Kabanata 6

92 14 28
                                    


"Ano yung nasight namin Dreena? Ikaw ha!" pangungulit sa akin nung tatlo habang palabas na kami ng room.

"Wala nga!" at inunahan ko na sila sa paglalakad.

Yung tinutukoy nila ay yung pagshi-shake hands namin kanina ni Jack. They keep on insisting na humaharot daw ako sa lalaking yun. Yung totoo? Nakipagkilala lang harot kaagad? Mga abnormal!

"You like him!" ani Faye at kiniliti pa ako sa tagiliran.

"Hindi nga sabi! Nagpakilala lang siya sa akin. That's it."

"Hindi, gusto mo talaga yung lalaking yun. I can see it in your eyes!" gatong ni Chloe na parang walang narinig sa sinabi ko.

"Chloe, huwag mo nga akong igaya sayo. Wala akong balak mangolekta ng lalaki." bigla naman niya akong binatukan.

"Grabe ka sakin Dreena! Niloloko lang naman kita." aniya at nagpout pa.

"Tigilan na nga natin si Dreena. Si Kiever lang naman ang lalaking nakikita niyan e!" nanunuyang sabi ni Lailyn.

Dumiretso na kami sa canteen at mabuti naman ay tumigil na sila sa pangungulit sa akin.

Pumwesto kami doon sa dati nilang inuupuan at buti naman ay hinayaan na nila akong umupo kasama nila.

"Anong sa inyo?" tanong sa amin ni Faye na nag-alok na siya nalang ang oorder.

"Same nalang ng sa'yo."

"Ganun nalang din sa akin."

"Ok." at lumakad na siya papunta ng counter.

"Wala ba kayong napapansin?"

Napalingon ako kay Lailyn ng biglang itong magsalita.

"Na ano?" sagot ni Chloe na nakabaling na rin sa kanya.

"Kay Faye. Hindi ba parang ang weird niya lately?"

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Kung ano-ano na namang napapansin nitong si Lailyn.

"She's always on her phone. Maya-maya siya kung magtext at kung minsan pa nga'y nangingiti pa."

"Diretsahin mo na nga lang!" ani Chloe.

"Ang i-slow niyo!" pag-irap ni Lailyn. "What I mean is, baka may boyfriend na siya!"

Saglit kaming nagkatinginan ni Chloe bago napabulalas ng tawa.

"Nakakatawa yun Lailyn! The best!" natatawang ani ni Chloe sa nakakunot noong si Lailyn.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" naiirita niyang tanong.

"Lai, ang pagkakaroon ng boyfriend ni Faye ay parang pagiging kulay rainbow ng tubig dagat. That's so impossible!" aniya ko't napaikot nalang siya ng mata.

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ng kararating lang na si Faye pero ang mata ko ay napadapo hindi sa kanya kundi sa kasama niya.

Nasa gilid niya kasi ngayon si Jack na naputing polo shirt at cap habang dala yung mga order namin.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at lumingon pa siya sa likod bago marealize na siya ang tinutukoy ko.

"Nagdadala ng kakainin niyo?" sarkastiko niyang sabi sabay lapag ng dalang pagkain sa lamesa.

"I know! I mean, bakit ikaw nagdala?"

"Bakit ba ang dami mong tanong Dreena? That's his job so syempre, gagawin niya 'to." pagsagot ni Faye sa akin at si Boy gusot naman ay kaagad ng umalis.

BeLIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon