Chapter 2 : Love is Over rated

74 2 0
                                    

Chapter 2: Love is Over Rated

Experience: 2.1

Sabi nila ang mga tanga pag iniwan ng mga jowa nila, hahabol at hahabol parin, why habol? U can make lakad naman, sa totoo lang nakakapagod maghabol, lalo na sa taong ayaw naman sayo. Minsan kaya ayaw natin sumuko kasi feeling natin hindi natin kaya mabuhay ng wala sila, yan ang pinaka OA na dahilan sa lahat, minsan ko narin yang dinahilan sa sarili ko nung na broken hearted ako!

Yung iba pag iniwan luluhod, mag mamakaawa, iiyak, magdadabog, mag huhunger strike. Isipin mo kung ganyan ang gagawin mo, kaninong tuhod ang sasakit kaluluhod, kaninong mata ang mamamaga kakaiyak, kaninong tyan ang kukulo sa gutom! DIBA SAYO! Bat ganun so unfair, ikaw na nga ang iniwan ikaw rin yung nasasaktan? Minsan nga mas mabuti pang maging bobo kasi kahit anung explain mo sa kanila hindi nila maiintindihan, BOBO nga eh! Eh sa mga tanga, nakakaintindi nga pero pilit naman nilang hindi iniintindi, TANGA nga eh!.

Huwag ninyong minamaliit ang mga tanga, dahil yan ang mga future na dalubhasa sa pag-ibig, minsa man silang nasaktan, gagawa at gagawa sila ng paraan para maging masaya, tandaan nyo ang buhay laging may pag-asa hindi laging may pinapaasa.

Experience 2.2

May mga kaibigan ako na sobra mag mahal, kahit inaalila na sila ng mga ka relasyon nila ok lang din sakanila, yung isa ko ngang kaibigan napaka ganda, tapos yung binoyfriend nya tall, black and nevermind at ginawa pa siyang "K"

U know what "k" minz It minz dat si pwenship Ay nakikishare lang! Getz? TANGA NOH! OVER!

Hindi pala talaga sukatan ang itsura pag dating sa love. Ok sige nandun na tayo sa point na exempted na ang itsura, pero pano kung hindi maganda ang ugali niya? SHET SWERTE MO NAMAN COMBO!

Sabi nga ni Abra "Sa dami ng isda nakabingwit ako ng hipon" ang hipon kasi pag kinakain tinatapon ang ulo, katawan lang ang tinitira.

"HINDI KO MAIPALIWANAG bat ikaw palagi kaw ang laging hinahanap"

Na gayuma ka ba o talagang true love nayan? Dun sa mga taong "K" as in KABET masama yan, huwag nyo nang angkingin ang hindi sainyo! Ang love hindi yan hinihingi at lalong hindi rin yan kinukuha at ninanakaw, kusa yang ibinibigay. Kaya pwede matuto kayong mag antay huwag atat. Ok lang ang magmahal, pero haluaan mo naman ng DELIKADESA!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Drama ng mga TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon