Author's Note:
Naka bold lahat ng sinasabi ng may-ari ng POV para sa mas madaling pagbabasa. Sorry natagalan ang update hays. Thank you sa lahat ng sumusuporta! :D
Arci's POV
Three weeks na lang. Three weeks na lang. Huminga ako ng malalim. It's 4am at naglalakad ako pabalik-balik dito sa loob ng kwarto. God. Nag f-freak out na ata ako. Hindi ko ma explain nararamdaman ko. Halos gabi-gabi nalang ganito. Hindi ako makatulog ng maayos. Hindi ako makakain ng maayos. What the hell is up with me?!
Hinga. Hinga.
Three weeks na lang, ikakasal na kami. Eto ba yung wedding jitters na sinasabi nila? Like... Kakabahan ka the last minute and kapag hindi mo na conquer... Mag b-back out ka?
No.
Wala sa hinagap ko na mag back out sa kasal namin ni Kamille. Wala lang ako sa sarili. Maybe because of the stress sa sobrang daming ginagawa?
I looked at my empty bed. Napaisip tuloy ako kung gising na si Kamille. Malamang hindi. It's too early to call her. Mag jog kaya ako?
I put on my running shoes. Nag suot din ako ng sweater dahil medyo maginaw sa labas.
I ran as fast I can. Naf-feel kong sinasampal yung mukha ko ng malamig na hangin. Baka ito yung kailangan ko to shake off yung nervous feeling. Tumakbo ako hanggang sa naramdaman ko yung init imbis lamig. Hanggang sa naramdaman ko yung pag tulo ng pawis ko sa likod.
Hingal na hingal ako nang makabalik ako sa bahay.
After kong maligo, I started to cook breakfast.
*BZZT BZZT*
Good morning. Makikita ba kita today? I miss you. :(
Nag text si Kamille. Halos one week na kaming hindi nagkikita. Galing siya sa province because of work. Baka naman yun yung dahilan kung bakit ako nag papanic ng ganito. Baka naman miss na miss ko na talaga siya kaya ganito.
Puntahan kita. I'm bringing breakfast. I'll be there in 15.
Nagmadali akong nag-ayos ng gamit for work para mabilis na makapunta sa bahay niya.
Nang makarating ako sa bahay niya, isang mahigpit na yakap ang sumalubong sakin.
"Hey." Sabi niya habang nakangiti sa akin.
Lahat ng nararamdaman kong kaba kanina, ngayon wala na. Siguro nga, miss ko lang siya. Sana three weeks na para magkasama na kami araw araw. Sabay kaming pumasok sa work and I kissed her good bye bago ako pumunta sa office ko.
Simula nung ibinigay sa akin ni Dad ang Rivera & Associates three years ago, dito na rin nag trabaho si Kamille full-time kaya naman nakakapagsabay kami pumasok sa office at nakakapagsabay ring umuwi. Nahihirapan nga lang kami kapag may mga meetings away from the office at kapag kailangang i-check ang mga branches na nasa iba't ibang provinces. Kadalasan, nag sasabay yung mga ganon kaya naman, kanya kanya kaming byahe.
Si Lolo Luis naman... Ayun. Hindi na kami nahintay magpakasal ni Kamille at lumipad nang dali-dali sa States. Alam naman niyang nalalapit na ang kasal kaya next week, uuwi na siya dito. Yung bahay niya, nasa pangalan na namin pero may kondisyon kasi sa will na kailangang kasal kami ni Kamille bago namin ma claim yung titulo. Oh diba? Si Lolo talaga ang biggest fan namin eh.
Akala namin, madadalian lang kami na pagkumpulin sa isang malaking opisina ang lahat ng nagaganap sa office pero dun kami nagkamali. For the past three years, pinag t-trabahuan namin ni Kamille na maging centralized lahat ng transactions para naman kahit nasa bahay nalang kami ni Lolo Luis eh mamamanage namin lahat ng maayos. Kaya naman nung nag propose ako kay Kamille, todo effort nang matapos ang lahat para tuloy-tuloy na.
Isang trip na lang at matatapos na ang lahat.
"Okay ka lang?" Tanong ni Kamille sa akin.
"Yeah. Oo naman. Andiyan ka na eh." Kinindatan ko siya.
"Heh! Ayan ka nanaman eh. San mo na gusto kumain?"
"Hmm.. Pili ka." Inilahad ko yung fingers ko sa kanya. Bawat daliri, may corresponding na kainan.
"Etoo."
"Okaaay. Tara na sa carinderia. Haha."
"Oh tara lets na."
Nag lakad na kami papunta sa carenderia sa tabi ng office. Suki na kami dito eh. Sarap kaya ng lutong bahay na ulam.
"Nakapag decide ka na ba dun sa trip to California?" Tanong ni Kamille habang sumusubo ng dinuguan.
"Di pa nga eh. Can't we go together? Matagal-tagal din yun. Two weeks. Three weeks na lang bago yung big day..."
"Yun ang tanong, pwede bang magkasama tayo? When will that be?"
"Two days from now. Wala pa ngang ticket eh."
"May trip na na-assign sa akin. Paano yan?"
"Really? Saan daw ba?"
"Sa Legazpi."
"Wehh? Wala bang pwedeng ibang pumunta?"
"Hmm. Si Ranz?"
"Siya nag aasikaso nung installation ng bagong software. Hay."
"Wala tayo magagawa."
"Oo nga. I'll talk to Ranz later."
____________
2 days after...
"Byy. Mag-iingat ka, okay?" Sabi ni Kamille sa akin bago ako pumasok ng waiting area ng terminal ko. Nasa airport na kami and we dined first bago pumunta sa kanya kanyang terminal. My flight is in an hour. Ganon din si Kamille but she gotta rush kasi nasa kabilang terminal pa siya.
"Yup. Mag-iingat. Ikaw rin. Always check your phone ha? Baka mamaya di mo makita kapag nag cha-chat ako or kapag tumatawag ako."
"Opo."
"I'll see you in two weeks. After that, quits na. Uwi na tayo sa province."
"Ehhhh. Wag mo na ipaalala. Tagal ng two weeks ha."
"Okayyy. Stop thinking about it. I love you."
She leaned in to kiss me. I felt her soft lips touch mine. If only we had more time, I could've deepened the kiss to the point na hindi ko na siya bibitawan but Kamille had to go na rin. I hugged her tight before breaking away from the kiss.
"I love you. I'll see you soon. Tawag ka palagi ha? Alam mo naman break time ko."
"Opo. I love you."
And before I knew it, she was gone. Mag-isa na lang ako. Two weeks. Marami kayang mag bago sa loob ng two weeks? Sa aming dalawa ni Kamille? Probably, ang mag babago lang eh sobrang mamimiss ko siya. And sobrang mas mamahalin ko pa siya. Pag balik ko, ikakasal na kami. That's that. Finally yun na yun.
Kaya naman siguro namin diba? Alam kong kaya namin.
Author's Note...
Sorry sa short update pero... jump start lang naman haha. Para may pagsisimulan. Huhu sorry sobrang tagal ng inabot. Enjoy!!!
BINABASA MO ANG
Slowly Slipping Out (Never Let Go II)
RomanceWhat happens next when the love you fought for starts to waver? What happens next when the bond between you and the one you love begins to sever?