapter 8

305 16 1
                                    

Someone's P.O.V

Halos isang taon na rin ang nakakalipas, mabilis na natutunan ni BaekHyun ang mga inaral ng buong grupo. Isa sya sa naging vocal dahil sa maganda nyang boses, kasama nya sina Kyungsoo at JongDae na magaling rin kumanta.

Lahat sila may kanya kanyang talento, sina ChanYeol, Kris, SeHun, Jong-In, ZiTao at Min-Seok ay magaling sa pag rap, sina BaekHyun, LuHan, Kyungsoo, JongDae, YiXing at JoonMyun naman ay sa pag kanta o pag birit. Si Jong-In, SeHun at YiXing ang mga pambato sa sayaw, dahil sa malalambot na katawan, sexy dance at dahil na rin sa hilig talaga nila ang pag sayaw. Si Kyungsoo, BaekHyun at JongDae ang palaging bumibirit, at sa rap sina Kris, ChanYeol at ZiTao ang mga pambato.

Sa isang taon na pag sasama nila, mag kakapatid na ang turingan nila. Hindi na rin sila nag tatago ng mga sikreto sa isa't isa, alam nila na ang ilan sa kanila ay bisexual, at wala naman problema ang iba doon. Isa sa umamin ay sina ChanYeol at BaekHyun, pero hindi nila sinabi na may nakaraan sila dahil siguro nahihiya at dahil na rin sa pangamba na baka kinalimutan na ng isa ang bagay na yon.

Hinati ang grupo nila sa dalawa, EXO-K at EXO-M. EXO-K ang magpe perform kapag nasa Korea o mga Korean Songs ang kakantahin, samantalang EXO-M naman kapag Chinese Songs ang kakantahin o ang magpe perform sa China. Wala naman naging problema sa mga naging grupo, dahil sa EXO-K, binubuo ito nila JoonMyun, BaekHyun, ChanYeol, Kyungsoo, Jong-In at SeHun. Sa EXO-M naman ay sina Min-Seok, LuHan, Kris, YiXing, JongDae at ZiTao.

Hindi rin nila naging problema si TaeHyung dahil sa nag aaral na rin naman ito, hindi rin ito masyadong makulit. Matalino ang bata upang intindihin ang sitwasyon ng mga hyungs nya, kaya sa pag aaral nalang nya tinutuon ang atensyon upang hindi makasagabal. Tungkol rin sa issue na kung ka ano ano ba talaga ni BaekHyun ang bata ay hindi pa rin alam ng grupo dahil nanatiling tahimik ito, dahil miski sya di nya alam ang isasagot.

Meron narin silang kanta, ang History at Mama. Kakaiba ang kanta dahil na rin siguro sa beat nito dahil para itong nakakatakot na masarap pakinggan. Sikat na rin agad sila dahil sa mga teasers na pinalalabas ng SM Ent., masaya naman silang malaman iyon. In-announce na rin ang buwan kung kelan sila magde debut, April, magde debut muna sila sa Korea at kinabukasan ay sa China dahil na rin sa sub-group nito.

Sa susunod na buwan na rin ilalabas ang MV ng kanta nilang Mama, sinabihan na rin sila ng mga Stage Names nila. Sa EXO-K ay tatlo lang ang mababago.ng pangalan, sina JoonMyun na magiging Suho, si Kyungsoo na magiging D.O. at si Jong-In na magiging Kai. Sa EXO-M naman si LuHan lang ang hindi magbabago, sa pangalan na Kris pumayag na ang SM Ent., si Min-Seok na magiging Xiumin, Si YiXing na naging Lay, si ZiTao na naging Tao at si JongDae na naging Chen.

---

Sa isang taon na nanatili sya sa dorm na yun, hinanap ni BaekHyun ang kasintahan ng kapatid nyang si BaekBeom, upang mag kaliwanagan na tungkol sa bata. Dahil 6 na taon na ang nakakalipas ng madisgrasya ang BaekBeom hyung nya at ang kasintahan nito, dala ang ang anak nila at anak nya. Naka survive ang BaekBeom hyung nya pero tila na trauma ito at di na nag salita, samantala nawawala naman noon ang kasintahan ng hyung nya. At tanging isang bata lang ang natagpuan, hindi din nila alam kung sino ang magulang dahil ng ipa check ay parehong nag match ito sakanila ng hyung nya.

Parehong bagong silang ang dalawang bata ng mangyari un, mga ilang buwan palang ang nakakalipas. May pagkaka pareha rin ang dalawa, kaya madalas napagkakamalan na kambal. Marahil na rin siguro ay ang dahilan ay kamukha ng dati nyang asawa ang kasintahan ng hyung nya, kung titingnan nga eh parang babaeng version lang ito.

Malungkot na malungkot si BaekHyun sa nangyari, pero kahit ganun inako muna nya ang responsibilidad sa bata. Sa birth certificate, sa baptismal, sa mga I.D. para sa guardian, lahat, kahit di sya sigurado kung anal nga nya ito ginawa pa rin nya ang lahat para dito. Nakakaramdam naman sya ng pag mamahal sa bata, pag mamahal ng ina para sa anak, kaso natatakot sya, natatakot sya na baka hindi nya ito anak at baka maibuhos nya lahat ng.pag mamahal nya rito.

Napansin rin ni ChanYeol ang pakikitungo ni BaekHyun sa bata, kung paanong gusto nito ibuhos lahat ng pag mamahal nya rito pero di nya magawa. Naguguluhan sya, hindi nya alam ang gagawin nya. Kaya hangga't maaari ay pinapatawa nya si BaekHyun, kasama na si TaeHyung, mukha na nga silang pamilya, ang kantyaw ng mga miyembro nila.

"Uy tingnan nyo sina ChanYeol, BaekHyun at TaeHyung. Para silang One Big Happy Family!!"

"Oo nga noh!! Tas kamukha pa ni ChanYeol hyung ng kahit papaano si TaeHyung!!"

"Kamukha rin ni TaeHyung si Baek ah!! Family nga!!"

"Tanong lang wala ba kayong past ni BaekHyun, ha ChanYeol?! Kasi tingnan nyo oh, kamukha nyo si TaeHyung tas parang andami nyo nang alam tungkol sa isa't isa!!"

At kapag naririnig nya ang mga kantyaw o pag tatanong eh namumula sya ka agad. Hindi nya masabi, dahil natatakot sya na baka itanggi ito ni BaekHyun at gamun din sa panig ni BaekHyun, natatakot sya na itanggi sya ni ChanYeol. Tungkol sa bata, nag tataka na rin si ChanYeol kung bakit nga ba kamukha nya ito, hindi naman sya naniniwala sa MPreg dahil para sa kaniya sa fanfic lamang ang mga yon.

Hindi naman magawang sabihin ni BaekHyun ang sitwasyon nya, dahil kahit sya naguguluhan. Ang isip isip.nya nalang ay sasabihin nya ang lahat kapag nahanap na nya ang kasintahan ng BaekBeom hyung nya. Sa ganitong paraan, maliliwanagan ang lahat, ang mga tanong sa isip nya kung anak ng ba nya si TaeHyung o sa kapatid nya ito, at kung sa kapatid nya ito asan ang totoong anak nya.

----

Sorry lame po, bawi nalang next time

My Mistake (ChanBaek)Where stories live. Discover now