Kabanata 23

34 3 1
                                    


"Mabuti naman kung gano'n!" Ani ko't dahan-dahang bumitaw sa yakap niya.


Halata sa mukha ni Jack na sobrang masaya siya sa nangyare. Halos umabot na nga sa anit niya ang kanyang ngiti.

Medyo naguguluhan lang ako. Parang ang bilis kasi ng mga pangyayare. Parang kahapon lang ay kinuwento niya sa akin ang tungkol sa tatay niya tapos ngayon tanggap na siya nito?

Tsaka paano 'yong kakambal niya? Sa pag-uusap namin kanina'y mas malinaw pa sa ulo ng prof namin ang sinabi niyang hindi niya tanggap si Jack.

"Oo nga pala. Libre ka ba ngayon? Marami kasi akong gusto ikwento sa 'yo." Nakangiting tanong niya sa akin.


Gusto ko sanang humindi dahil ramdam ko na ang pagod na nanunuot sa buong katawan ko. Kaso lang ay masyadong kaakit-akit ang ngiti ngayon ni Jack na para bang may nagtutulak sa akin na samahan siya.

Hindi ko naman siguro ikamamatay kung maglalaan ako ng oras para pakinggan siya?

Tumango ako hudyat ng pagpayag ko na samahan siya. Mas lalo namang sumaya ang itsura niya't kaagad na akong hinila papunta ng sakayan.


"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kalagitnaan nang paglalakad namin.

"Basta.." Tipid niyang sagot bago pumasok ng jeep.


Buong biyahe namin papunta sa kung saan ma'y puro daldal lang ang ginawa ni Jack sa tabi ko. First time ko siyang makitang ganito ka-open sa akin. Para bang hindi siya mauubusan ng sasabihin. Sa sobrang dami nga'y wala na akong naintindihan.


"Para, boss." Aniya't hinaltak ako pababa.

Yung totoo? Akala ba niya'y alagang aso niya ako? Kanina niya pa akong hinahatak e!

Pagbaba ay dumiretso kami sa isang park na malapit lang din naman sa amin.

Parang batang sabik si Jack na tumakbo palapit sa swing. Ganito ba talaga ang epekto ng kasiyahan sa isang tao? Nagiging abnormal, ganun?

"Tulak mo ko!" Sigaw niyang sabi sa akin. Kapal ng gilagid! Inutusan pa ko.

Padabog akong lumapit sa likuran niya. Pasalamat talaga siya dahil araw niya ngayon at nataong mabait ako.


"Salamat, Dreena." mahina niyang sabi.

"No problem, Sir. Lakasan ko pa?" Sagot ko sabay tulak nang malakas sa swing.

"I-ibig kong sabihin.. salamat sa pagsama mo sa akin dito."

Ikinalso niya ang paa sa lupa dahilan para tumigil ang paggalaw ng swing. Tumingin siya sa akin gamit ang nangungusap niyang mga mata na puno ng sinseridad.

I can't stand this.

Ibinaling ko ang aking pansin sa katabi niyang swing at mabilis doong umupo. Bigla na namang lumukso ang dibdib ko.

"D-drama mo, Jack! Hindi bagay." Ani ko para ibaling ang aking atensyon. Tumawa naman siya dahil sa reaksiyon ko.


BeLIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon