Chapter 1 : Tanga lang, Sorry!

148 1 1
                                    

Chapter 1 : Tanga lang, Sorry!

Mahirap aminin sa sarili natin na TANGA tayo, Minsan? Lagi? Sino namang may gusto na laitin ang sarili niya? Kadalasan kasi may mga bagay talaga na kahit di na pwede, pinipilit parin natin maging pwede? Pwede ba un? Ang gulo noh?

Bat ba kasi napaka daming bagay na magulo? Lalo na yung tinatawag nilang LOVE-LIFE? Buhay Pag-ibig o Pag-ibig na Buhay? Yan ang number 1 factor kung bakit dumadami ang mga tanga ngayon!

EXPERIENCE 1.1

Yung iba kasi naglolokohan nalang, kung nag lolokohan nalang pala kayo edi sana tapusin nyo na kung anu mang relasyon ang meron kayo, BREAK NA KAGAD! Para ka namang nag lalaba ng walang sabon, kahit anung kusot mo diyan sa nilalabhan mo hindi matatangal ang dumi, mabuti pa huwag kana lang mag laba!

EXPERIENCE 1.2

May iba naman na THIRD PARTY ang problema! Dalawa lang kasi ang dahilan kung bakit nag hahanap ng iba ang isang tao, 1st sya ang may problema, 2nd is baka ikaw yung may problema. Yung iba kaya nag hihiwalay kasi SAWA na daw? Pwede ba yun magsasawa ka sa taong mahal mo? Tao yan hindi yan bagay na pinag sasawaan.

Kung may gagawin ka naman na akala mung walang makakaalam at walang makakakita, sana wag mo nalang gawin kasi chances are may masasaktan. Sa isang relasyon merong isa dyan na mas mahigpit ang kapit, tama naman, dapat talaga hawakan mo ng mahigpit ang taong mahal mo pero dapat may limitations, huwag kang masyadong mahigpit kasi kadalasan sa sobrang higpit nakakasakal na. Hindi masama magmahal ng sobra, pero lahat ng bagay may consequences dapat alam mo yan, mahirap bitawan ang mga bagay na minsan mo nang hinawakan ng sobrang higpit.

Kung may problema, usap-usap din, hindi break up ang solusyon, hindi yan math na pag hindi mo alam ang sagot ay ibabagsak mo na kagad, try niyo munang isolve! Pero pag di na talaga na ayos edi "LET GO" kung dun sya masaya let him or her go, masakit? Edi umiyak ka, normal lang yun wala namang break up na nagtatawanan, "letting go doesn't mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be, it surely means that your strong enough to handle things on your own. Don't confuse your path with your destination, just because it's stormy now, doesn't mean you aren't headed for sunshine." Huwag ka nang mag paka martyr, bakit trip mo kumandidato bilang santo? Huwag mo syang dibdibin, tuhurin mo!

Drama ng mga TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon