1- Stuck in the moment..

139 7 11
                                    

Side story of #MKOMA Thanks for having interest to read this story. Hope you enjoyed!!

---
Mea's Pov

"Mea, magbayad kana nang renta mo!!." Naalimpungatan ako... at dali-daling bumangon, agad sumilip sa bintana.

"Aba! Madilim pa ahh.. sambit ko habang tamad na tamad na kumuha nang pambayad.

Pagbukas nang pinto..

"Ang aga mo naman teh?!." Tila nagtatakang sambit ko. Wait hindi kaya?

"Iha akala ko kasi aalis ka nang maaga diba, anibersaryo ng kamatayan nang--'! Pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Ahmm... sige Ate Luz ito na." Sambit ko.

Pag abot ko ay umalis din siya agad..
Nalungkot ako bigla at walang ganang sinarado ang pinto. Sumandal ako at natulala. Buntong hininga lamang ang tanging nagagawa ko, masaya ako kasi kahit papaano nakalimot na ako sa nakaraang poot na bumabalot sa puso ko.

Kung iisipin ko ang mga nangyari noong araw na yun.. Masasabi kong ito yung pinaka masakit bukod pa sa pagkawala ni Mom. Sobrang nagagalit ako sa sarili ko. Kasi alam kong, galit siya sakin nung araw na yun. Di ako nakapag paliwanag.
Masakit. Sobra pa sa sobra. Sana ako nalang ang nawala...

"Sana ako nalang Dad". Umiiyak na sambit ko.

Flashback..

High school graduation..

April 31 xxxx (4 years ago)

Malungkot akong nakasuot ng toga. Kasi naman.. wala akong parents na
makakasama.

"Di daw aakyat nang stage yung anak nang may-ari?".

Narinig kong bulong nang isang kaklase ko. Si Roan yung tinutukoy nila? Imposibleng ako.

Lumapit ako at tinanong sila..

"Sigurado ba kayo diyan? Singit ko sa usapan nila.

"Oo Mea.. narinig ko mismo si Principal ang nagsabi. Naglayas daw kasi." Ano? San naman pupunta ang babaing yun. Tanong ko sa sarili ko.

Wala akong maisip na paraan, kaya tinawagan ko nalang si Dad.

Sobrang nagtataka ako kasi hindi sumasagot si Dad, hindi niya ugali ito. Kaya di talaga ako tumigil sa kaka-dial. At ng sa wakas ay sumagot na siya..

Di ko akalaing ito na pala ang huling makakausap ko pa siya.

"Heelloo Dad? Panimula ko ngunit wala akong narinig kundi boses ng isang babae.

Sumigaw ito ng..

"Ano sagutin mo yang magaling mong anak! Pagkatapos nang tulong mo diyan siya pala ang may kagagawan ng lahat ng nangyari sa kapatid niya... Ayoko nang marinig pa tutulungan mo ang babaing yan.!! " Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng mga oras na yun. At tila kinukumbinsi ang sarili ko sa tanong na.. Anong tinutukoy ni Mrs. Fetalvero? Na sa tingin ko alam ko na kong ano ang sagot pero pinipilit ko ang sarili ko na hindi ko alam.

Halos manlambot ako sa sumunod na narinig ko..

"Paano mo nagawa ito sa kapatid mo anak? Malumanay lamang ito pero alam kong lumuluha na din siya. Paano nga ba humantong ang lahat sa ganto. Dahil lamang sa plano.. na hindi ko naman natuloy dahil wala naman akong nagawa? Hindi ko alam.. paano.

"Dad.. Hindi ko po.. alam. Dad please wag po kayong magalit sakin. Magpapaliwanag po ako. Pupunta po ako Diyan.." Umiiyak na sambit ko. Siya nalang ang meron ako.. hindi ko kakayanin kung pati siya kamuhian ako.

Naranasan mo na ba? (HER & HIS  SIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon