1

4.7K 111 24
                                    


(A/N: Chapter 1 agad,wala ng prologue-prologue,hahaha.Tinatamad lang po kasi ang author,eh.)



***

Paano nga ba kung iniwan ka na ng 'The One' mo? Paano mo maisasalba ang sarili mong lunod na lunod na sa pagmamahal mo para sa kaniya? How can you find your way back when you lost your self along the way? Tama bang ibinigay ko ang buong-buong pagmamahal ko? O dapat bang nagtira man lang ako kahit kunti para sa sarili ko? Totoo pala ang sabi nila ano?



' Magtira ka ng barya sa bulsa mo para kung saka-sakali mang naibigay mo na ang lahat ng meron ka pero hindi ka kayang suklian,atleast may pamasahe ka pauwi diba?'



(A/N: Gawa-gawa ko lang po 'yan XD)



Alam ko na ngayon ang ibig sabihin ng salitang 'yun.And I learned it the hard way.


One day he broke me,second I woke up with throbbing pain in my head with a girl asking me to make her my rebound.


***



"Shei!! May naghahanap sa'yo sa labas dali!!"


I obeyed her while she's tugging me.Nasa may second floor kami ng Science Building at naghihintay ng next teacher kaso itong si Charmaine ay bigla-biglang nanghila.



"Ano ba kasi 'yun?"


"Look oh,ang cute!! Ang sweet niya talaga bhes!!"


Kinikilig na sabi niya.May sinisilip siya sa baba kaya nakisilip na rin ako.At nakita ko kaagad si Sena na may kinakausap na mga lalaki.Napakunot ang noo ko.Anong ginagawa ng babaeng 'yun doon? At ang lakas ng loob na makipaglandian sa iba ha?



'Kyaaahh!! Ang swerte talaga ni Sheia!! Una si Ivan tapos si Sena naman ngayon.'

'Oo nga.Ang ganda naman kasi talaga niya,kainis!!'


'Nakuu,nakakainggit talaga silang dalawa.'


'Sinabi mo pa,gurl.Ang sweet ni Sena at nakakakilig.'


'Kaso hindi masyadong appreciative si Sheia.Sayang effort ni Sena.'


'Uy,hindi,ah.Nakita ko kaya sila ng isang araw.Nagde-date sila tapos nakaholding hands sa isa't-isa while nakaakbay si Sena kay Sheia.Ang sweet nilang tingnan,bakla!!'


'Talaga? Sayang hindi ko nakita.Dapat pala sumama na lang ako sa'yo,eh.'


'Naku,may picture ako nila,bhes.Pakita ko sa'yo mamaya.'



Though I'm intrigued about the pictures that I heared,tinuon ko na lang ang tingin sa babaeng tinitilian nila ngayon na nakatingala na ngayon sa pwesto namin.Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin.


Yep,she's my girlfriend.Alam ng buong school 'yun kasi pinagsigawan talaga ni Sena na kami na.And totoong naging ex ko si Ivan na cousin naman ni Sena.Almost 6 months na kami ni Sena and 6 months na rin ang lumipas when Ivan broke up with me without diffinite reasons.And yep again,Sena is my rebound.Well,I don't want to pero naging mapilit si Sena.Araw-araw niya akong nililigawan kahit ayaw kong magpaligaw dahil masakit pa rin ang break-up namin ni Ivan.And I'm straight as a ruler kaya hindi ako pumayag.But Sena said na handa siyang maging rebound ko.Ayaw ko pa rin but when Sena shouted in the whole school--I mean literally--that we are officially girlfriends ay wala na akong nagawa.Naisip ko rin na maybe ito ang maging sagot sa sakit na nararamdaman ko.



My Rebound Girl(GxG)||Short Story||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon