Chapter 20: Revelation

15.9K 317 1
                                    

Khazandra's Pov

Pain, as what people believe is an indication that we are still alive. Though, it will make you realize many things. And pain demands thing. Pain demands to be felt. 

Nakangiti ako papasok sa gate ng school dahil marami ang dumaraan. Pag napansin kong wala ng tao agad akong bubuntong hininga, hindi ko alam pero nung pagkagising ko kinabahan agad ako pakiramdam ko. May hindi ata magandang mangyayari. Napailing-iling ako. wala naman sana.

Hay!

Hindi ko nalang ganong inisip. Minabuti kong ngumiti nalang at wag nang mag-isip ng hindi maganda. Siguro ay may ibabagsak nanaman akong quiz kaya ako kinakabahan. Bahala na.

"Hello Khazandra! Sabay na tayo!" Masayang bati ni Kaizer. Nginitian ko nalang siya bilang sagot. Kawawa naman ang isang 'to. Alam ko na hanggang ngayon gusto n'ya pa rin ako. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na huwag na siyang umasa ay sige pa rin siya. Natatakot lang ako na baka sa huli masaktan siya.

"Ang lalim ng iniisip natin ah! Ano ang meron?" Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. 

Hindi ko maipagkakailang gwapo siya. Maputi, matangos na ilong, mapungay na mga mata, kissable lips at ang kanyang asset, malalim na dimple at magandang hugis ng panga.

"Wala ito. Huwag mo na akong intindihin. Nothing to worry about." Sabi ko sabay ngiti. 

"Okay then. If that's what you say so." Nakangiti at taas-baba ang balikat nya nang sumagot. Ngumiti nalang ako at umiling.

Bago pa ako makapasok sa room, nakita ko na agad ang seryosong mukha ng aking asawa na siyang nagpapaka kaba sa akin ng husto. Sounds oa right? I'm just expressing myself here.

Umupo ako sa proper seat ko. Pagkaupo ko ay di ko maiwasang mapatingin ulit sa kanya, seryosong ekspresyon!

Nakita kong naglabas siya ng cellphone at may tinype dun. Maya-maya pa ay nag-ring ang phone ko.

From: Dustin <3<3<3

Wag kang umalis agad mamaya. We need to talk.

Agad akong dinapuhan ng kaba sa text nya. What's wrong? Ghosh! This is just a text message.

To: Dustin <3<3<3

Ok. :)

At tinago ko na ang phone ko. Pinili kong balewalain ang kabang bumabagabag sa akin. Itinuon ko sa pakikinig ang aking atensyon. Pero kahit anong pilit ko kinakabahan pa rin ako. Seriously? What's wrong?

Again, natapos na agad ang aming klase, nag-quiz ulit kami sa Chemistry at sa kasamaang palad ay 10/20 lang ang nakuha ko.

Nawala ako sa pag-iisip nang may nagtext. Kinuha ko ang cp ko at tinignan iyon.

From: Dustin <3 <3 <3
Come to my office, I'll wait you here. Take Care.

Napangiti ako!

Walang alinlangang tinahak ko ang daan papunta sa Math Department kung saan nandun ang office n'ya. Nakangiti ngunit kabado akong naglalakad ay nasalubong ko si Kyle. Uy, nandito pa pala siya. Ang tagal na kasi noong huli ko siyang makita.

"Uy Khazandra! Saan punta natin?" Nakangiting tanong ni Kyle at sinabayan ako sa paglalakad. Nginitian ko siya bago sumagot.

"Don't mind me, masaya lang ako. Sige una kana may pupuntahan pa ako" Masaya kong sabi.

"Sige, sabi mo eh." At umalis na siya. Bumuntong hininga nanaman ako. What's bothering me?

Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa sa Math Dept. Nakatayo na ako sa harapan ng pintuan, bumuntong hininga ako at kumatok.

My New Professor Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon