[two]

27 5 0
                                    

[two]

Aliana’s POV

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Ervin.

Lalagpasan ko sana sya ng harangan nya ang dadaanan ko.

“Aliana, please! Pag usapan naman natin ‘to oh! ‘wag mo naman akong iwasan”

Teka, bakit ba ganyan sya? Ano bang problema nya?

“Ano bang problema mo? “ medyo napalakas ang pagsabi ko nun. Nakakainis naman kasi eh. Hindi ko sya maintindihan.

“Aliana, I’m sorry!”

“Sorry for what? For hurting me? For making me a fool? Huh?”

“No, Aliana! It’s not what you think! Alam ko, kilala mo ako bilang Casanova, but Aliana, I swear! I fell in love with you!”

“Ha! Ano na namang pakulo yan, Ervin? Paaasahin mo na naman ako?Sasabihin mong mahal mo ako pero hindi naman? Para san pa? Wala na tayo di ba? Bigla kang nakipaghiwalay sa’kin ng walang dahilan---“

“Yun nga Aliana eh! Akala mo walang dahilan! Akala mo bigla na lang kitang iniwan sa ere—“

“Bakit? Hindi ba ‘yun ang ginawa mo?”

“Aliana, No! hindi ganun yun, si Daddy, nalaman niya na ang anak ng kalaban nila sa negosyo ay girlfriend ko. Nagulat din ako ng malamang ang kompanya nyo pala ang mahigpit na kalaban ng kompanya namin. Aliana, kahit ayaw ko man wala akong magagawa kasi si Dad yun eh. You don’t know what he can do! I’m afraid na baka may gawin syang masama sa’yo. Ayoko mangyari yun kaya mas pinili kong hiwalayan ka, it’s for your sake.”

“ha! For my sake ba kamo? Then why am I hurting? Tell me!” umiiyak na ako kasi di ako makapaniwala na pamilya nya pala mismo ang may ayaw sa akin.

“sshh..stop  crying! maybe it’s better for us, it’s all I can do, just to protect you. I’m sorry, babe. I’m really sorry” and with that niyakap nya ako at nararamdaman kong humihikbi din sya. Is this real? The campus Casanova is crying? It means he’s hurt. He really is!

Kumalas ako sa pagkakayakap at nakita ko nga na tumutulo pa ang mga luha nya. Pinunasan ko ‘yun  at hinawakan nya ang kamay ko.

“I guess this Casanova, is not allowed to fall in love” at tumawa sya..yung tawa na puno ng sakit.

“sshh.. maybe it’s  not the right  time, Ervin, kahit masakit *huk* kahit—kahit hindi ko pa makaya, I’m letting you go! Siguro hindi nga tayo sa isa’t isa” at naiyak na naman ako.

“I love you, Aliana. Tandaan mo yan. Please, pag naka move on ka na, pansinin mo naman ako, pansinin mo naman si Ervin na isinuko ang pagmamahal nya para lang protektahan ka.”

Nakatingin sya sa mga mata ko habang sinasabi nya yun. At nararamdaman kong sincere sya. Nakikita ko yun sa mga mata nya. Pati ang sakit, ramdam ko.

Nagulat na lang ako ng halikan nya ‘ko ng marahan sa labi. Nagtagal din yun ng ilang segundo, pero hindi ko makalimutan.

“I love you, Aliana. Kalimutan mo na lang ako para di ka na masaktan. Promise, hangga’t nasasaktan ka pa dahil sa’kin, ‘di muna kita guguluhin. Hindi kita kakalimutan, tandaan mo ‘yan” sabi nya atsaka tumalikod na.

“Ervin, mahal din kita, pero ‘di ko maipapangako na kakalimutan kita” bulong ko sa sarili ko, at maya maya ay naglakad na din pauwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitter to Better?? [hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon