1

47 0 0
                                    

Tik tok tik tok

Paulit-ulit ko nang naririnig yan kanina pa. Halos mabingi na ako sa katahimikan dito. Paano ba naman kasi iniwan lang naman ako ng mga crazy friends ko kaya heto ako nag-iisa sa isang bookshop. Sa katanuyan kakaiba ang bookshop na ito dahil hindi lamang mga libro ang makikita mo kundi may kasama pang iba't ibang klase nang kape. Isa itong lugar na coffee shop na may halong mga libro sa bawat paligid. Ang ganda ng pagka-combine sa dalawa.

"Pre di'ba si Princess yun? Tignan mo oh, wala siyang kasama. Bakit kaya?" Pasimple akong tumahimik upang makinig sa dalawang lalaki na pinagchi-chismisan ako. Bakit ba masiyadong tsismoso ang mga lalaki? Kung maka-intriga daig pa ang mga babae.

"Oo nga 'no? Bakit kaya? Mukhang malungkot siya ngayon ah, tara lapitan natin kawawa naman." Wow. Ni hindi ko nga kilala ang mga 'to, kung makapag-usap naman sa'kin wagas. At ang lakas pa nang gana na lumapit sa'kin. Anong tingin nila magiging santo na sila sa paningin ko?

"Hi miss. Di'ba ka-school mate ka namin? Ikaw yung magaling na table tennis player sa school." Kaya pala, kilala pala nila ako. Ka-school mate ko daw. Ang galing. Ang pagkaka-alam ko hindi ako isang table tennis player sa school, how come na hindi ko alam?

"Aw snobber naman nito." Napatingin ako sa lalaking nagsalita. In fairness, ang tangkad niya at may itsura pero ang panget ng ugali.

"Do you know na masamang pag-usapan ang isang tao behind from their back? At oo nga pala. Baka nagkakamali kayo ng pinuntahan. My name is Princess but I am not your schoolmate boys." Naka-ngiti kong sabi.

"Pre hindi raw natin siya school mate." The smaller guy said that while laughing from his ass.

"Miss we're your school mates. Huwag mo kaming ginagawang tanga." The taller guy said. What? Really? Sila pa ang pinagmu-mukha kong tanga? Wow.

"I am not making you two fool around. Indeed, I'm not table tennis player. Duh. Kung sino man ang nagsabi niyan sainyo siya yung sisihin ninyo dahil ginagawa lang kayong tanga."

"Shit men. Nabuko niya tayo. Lintek na Ricardo yan mali-mali pa yung impormasyon na sinasabi. Asar." Narinig kong bulong nung pandak na lalaki doon sa matangkad. Tss. Mga abnormal.

"Ang adik mo kasi. Bakit mo pa kasi kailangang sabihin na table tennis player siya. Nabawasan tuloy ang karisma ko dahil sa babaeng 'yan." Ang kapal naman nito. Oo gwapo siya. Pero saan niya ba nakukuha ang kakapalan niya ng mukha? Ang sarap tanggalan ng kalyo sa mukha. Buset.

"Both of you can leave now. Please, thank you." Pormal na sabi ko na may kagalakang ngiti sa labi.

"Tara na nga pre sobrang kahihiyan na ang ginawa ko sa harapan ng crush ko." Small guy said it. Kaya pala lumapit, para lumandi. I feel sorry for him, wala akong panahon sa love life na 'yan.

"Hahayaan mo nalang yun pre? Magpakitang gilas ka sakanya. Huwag ka ngang duwag sayang 'tong pagkakataon." What the heck. At binigyan pa talaga ng word of wisdom. Tss.

"Pwede ba kuyang pandak at kuyang mahangin, magsi-alis na kayo. Nasisira lang ang magandang ambiance ng lugar na 'to."

"Ano sabi mo? Ako mahangin?"

"Bakit hindi ba?"

"Tsk. Pasalamat ka babae ka. At maganda ka."

"Yeah thank you. Ano pwede na ba kayong umalis?"

"Tara na nga pare." Sabi nung maliit na lalaki habang hila hila niya ang kanyang kasama.

Tuluyan na silang nakalayo at maya-maya lamang ay nagulat ako dahil biglang sumulpot ulit sa'kin yung lalaking matangkad sa harapan ko. May hawak-hawak itong maliit na papel at binibigay niya sa'kin. Nagtanong ako kung para saan iyon ngunit nilapag na lamang niya ito sa table ko at umalis bigla. Nang makawala na siya sa paningin ko ay sinimulan ko na itong basahin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon