I like her

32 1 0
                                    

Ngayon ko po sisimulan ang mahabang update. Hahaha! HOPYAHlikeit!

-------------------

Romeo's POV

Nagsimula na kaming kumain, ang sarap sa feeling nung kasabay mong kumain yung gusto mong ligawan, parang pogi points. Hahaha. Sa dinami daming babae na naliligawan ko parang sa kanya lang ako kumportable, parang sya rin yung gusto kong seryosohin. Note: lahat ng linigawan ko, BASTED... Pero wala talaga kong balak na seryosohin yung mga yun. Di ko rin pinaalam kila mommy at daddy kasi di ako seryoso

Nagulat ako nung nakita kong kumain si Jess, grabe parang ilang months di kumain na parang aagawan ng pagkain. Pero bat di sya tumataba? Tatlong heavy meals ang inorder nya. Ako syempre kailangan healthy katawan ko kasi alam nyo na varsity ayoko naman ma-disappoint si coach sakin. Kailangan healthy foods para maganda katawan ko, may liga kami sa sabado. Thursday ngayon kailangan mag practice nang magpractice. Kalaban ko pa yung kaaway ko.

"Siguro naman tapos kana kumain diba?" Tanong ko sakanya tumango na lang sya sakin bilang sagot. Inalalayan ko sya sa pagtayo. "Ammm. Terrence?" Nilingon ko lang sya. "Thank you nga pala. By the way, male-late nako sa next subject ko." Nag thank you pa... Kala ko talaga di sya nahiya nung kumain sya. Haahaha. Binilisan ko ang pagmamaneho ko ng sasakyan. Nakaiglip nanaman sya. Haist...

After 6 minutes...

"Yes.. Sawakas nandito na tayo...." Naguunat na sabi nya. Parang isang taong di naka punta dito. Dumiretcho na sya sa classroom nila at syempre sinalubong sya ni Auly. Ako nman ay nag maneho papuntang basketball court para magpractice sa liga sa sabado. Pagkatapos nito sa gym parin ang bagsak ko nito. Yari na!!

Jessica's POV

Hay nako. Di ko alam kung ikwekwento ko ba kay Auly yung nangyari o hindi nalang? Biglang ayos ng upo nang may nagbukas ng pintuan. Nakabukaka kasi ako. Hahaha sa sulok ng last row naman ako kaya okay lang. Ewan ko ba hobby ko na yata bumukaka, kung hindi nakabukakan e naka indian seat ako. "Goodmorning, sir." Bati namin lahat kay Sir. We start the lesson. At ako naman itong sulat ng sulat ng note sa note pad ko.
Ayun. Wala parin kaming ligtas kay sir, may assignment kamii ulet!!

Ayun dumating kaagad yung next teacher namin. Nag discuss agad ng bago nanamang lesson. Hirap magaral! Tanging pamilya ko lang ang inspirasyon ko. Napasok nanaman sa utak ko yang lalaking gusto kong mapangasawa. As I said isa lang ang gusto ko at wala ng iba. Natulala na lang ako ng mga isang minuto. Nagulat ako dahil niyugyog ako ni Auly. "Ha?" Tanong ko habang nakatingala.

"Ms. Perez, your report is on Monday. Prepare for it. 25% ang percent ng report. Inaasahan kita. Next lesson, okay?" Nagulat ako sa sinabi ni Sir. "Yess sir makakaasa po kayo sakin." At agad nag paalam si sir samin. Binuklat ko yung page ng next lesson, my'ghadd! Di pa naman ako masyadong magaling sa AP. Si Auly sa English din magaling same as me. Pano na yan???

Nakalipas na rin ang next subject pero, activity lang naman ang ginawa namin, pero may assignment parin. Lunch break na. Agad ko naman hinila si Auly para kumain. Syempre alam nyo nang seafood noodles nanaman ang kinain ko but this time parang mas malasa ang benta nila. Pagkatapos kong kumain ay hinintay ko si Auly matapos, kasi alam nyo na... Mabilis yun. Bigla nanaman nagvibrate yung phone ko. One message.

From: Panget kong Kapatid

Ate, matagal pa ba kayo? Dito muna si Ate Maane matutulog huh! Pinaalam ko na sya.

Accidentaly Inlove With Mr. Varsity (AIWMV)                      [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon