Chapter 1

3.4K 49 16
                                    



"ALAM niyong ayaw kong pinipilit ako sa isang bagay na hindi ko gusto! Maghanap kayo ng ipapakasal sa lalaking iyon! I will never marry anyone I don't even like!"

Napabuntong-hininga ulit si Kizza habang nagmamaneho siya papunta sa favorite bar niya: Ang Evergreen Music Lounge. Kahit na nga ba napakaingay at alive na alive ang naturang lugar ay nakukuha niyang mai-relax ang sarili at makisaya sa lahat ng naroroon. Naging paborito niya iyon hindi lang dahil sa lugar kundi sa house band ng naturang establishimento na kilala sa pangalang Alpha Stellar. Crush na crush niya kasi ang keyboardist-slash-vocalist ng banda na si Aaron Aquino, Artemis' half-brother.

Artemis and her was a great friend in fashion industry. Nag-click kasi ang pagkamataray nilang dalawa that led to a strong bond of friendship. Ito rin ang nagdala sa kanya sa Evergreen and fell in love with the place, the Art's brother. And right now, she needed the right distraction from her very foul mood. Hindi kasi naging maganda ang pag-uusap nila ng magulang. Just thingking of it makes her blood boil kaya nga nagpasya siyang pumunta muna sa Evergreen.

Hindi naman nagtagal at nakarating siya doon and as usual, pahirapan na namang makakita ng parking lot dahil nga sa dinarayo ang naturang lugar. As soon as she found a space ay lumabas na siya sa kanyang sasakyan. Wearing her usual black stilletos, her own designed bags and clothes ay nag-ala-model siya sa paglalakad. Kahit naman kasi bad mood siya, she cannot bare to lose face and poise because she's one of the faces of modeling industry. She was an ex-model.

Nagmamadaling lumakad siya sa entrance ng Evergreen dahil narinig niyang ang Alpha Stellar na ang tutugtog and she can't afford to missed it dahil she wanted to laugh at Aaron's jokes. Ilang talampakan na lang siya sa pinto ay nabangga pa siya ng isang nagmamadali ring lalaki at dahil na rin sa impact ay na-out of balance siya. Hindi niya alam kung maaasar ng tuluyan sa lalaking nakabangga sa kanya o magpapasalamat dahil na rin sa ito ang tumulong sa kanya upang hindi tuluyang mapaupo sa maduming sahig pero dahil iritable na siya kanina pa ay hindi niya napigilan na bigyan ito ng nakamamatay na tingin. It was a wrong move. She thought dahil ang nakita niya ay isang di kaaya-ayang itsura ng binatang nakabanggaan niya. She really hate people who doesn't care about their looks, specially their fashion sense. Kaya nga siguro nagkasundo sila ni Art ay dahil sa kinaiinisan nila ang ganitong bagay. Bigla-bigla ay gusto niyang bihisan at ayusan ang binata dahil kung pakatititigan ay may itsura ito.

"Sorry, Miss, nagmamadali kasi ako dahil late na ako sa usapan naming magkakaibigan," sabi pa nito.

And that voice, I think I heard that voice somewhere. Somehow, it soothes my foul mood.

"Pasensya na talaga. Miss, medyo malabo kasi ang mata ko," paliwanag pa nito. Doon naman siya biglang natauhan. Tumayo na siya at iniayos niya ang nagusot na damit. Napabuntong-hininga na lang siya ulit at tinignan ng binata. She took her calling card out and gave it to the man.

"Thanks for catching me and saving me from humiliation. Ito, card ko, call me if you need some fashion advice," sabi niya at tumuloy na siya sa loob. Tumingin-tingin na siya sa kabuuan ng Evergreen para makahanap ng tahimik na mapu-pwestuhan. She saw an empty bar stool infront of the bar at doon na siya nagpasyang umupo, malayo man sa stage ay makikita pa rin naman niya ang lahat doon. "Sex on the beach, please," sabi niya sa bartender at hinintay na magsimula ang tugtugan ng Alpha Stellar.



HINDI niya mapigilang mapangisi habang papasok siya sa Evergreen. What happened earlier made his night awesome. Aba, akalain mo na nilait ni Kizza ang itsura niya ng hindi siya na-o-offend. Hindi niya tuloy mapigilang pagmasdan ulit ang calling card na ibinigay sa kanya ni Kizza habang pinupuntahan niya ang mga kaibigan sa backstage. Wearing his disguise as a geek guy, umupo siya sa tabi ni Isaac habang pinagmamasdan pa rin ang calling card.

KALMIA Series 2: Aaron's Story - Hiring: Geeky BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon