Chapter 17

15 0 0
                                    

Jairo POV

At the bar...

"Hi! Are you with someone?". May babaeng lumapit sa akin habang nilalagok ko yung inorder ko. Maganda siya at maganda rin yung hubog ng katawan niya. Tss. Umaga pa lang ngayon at wala pang masyadong tao, kaibigan ko lang talaga may ari ng bar nato kaya napapasok ako. Pano' kaya nakapasok ang 'sang to?

" Obvious bang tayo lang tatlo dito kasama yung barista? Tss." Pabalang kung sagot. Wala akong pakialam kahit maganda ka. Tsaka yung legs mo.

"Nice. I really like hard to get boys. "

"Really? Then you can now leave me alone woman. I am not a hard to get assh*le, I'm a hard to please man." Sagot ko sa kanya na bahagyang kinangiti pa niya at tsaka inagaw ang baso kung may lamang tequilla. Tsk. Annoying.

Pagkatapos niya inumin ang laman ng baso ko, ngumiti siya sa akin ng nakakaloko " Then I would love to please every inch of you". Tss.

Eli POV

"Alam mo Jeyjey yang bestfriend mo, ang lakas ng tama!! Tsk! Tatanggalin ko talaga isa-isa yung mga kuko niya sa paa pag nakita ko siya ulit!". Agad kung sabi pagkalabas na pagkalabas ko sa cr ng clinic. Sinamahan kasi ako rito ni Jayrod kahit sinabi ko naman sa kanya na okay lang ako. Mas mabuti na daw kasi yung nakakasigurado baka daw may natamaan sa utak ko. Grabe talaga to!

" Nako Jayjay, huwag mo nang patulan si Jairo. Ako ng bahala dun kakausapin ko siya. Okay?".  Nakangiting sabi niya sa akin.

Heto na naman ang puso ko! Napakapasaway! Kung makalundag daig pang aattend ng olympics! Juskolored! Kailan ba ko makakapagmove on sa lalaking to? Kung ang bait-bait niya sa akin? Huhu.

"Hoy! Jay? Okay ka lang ba? Napuruhan kaba nung itlog kanina?". Nag-aalalang tanong niya.

" H-ha? Hindi. Ano ka ba, okay lang ako. Para itlog lang eh. Kaya ko yun noh! kahit isang tray pa."  Hihi. Joke lang. Pero  impress ka naman sa akin. Haha

"Ikaw talaga pala biro. "  anong biro? Ikaw nga dyan eh. Di mo man lang balak totohanin ang lahat. Haha. At tsaka bakit ba ang hilig mag-smile nang lalaking to! Hindi ba niya alam na maraming nafafall sa mga smile niyang ganyan?! Nako!
Nginitian ko na lang din sya ng ubod ng tamis.

"Siya nga pala, may pupuntahan pa pala ako. Okay ka lang ba dito sa clinic?". Tanong niya.

" Oo, salamat. Okay na ako dito. Nakapagbihis na naman ako eh. Baka pumasok na ako sa klasi ko mamaya. Buti na lang talaga parati akong nagtatago ng damit sa locker ko."

"Pagpasensyahan mo na talaga Jay ha? Hayaan mo, maayos rin to. Sige ha. Maiwan na muna kita."

Umalis na si Jayrod,pero wala pang isang minuto may bago na naman akong bisita. Si Kenneth.
At sa totoo lang na aawkward talaga ako sa kanya. Tsk! Pinagdalhan niya pa ako ng flowers, para namang nasa ospital ako. Pero totoo, nakakailang talaga.

"So, ahm. Are you okay now?".

" Yeah. Okay lang ako. Sanay naman na ako eh. Huwag kang mag-alala. Tsaka thank you pala dito sa flowers." Sagot ko sa kanya.

"You're always welcome Jel. Pero bakit naman ako hindi mag-aalala Jelix? Eh parang feeling ko eh araw-araw kang nasa panganib dahil kay Jairo at ang mas malala dun eh wala akong nagagawa."  May halong lungkot ang boses nya nung sabihin nya iyon. Siguro nga, hindi rin madali sa kanya kasi matalik nyang kaibigan si Jairo tapos aaaahhh-- ehem! Nililigawan niya ko. Tsk! Ang awkward talaga. Huhu

"Okay lang yun, ano ka ba. Masasanay din ako sa mga kalokohan ng TANyemas na yun."  At bahagya naman syang natawa sa sinabi ko.

"Yan yung gusto ko sayo eh." Errrrmmm.. Bull's eye. Ang awkward ng moment! Ang galing mo talaga jumackpot Kenneth.

Napansin niya yata na medyo nailang ako kaya agad nyang chinage ang topic kaya naman nakahinga rin ako ng maluwag. Whoo!! Ang hirap talaga maging maganda. Tsk.tsk.

-------
Masama po ba ang loob nyo sa akin? Hwag naman po sana. Mahal ko po kayo kaso naging busy po talaga ako.. Hayaan nyo at ----- ay hindi na nga ako mangangako. Hehe. Basta! Mag uupdate ako.

Labyuol<3
LadyB.

My Boyfriend is my Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon