Chapter 1

8 0 0
                                    

Naging mahirap na ang buhay nila Elle at ng kanyang ina simula ng pumanaw ang kanyang ama noong nasa Elementarya pa lamang sya.

Mayaman ang angkan ng kanyang ama subalit itinakwil sya nito dahil hindi nila tanggap na sa isang bayarang babae lamang pala ito babagsak.

Oo dating pokpok sa Angeles ang kanyang ina. Na love at first sight daw dito ang kanyang ama kaya pinakasalan ito sa kabila ng pagtutol ng kanyang angkan.

Napakaganda ng kanyang ina noong kabataan nito.PhilAm kasi ito,anak ng sundalong Amerikano nung panahon ng pananatili ng mga kano dito sa Pinas. Katulad din ng kwento ng iba,hindi nya rin nakilala ang ama nya.

Konserbatibo at maka Diyos kuno ang angkan ng kanyang ama. Maski si Elle ay hindi din nila tanggap dahil pinaghihinalaan nilang anak sya sa ibang lalaki.

Lumaki si Elle na malayo ang loob sa mga kaanak.Minsan lang din naman nya nakaharap ang mga ito.Wala din naman syang balak makipagclose sa mga ito dahil masyado silang mapagmataas at hindi din naman sya naghahabol sa pera ng mga ito katwiran nya hindi nga sila naghabol noong buhay pa ang kanyang ama saka masaya naman sila sa buhay nila kahit mahirap lang.

Tumatanggap ng labada ang kanyang ina para may panggastos sila sa araw araw. Si Elle naman pumapasok ng kung anu anong mga raket para makatulong sa ina.

Madalas sa mga beauty contests sa mga bara Barangay sya isinasali ng kaibigan nyang bading dahil ayon dito pang Ms. Universe daw ang kanyang ganda.Malaking bulas sya sa edad nyang 14 at dalagang dalaga na syang tingnan.

Malaporselanang kutis, tantalizing eyes, matangos na ilong, mapupulang mga labi, malusog na dibdib,maliit na bewang at matambok na pwet, mahabang biyas ng mga hita.
Mahaba at super straight  jet black hair.

 PERFECT REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon