Arci's POV
After 15 hours na nakatengga ako sa upuan ng plane, finally nakarating na ako ng California. Sinundo ako ni Lolo Luis sa airport at dahil gusto daw niyang kumain, pupunta muna kami sa favorite daw niyang restaurant na matagal niya nang hindi napupuntahan.
"How are you apo?" Tanong sa akin ni Lolo Luis habang nasa loob kami ng sasakyan.
"Eto po, ganoon pa rin naman tulad ng dati."
"Ano ba namang sagot yan? Mag kwento ka naman." Natatawa niyang sabi.
"Ehh ano po bang gusto niyo marinig? Haha Lolo talaga."
"Kayo ni Kamille? Kumusta? Malapit na ah."
"Oo nga po eh. Kinakabahan siyempre po pero gusto ko nang matapos lahat para andun na kami. Lahat settled naman na. Etong business na lang po talaga. Eh hindi ko naman po kayang pabayaan nalang si Kuya."
"Relax lang apo. Three weeks na lang pala eh. Hindi naman na ganoon katagal yun. Kailangan niyo talagang pag daanan lahat ng pinag dadaanan niyo ngayon bago kayo ikasal para mas maging matatag kayo. Oh andito na pala tayo. Bumaba ka na diyan at nang makakain na tayo."
We went inside an Italian restaurant. Nag order lang ako ng Lasagna habang nag Orzotto naman si Lolo. We talked for a couple of hours. Kwentuhan sa kung ano nang mga ganap sa Philippines at ano pang mga magaganap.
8PM na nung makauwi kami sa bahay niya.
"Apo.. " Hinuli ni Lolo ang tingin ko and he held my eyes fixed on him for a moment. There was a hint of... How do I put this? Sadness? Melancholy? Ah. Solemnity. There was a hint of solemnity in his eyes na hindi ko mafigure out kung bakit andun. Hindi ako nakapag salita para sagutin siya.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na.. No matter what happens, apo kita. Wala akong ibang gugustuhin kung hindi makita kang safe at masaya." Ngumiti siya sa akin and in that instant, napalitan ng happiness yung mga mata niya.
"Good night, apo. Oo nga pala. I can't be with you tomorrow since I have a lot of things to do here."
He kissed me on my cheek and started walking towards his room. Nakaramdam ako ng kaba deep inside kasi hindi ko magets yung sinasabi ni Lolo. Gusto kong isawalang bahala pero parang sobrang seryoso ng mga gusto niyang sabihin. Ramdam kong may tinatago siya pero I don't think now is the right time for me to know whatever that is. Huminga ako ng malalim and tried to calm myself.
I laid down all my baggages. I probably need to look for an accommodation na mas malapit sa Silicon Valley so I wouldn't have to travel every time.
I set my laptop sa desk and tried to contact Kamille. Without fail, she answered my call.
"Ohh. You look worried?" Sabi niya nang bigla akong natahimik.
"Ewan eh. Kinausap ako ni Lolo kanina and I feel uneasy." Binanggit ko kay Kamille yung mga sinabi ni Lolo.
"Byy. Baka naman masyado ka lang nag-ooverthink. Alam mo naman si Lolo, medyo may pagka sentimental. Hayaan mo na lang muna. Malay mo, nag-aalala lang sa'yo."
"Yeah. Baka nga ganon."
That night, nahirapan akong matulog. Dala na rin siguro ng jet lag at idagdag mo pa yung jitters na nararamdaman ko para sa meeting tomorrow. All that we've worked for for the past years will come down to one meeting bukas. After tomorrow, our company will be consolidated in one whole piece. Kapag naging successful bukas, wala nang makakahadlang samin ni Kamille na magpakasal. All I had to do tomorrow is ask for approval sa isang stockholder namin but this particular guy is not someone who can be easily pleased.
BINABASA MO ANG
Slowly Slipping Out (Never Let Go II)
RomanceWhat happens next when the love you fought for starts to waver? What happens next when the bond between you and the one you love begins to sever?