Chapter One.

24 1 0
                                    

--Hanna Ysabelle Cortez--

Nakakainis! Bakit kasi kailangan ko pang umuwi dito sa pilipinas,eh pwede naman akong mag-aral doon sa states.Kung kailan ko gusto tsaka naman ayaw ni daddy tapos kung ayaw ko naman,siya naman ang may gusto.

Opo! tama po ang inyong iniisip.Ang dakila kung ama ang nagpauwi sa akin dito sa pilipinas.Arrgh! ang sakit nila sa bangs!!!!..

On the way na ako pauwi sa bahay namin or should I say sa "MANSION" namin.Yes! sa mansion namin,isa akong Cortez kilala sa buong business society ang pamilya ko.Kaya wag ka nang kumontra "MAYAMAN" ako. Period.

Nabalik lang ako sa ulirat ng tumigil na ang sasakyan pagtingin ko sa labas nasa bahay na pala kami.Tumingin ako kay manong driver at nginitian ko ito.

Pagbaba ko sa kotse agad na akong pumasok sa loob pero wala akong nakita tao sa sala,lumakad pa ako ng kaonti.Bigla akong naistatwa sa aking kinakatuyan ng may sumigaw ng "WELCOME HOME!",unti-unti akong lumingon sa likod ko at doon ko nakita ang buong pamilya ko.

Bawat isa sa kanila may malaking ngiti sa mga labi,lumapit sa akin si Mama at agad akong niyakap."Welcome home anak.We miss you so much!".ang higpit ng yakap sa akin ni mama.

Lumapit din sa akin si Papa at si kuya Bryan.Isa lang ang kapatid ko at si kuya Bryan Casper Cortez lang naman ang pangalan niya.Next time ko na siya ipapakilala sa inyo.

"Welcome home anak,ang tangkad mo na ah.Dalagang dalaga ka na at ganda ganda mo pa anak."napangiti naman ako sa compliment niya sa akin.Si papa talaga walang pagbabago.

"Si papa talaga kung mambola,syempre kanino pa ba ako mag mamana.Di ba ma?."sabay tingin ko kay mama at kinindatan ko pa ito.Tumawa lang si mama hinarap ko naman si kuya at sabay kindat din sa kanya.Alam niya na kung ano ibig sabihin nun.

"Oo,maganda ka na bunso,halina kayo at kanina pa naka handa ang pagkain sa lamesa."sabi nito sa amin at agad naman ito sinang ayunan ni papa.

Kung dati tahimik lang kami kumakain ngayon naman animo'y mga reporter yung mga kasama ko.Ang dami nilang tanong,kung kamusta ba ako doon,kung kumakain ba ako 3x a day,kung may mga friends na ba ako doon at marami pang iba.

Sa katunayan hindi naman ako galit sa desisyon nila na pauwiin na ako dito sa pilipinas,na miss ko rin naman sila pero aaminin ko nagtatampo ako kay Papa,pero alam kung pansamantala lang itong nararamdaman kung tampo kay papa at mawawala rin ito.

Syempre lahat naman ng tanong nila eh sinasagot ko naman ng maayos ayuko namang maging rude sa kanila.

---Dustin Mark Cruz---

Kakauwi ko lang galing sa gig na pinuntahan namin kagabi kasama ko ang banda syempre di sila mawawala.Pagpasok ko sa bahay uminom lang ako ng tubig sa kusina at umakyat na ako sa kwarto ko 6:30 pa naman so matutulog muna ako.Nagagapagod din naman kumanta buong mag damag.

Si Eric kasi isa sa mga kabanda ko siya amg guitarist ng banda,may nagbigay daw sa kanya ng isang slot sa isang Club house magsisimula kami ng 10:00 at hanggan umaga nayun.Iba ibang kanta yung kinanta namin.

Nakakalimang libo kami kada isang gabi at kaming apat na ang bahala sa paghahati-hati nun.Minsan kung sinuswerte mas mataas pa doon pero kung hindi naman mas mababa sa limang libo.

Malapit na ang pasukan at kinakailangan ko ng pang enrol.Sa pag iisip kung paano ako makakaenrol sa pasukan hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako,siguro dahil na rin sa pagod kaya nakatulog ako kaagad.

"Dustin." Nagising ako ng may kumakatok sa pinto ng kwarto ko."Dustin,anak!."Si mama pala,agad na akong bumangon at binuksan ang pinto."Oh ma bakit?"may inabot itong sobre sa akin."Ano 'to ma?."tanong ko kay mama pero imbis na sagutin ako ay nginitian lamang ako nito.Binuksan ko na ang sobre sandali akong natulala sa sulat na binasa ko,ngayon hindi na namin poproblemahin ng mga kabanda ko ang ipangeenrol.Sigurado ako ngayon na may sulat na rin sila galing sa school na pinagkuhaan namin ng scholarship.




------------------------------------------------------------------------VOTE AND COMMENT!!

TomyTailer

The So Called-LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon