Ayaw ko man na mag-bar pero libre nila eh, wala naman atang masama kung minsan sa buhay mo naman magba-bar ka.
:D
Sige lang. Push ko lang 'to.
*Jefferson calling *
"Hello." Nag duet pa kami nyan.
"Andito na kami sa labas."sabi naman niya sa kabilang linya.
In-off ko yung phone tas nag pulbo at nag-spray ng kaunting perfume. Kinuha ko yung wallet ko tas nag-ayos sa harap ng salamin.
Pagkatapos ay lumabas na ako.
"Antagal lumabas ah!" Bungad sakin ni Jahzara.
Jahzara Cabrera, kababata ko. Nasa kabilang kalye lang ang village nila. Nag-aaral sa Richards Academy, 2nd year college. Ang reason niya ba't doon siya nag-aral, kasi gusto niya mag-uniform at maganda ang uniform ng Richards.
"Sorry, natulog pa ako saglit." Biro ko naman.
"Haha. Nahiya naman ako sa pinaghintay mo." Sabi naman ni Jefferson.
Natawa lang ako. "Buti nga naranasan nyo maghintay. Ako? Gawain ko na yan noon pa."
Jefferson Cabrera, yes kapatid ni Jahzara and kababata ko rin. Bakla siya pero hindi bruha. Hindi siya wild, unlike yung ibang bading na napaka reckless at allien manamit. Siya iba, maayos manamit at nilulugar ang mga sasabihin. Pareho din kami ng school.
"Hahaha! Eto na naman si Ms.Hugot. Tara na nga." Tawa ni Quinn.
"Uy! Kagulat ka ah! Nagsasalita ka pala?" Kanchaw ko dito.
Quinn Rendado, kaibigan ni Jefferson na naging kaibigan ko na rin. Minsan matahimik to, pero jam na jam pag may pagkain.
"Wala kang aangkasan Xell, bahala ka." Biglang pinaandar ni Quinn ang motor niya.
"Huy! Sandali! Lol ka" sigaw ko.
Huminto naman siya. Sina Jeff naman ay pinaharurot na ang motor kaangkas si Jahzara.
Ako naman naglakad pa papunta kay Quinn. Pagdating ko sa kanya, pinalo ko siya ng mahina sa balikat niya habang umaangkas. "Langya ka." Tumawa lang ito.
Pagdating namin sa Bar, pumasok kami nong na park na sa lugar ang mga motor nila.
Nagsimula na kaming maghanap ng table.
Hindi ko ba alam kung bakit dito kami pumunta, may resto naman dyan sa mga tabi-tabi na tahimik ang lugar.
Yea right, ayaw nga naman ng mga kasama ko ng matahimik na lugar. -___-
Loud speakers, irritating.
The smell of alcohol, eww -__-
The people dancing flirt, so annoying!
"Sa VIP nalang tayo." Suggest ko.
Tinignan nila ako, "Shunga! Anong gagawin natin dun? Milagro?" Tugon agad ni Jefferson.
"Why not?" Sabi ko naman.
"Maghunos-dili ka." Pandidiri niya.
"Ayun! Sa taas nalang." Turo ni Jahzara.
Buti nalang sa second floor kasi puro tables ang nandun. Tanaw ang mga nagsasayawang mga nilalang sa ilalim.
Inorder lang namin isang cocktail jar, sisig at pizza. It would take time para sa order kaya sasayaw nalang daw muna sina Jefferson at ang kapatid niya. Naiwan kami ni Quinn sa table.
"Xell, may papunta sa table natin oh, tignan mo." Nginuso niya yung paparating.
Nakita ko naman si Darwin, ang naging boyfriend ko for 1-month, exact calculation iyan.
