Chapter 3

40 3 0
                                    

"PUTEKKK!! Ang ingay mo, letche! Mamaya nga diba magkikita kayo!! Dun ka magpatulong sa kanila! Baka mabigyan ka pa nila ng idea! LETCHE!Ang hilig mong mangulet! BWISET! may ginagawa ako dito. Bawal istorbo. PERIOD!" inis na sagot sakin ni Auly. Hinayaan ko muna syang gawin yung ginagawa nya.
Hanggang sa di na talaga ako mapakali, tinext ko nalang si Lia.

To: Liaaa!
Heyyy! Yung meeting natin! Anong oras ba? Di na ko mapakali dito!

Buti nalang mabilis talagang magreply sakin si Lia.

From: Liaaa!
Hayy nako, alam mo bang nakabihis na kaming papuntang mall! Diba alas-singko, ikaw nga nag sabi samin diba! Lintekk! Tao kaba?

Nanginis ang bruha! Agad naman akong nag reply.

To: Liaaa!
Pasensya na lutang utak ko. Pupunta na ko. Baka di na sumama si Auly. Nainis ko ata! Ang kulet ko kasi e... Ghee.

..............

Romeo's POV
"Maganda sana yung babaeng nakabangga ko kanina, pero tanga. Well i have no rights to judge her, balita ko nga Valedictorian sya. Ang taray nya." Kwento ko sa mga ka-tropa ko. "Si Jessica ba, tinutukoy mo?" Tanong nang isa nyang tropa na si Rusell. "Baka yun nga, pare. Pero di ko sure e." Sagot ko.

------------------

"Una nako mga pare sa training nalang bukas haa!" Pagpapaalam ko sa kanila.
At dahil medyo bored sa bahay nagdesisyon akong mag mall.

...............

Jessica's POV

Naka-ready na ko. "Auly sasama kaba? Aalis na ko." Inirapan nya ako. Napakunot noo ko. "Sabi ko nga hinde e. Sorry na! Problemado lang ako ngayon, pasensya na." Tumango sya bilang sagot. Tinignan ko yung cellphone ko. "Nalintekan na! 4:55 naaaaa!" Sabay takbo. Nagcomute ulit ako.

5:09 ako nakarating. Agad kong tinext si Lia.

To: Liaaa!
Asan na kayo? San ba magkikita?

May reply agad ang bruha!

From: Liaaa!
Tangeng ka talaga! Kanina pa kami dito sa Max's.

Nung mabasa ko ang text ni Lia agad akong pumunta sa Max's. Nakita ko silang naghihintay sakin. Pero parang kulang?? "Asan si Charlotte?" Tanong ko. "Wala! Kasama nya Jowa nya! Nagdate ata yung dalawa." Sabi ni Gracia habang umiinom ng ice tea.

"Order ka muna ng drinks. Treat ko!" Sabi ni Lia "Wala ako sa mood. Tulungan nyo na ko!!!"

"Ganito kasi yun. Umaga nun! Nagkabanggaan kami. Tapos sinabihan nya ko ng tanga tanga, ayun nanggigil ako sa kanya, di ko naman kasi alam na Varsity sya dun sa school! Natarayan ko sya, nasigawan ko rin yata!. Helppp guys ayokoo mamatay sa mga bashers. Ayoko mai-judge ng mga tao. First honor ako! Malaking opportunity yun para sakin. Pag nabully ako. Ano? Walaaa. Sira na mga pangarap ko sa sarili ko. The worst, nasabihan ko syang bakla. Nayari na!" Pag-eemote ko sa kanila.

"Hala ang OA mo, Ica. Nabunggo mo lang!pero nasabihan mo ng bakla. Pero sabagay! May point ka, baka mainsulto ka ng mga tao." Sabi sakin ni Lia. "So, ano na?" Tanong ko!.... Mga 5 minuto ring nagisip ang mga bruha.

Accidentaly Inlove With Mr. Varsity (AIWMV)                      [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon