Prologue

1.3K 30 18
                                    

"Nasasaktan din ako. Tao din ako, may nararamdaman. Wag mo naman isisi sa akin lahat ng 'to."

"Oo. Parehas na lang tayong nasasaktan. Pareho na tayong nagmumukhang tanga. Ano? Tigilan na lang ba natin 'to?"

"Kaya mo ba? Hindi ganon kadali yung sinasabi mo."

"Ikaw? Kaya mo ba? Alam ko. Pero kakayanin ko kung kinakailangan. Pareho tayong nahihirapan."

"Gawan naman natin ng paraan. Please lang."

"Sinubukan na natin. Walang nangyare. Wag muna tayong mag-usap."

"Gano katagal?"

"Hindi ko alam."

Akala mo masaya kayo. Akala mo ayos kayo. Pero hindi pala. Sobrang daming nangyayare in the background na hindi naman masyadong napapansin pero kalaunan, dun manggagaling yung sangkatutak na problema niyo.

What happens next when the love you fought for starts to waver? What happens next when the bond between you and the one you love begins to sever?

"Maghiwalay na tayo."

"Yan bang gusto mo? Sige. Maghiwalay na tayo."

________________________

Arci's POV

Anim na buwan matapos kong magpropose kay Kamille, nagsimula na kaming magplano para sa big day. Wala pang nai-set na date pero nagsimula na kaming bumuo ng concept. Sobrang nakakapagod pala yung ganito. Kakausap ng madaming wedding coordinators para ma-accomplish kung anumang gusto naming mangyare sa araw ng kasal.

Pero lahat ng pagod na yun ay mababawi at the end of the day kasi alam naming mahal na mahal pa rin namin ang isa't isa.

Sa loob ng anim na buwan, marami ring nangyari. Mga maliliit na tampuhan, mga away na madali rin namang naaayos. Sa huli, lagi naming naiisip na yun yung mga bagay na mas makakapagpa tibay sa pagmamahal na meron kami ngayon.

But because of unexpected circumstances, we suddenly felt the ground crumbling at our feet.

It was then when I felt her slowly letting go. 

Slowly slipping out.


_____

A/N: OMG! Sa wakas. Sorry sa sobra sobrang delay netong book 2. Hindi ko pa rin naaayos yung cover. Sorryyyy. Salamat po sa patuloy na pag support ng story na 'to :D 

Babawi po ako swear!

Slowly Slipping Out (Never Let Go II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon