Akala ni Elle ay tuluy tuloy na ang tahimik nilang pamumuhay ng kanyang ina pero isang unos pala ang susubok sa kanyang katatagan.
Isang Sabado ng umaga nang isugod nila sa ospital ang kanyang ina dahil inatake ito sa puso. Nangangailangan siya ng malaking halaga para sa agarang operasyon nito. Wala siyang ibang malapitan dahil wala naman silang kaibigang mayaman.Isa lang ang naiisip niyang makakatulong sa kanila, ang kapatid ng kanyang ama.
"Girl, ikaw na muna bahala kay inay ha.Pupuntahan ko lang yong kapatid ni itay.Bahala na kakapalan ko na lang talaga ang mukha ko sa paglapit sa kanila,para kay inay lulunukin ko ang lahat ng pride ko mabuhay lang sya.Kaming dalawa na lang ang natitira dito sa mundo hinding hindi ako makakapayag na mawala sya sa akin"ani ni Elle sa kaibigan nyang bading.
"Sureness gurl! Ako nang bahala kay mudra,wala naman akong pasok sa club ngayon eh. Gora na and go for gold! " malanding sagot nito.
Habang nasa jeep si Elle ay panay ang dasal niya na sana ay tulungan siya ng kanyang tiyahin. Siya lang amg tanging pag asa nilang mag ina.Isip isip nya na ngayon lang sya lalapit sa kanila at may karapatan din naman silang mag ina sa kayamanang dapat namana ng kanyang itay mula sa mga magulang nito.Hindi naman sya maghahabol dun,ang sa kanya lang ay sapat na halaga para sa operasyon.
Ang layo pa ng nilakad ni Elle papasok sa exclusive subdivision na tinitirahan ng kanyang tiyahin.Wala kasing dumadaang jeep dito at wala din naman syang perang pantaxi.Tinitipid niya ang kaunting ipon mula sa mga raket niya para sa gastusin nila habang nasa ospital ang kanyang ina.

BINABASA MO ANG
PERFECT REVENGE
AcakAng kwentong ito ay tungkol sa paghihiganti ng isang api. Samahan natin si Elle sa kanyang evil plan to take revenge sa mga taong nang api sa kanya at kanyang ina. Ang kwentong ito ay para sa 18+ lamang. May malalaswang eksena at mga salita. Ang pag...