<Hanz's Pov>
"si krisha nalulunod!" narinig kong sigaw ni Amee.
Napatakbo ako sa pool area.
Agad ako tumalon sa pool.
Malalim kasi na bahagi ang kinaroroonan ni krisha.
Hinawakan ko siya at agad iniahon sa tubig.
Wala itong malay.
Kelangan kong gawin ang mouth to mouth resuscitation.
Pero natigilan ako, alam ko naman gawin yon pero parang na-blanko ang isip ko.
Biglang may tumulak sakin, si Santi.
"tabi! kung ayaw mo gawin ako nang gagawa!" sabi niya na parang naiinis sakin.
Pinaubaya ko nalang sa kanya ang dapat gawin.
Ilang sandali pa nagising na si Krisha.
Ipinagpaliban muna namin ang group study dahil sa nangyari.
<Santi's Pov>
"okay ka na ba talaga panget?" tanong ko kay Krisha. Nag-aalala ako sa nangyari eh.
"ano ka ba, buhay pa ako diba?" pagbibiro niya.
"nakuha mo pa magbiro."
Tumawa lang siya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya.
Hindi naman siya nagprotesta. Buti nalang pa la naligo ako. ^__^
"sobra ako nag-alala sayo."
Hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.
Ilang segundo din kami magkayakap. Bago siya kumalas.
Naman, bitin yong yakap. ^__^
Pinisil niya ang pisngi ko.
"ang drama mo bestpren! Pero thank you sa pag-aalala,okay na ako. Tara pasok na tayo sa loob, antok na ako eh."
Sinamahan ko siya hanggang sa kwarto kung saan naroon din yong ibang girls.
<Krisha's Pov>
Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Santi.
Kakaibang yakap yon, alam niyo kung bakit?
Kasi dati niyayakap niya naman ako pero walang epekto sakin.
Pero ngayon, parang may gusto siyang ipahiwatig o baka naman assuming lang ako? -___=
"sobra akong nag-alala sayo." sabi niya na hinigpitan pa ang yakap sakin.
Dugdugdug..
Puso ko ba yon?
Bat ang lakas ng tibok?
Kumalas ako sa pagkakayakap niya.
Nahihiya ako na marinig niya ang tibok ng puso ko.
Pinisil ko ang pisngi niya.
"ang drama mo bestpren! pero thank you sa pag-aalala, okay na ako. tara pasok na tayo sa loob,antok na ako eh."
Hindi pa naman ako antok pero naiilang ako.
Sinamahan niya ako hanggang sa room naming nga girls.
"saan kayo galing ni Santi?" tanong ni Amee ng makaoasok ako sa kwarto.
Ano ba to ang chismosa naman nila. ^__^
"sa labas lang bakit?"
"may gusto ba sayo yong dalawa?" tanong naman ng isa ko pang classmate.
BINABASA MO ANG
Si Savior o Si Bestpren?
Teen FictionSi Krisha pinag-aagawan ng dalawang binata. Siya na ang maganda. Pero sino nga ba ang matimbang sa puso niya?