The Forgotten Past [ONE SHOT STORY]

277 5 2
                                    

"Bakit ako nandito? Tsaka sino kayo?"  Nagising ako sa kwartong hindi  pamilyar sakin at nandun ang mga taong hindi ko rin kilala.

"Anak! Buti naman nagising ka na! Halos 3 araw ka ng tulog. Alam mo bang alalang alala na kami sayo? *hikhik*" TT__TT Mangiyak ngiyak na sabi ng matandang babae.

"Sino ka?"

"Ha? Anong sabi mo anak? Doc! Doc! Doc!!!"

"Ano ho iyon misis?"

"Ang anak ko, bakit wala siyang maalala?"

Lumapit sakin ang doctor.

"Iha, wala ka bang nakilala sa mga taong to? Siya ang mama mo at sila naman ang mga kaibigan mo. Wala ka bang kahit na anong matandaan bago ka mapunta dito? Hindi mo ba natatandaang naaksidente ka?" 

Nagulat ako sa sinabi niya.

"HA? Ano hong aksidente ang sinasabi niyo? BAKIT WALA AKONG MATANDAAN?!" Halos maluha luha ko ng pagkakasabi sa kanya. Tumalikod siya sakin at kinausap na ang sinasabi niyang nanay ko.

"Misis sa tingin ko ho ay kailangan natin i-examin ang utak ng anak niyo. Sa palagay ko ay nagkaroon siya ng amnesia, o kaya naman ay partial amnesia lamang."

"Matatandaan pa po ba niya kami doc?"

"May possibility na hindi na at may possibility na oo. Depende sa inyo kung tutulungan niyo siyang ipaalala angnakaraan niya."

"Ganun ho ba. Salamat doc."

"Walang anuman."

At dinala na nga ako sa room na kung saan inexamin ang utak ko. Pagkatapos ay ibinalik na ako sa aking room. After ng mga ilang oras, pumasok si doc. sa room ko.

"Misis, ang anak iyo po ay nagka-amnesia. Sa sobrang lakas ng impact sa pagkakatama ng ulo niya sa sasakyan kaya nagka-amnesia siya. Bukod dun ay wala na naman akong nakitang komplikasyon sa utak niya. By next week ay pwede na siyang makalabas. May mga gamot lang akong ibibigay sa kanya para di gaano sumakit ang ulo niya. Ang payo ko ho sana ay paunti unti niyong ipaalala ang nakaraan sa kanya. Hangga't maaari ay wag biglaan. Baka hindi niya kayanin at magbreakdown siya. Sige misis, iwanan ko na kayo jan."

"Sige po doc. Maraming salamat ho."

Pagkaraan ng isang linggo ay lumabas na ko ng ospital. Pinasyal pasyal ako ng mga kaibigan ko sa mga dati naming pinupuntahan upang makilala ko sila ulit. Sa una ang awkward peronagiging okay na naman paunti unti. 6 lang kaming magkakatropa. Ako, si Lexie, Mara, Sam, Josh, at si Ken. Sabi nila, ever since highschool, kami na daw magkakasama. Sayang hindi ko maalala. Mukhang marami pa naman din kaming napagdaanang kalokohan. Hayyy, matatandaan ko rin yun. 

Masaya naman akong kasama sila. Komportable naman ako. 3 weeks na halos simula nung inilabas ako ng ospital kaya 3 weeks na rin halos kaming nagkakasama. Isang araw ay nagkayayaan manuod ng movie. So go lang ako. 1 usapan namin kita kita sa SM. At dahil malapit lang samin si Mara, nagsabay na kami. 1 andun na kaming dalwa. Tapos dumating na din si Lexie kasama si Josh. Sila kasi e. Si Ken naman at si Sam, wala pa. Mga pa-VIP. Haha! Joke lang. Mga nasa school kasi. Inaayos sched. nila kasi malapit na sila mag-enroll.

The Forgotten Past  [ONE SHOT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon