A/N: umangkin ng story na to bukod sakin, magkakapigsa! Hirap po mag-isip ng isusulat dito.
written by: zhyke_01 ( fab )
***
Intoduction:
What if one day sabay nagtapat ng feelings nila para sayo ang dalawang taong napamahal na sayo. Si bestpren at Si savior mo.
Si Bestpren na halos araw-araw ay inaasar at binibiro ka. Ngunit nasa tabi mo naman siya lagi lalo na pag kailangan mo ng masasandalan.
Si Savior na lagi ka naman nililigtas sa tuwing malalagay ka sa alanganing sitwasyon. Feeling mo lagi kang safe pag kasama mo siya.
Sino nga ba mas matimbang....
Si Savior o Si Bestpren?
***
Chapter 1
*krisha's pov*
"PSSTT, panget!". tumingin ako sa paligid. Hindi dahil sa panget ako ah, pero dahil kilala ko ang may-ari ng boses na yon.
Nakita ko si Santi. Naka-school uniform na ito. Namaywang ako at tinarayan siya.
"at sinong tinatawag mong panget, aber?" ang aga nito mang-asar.
"ikaw...bakit ikaw lang naman nandito diba?" tumawa ito ng malakas. Wagas ah.
Sumimangot ako. Ang ganda ko tapos tatawagin akong panget, bestpren ko pa. Badtrip diba? =___=
"wag ganyan lalo ka papanget, ito flowers for you" binigay niya saakin ang hawak niyang roses.
"kaninong hardin mo naman pinitas ang mga to?"
Kumamot ito sa ulo.
"ano..nadaanan ko lang diyan sa kapitbahay niyo"
"hanuu?pag ikaw nahuli ng may-ari ipapahabol ka sa aso nila!" sabi ko
"bakit nandito ka naman para ipagtanggol ako saka para sayo naman kasi yang flowers eh"
Kitam ang ugali ng loko!
"so ako pa pala may kasalanan?eh di sayo na tong flowers mo,saksak mo sa baga!" ibinalik ko sa kanya yon.
"ito naman di mabiro,syempre nagpaalam ako sa may-ari. Kunin mo na ulit oh, nag-effort ako para bigyan ka ng flowers." nagsmile ito, ganito ---> ^______^
Naks. Nakakakilg naman si bestpren! ^__^
Kinuha ko ulit yon at nilagay sa vase.
Ganyan mang-asar si Santi, pero binibigyan ako ng flower pag alam niyang pikon na ako. Babaw ng kaligayahan ko no.
My name is Krisha Verona, nada senior highschool. At ang lalaking wagas mang-asar saakin ay si Santiago de Guzman. Siya ang bestpren/enemy ko, mag-iisang taon na din.
"papasok ka na din ba?sabay na tayo" sabi ko.
"psshh!gusto mo lang sumakay sa bike ko eh!"
"bakit ayaw mo pasakay diyan?sige maglalakad nalang ako baka sakaling may maawa sakin at pasabayin ako papuntang school!" naglakad na ako.
"sige na nga sakay kana,nakakaawa ka kasi"
Kitam, di ako natiis ^____^
"dahan-dahan baka...baka magasgasan bike ko!" sabi niya
"mas mahalaga pa tong bike mo kesa sakin???" kakaiba talagang tao to.
Tumawa ito at pinisil ang pisngi ko.
"ang panget mo talaga pag napipikon.. Syempre mahalaga ka, pero bagong bili tong bike ko eh! Yaan mo bukas mas mahalaga kana ulit sa akin.". tumawa pa ito.
Asar talaga! Bakit ba naging bestpren ko to.
Ngayon ko lang napansin, ala endless love ang peg namin. ^____^
***
*Santi's pov*
Ang cute talaga ni Krisha pag napipikon. ^__^ Hindi naman talaga siya panget tulad ng sabi ko. Trip ko lang siya tawagin ng ganun. An sarap kasi niya asarin. Mahilig siya sa flowers kaya nanghihingi ako para ibigay sa kanya. Sweet ba ako? ^__^
"papasok ka na din ba? Sabay na tayo." sabi niya
"psshh!gusto mo lang sumakay sa bike ko eh!" pang-aasar ko
"bakit ayaw mo pasakay diyan?sige maglalakad na lang ako baka sakaling may maawa sakin at pasabayin ako papuntang school!" naglakad na ito.
"sige na nga sakay kana nakakaawa ka kasi"
Nagsmile siya.
"dahan-dahan,baka...baka magasgasan bike ko!" lol..ang gusto ko talaga sabihin,baka magasgasan siya ^___^
Ilang minutes lang tanaw ko na gate ng school namin.
"bumaba kana, baka isipin ng nila ng gf kita!" sabi ko. Sumunod naman ito.
"bakit takot kang makita ng crush mo na may magandang kasama?" confident na sabi nito.
"ofcourse not!saka sino ba maganda,ikaw? panget mo kaya!"
"hmp!ewan ko sayo nakakainis ka!" tumalikod na ito at naglakad na.
"di manlang marunong mag-thank you!" pinaringgan ko siya.
"thank you sa pang-aasar!" sigaw nito.
Napangiti nalang ako at sinundan ko siya ng tingin.
"abot tenga ngiti mo tol.." tinapik ako sa balijat ng classmate ko.
"sira!maganda lang araw ko" ^____^
Napatingin ako sa may gate ng school namin bigla kasing may nagsigawan.
Teka si Krisha.. bakit yakap takap siya ng lalaki? Anyare? Nag init ulo ko, di pweding may yumakap kay Krisha lalo na kung lalaki!
to be continued...
***
A/N: vote ang comment po.. tnx
BINABASA MO ANG
Si Savior o Si Bestpren?
Teen FictionSi Krisha pinag-aagawan ng dalawang binata. Siya na ang maganda. Pero sino nga ba ang matimbang sa puso niya?