(6) Sleepover
Prancy's POV
Pagkatapos ng epic na election na yun ay umuwi na ako sa bahay. Magpeprepare pa ako ng mga gagamitin namin para sa Sleepover.
Nagtataka kayo kung bakit madalas ang pag sleepover ng SF dito noh?
Well, ako lang naman kasi mag-isa sa mansion namin. Si Richard Red Montes. Dad ko na nasa New York nagtatrabaho sa business namin at si Nathalie Ellaine Montes. Mom ko na nasa Japan kasama ang nag-iisang evil and brat sister ko na si Francisca Yen Montes. 1 year lang ang agwat namin pero obviously brat yan kaysa sakin.
Nandun sila kasi dun nag-aaral si Yen. May monthly allowance naman ako galing kina mom and dad.
Kasama ko sa bahay yung mga maids namin, ang golden retriever ko na si Princess na super cute at dinadalaw rin ako ng twins na pinsan ko. Soon makikilala niyo na sila.
Umuuwi naman sina mom,dad and evil sister Yen dito sa mansion namin tuwing bakasyon at minsan sa mga holidays. Ok lang naman sakin yun kasi nandyan naman yung SF eh.
Open naman itong mansion namin sa kanila and of course, alam din ng parents ko na natutulog sila dito minsan and that's ok with them as long as girls sila.
Ang twins lang naman na pinsan ko ang lalaking pumupunta dito eh.
Pagdating ko sa mamahaling pintuan ng mansyon ni Daddy ( oo dapat nakalagay talaga na mamahalin ang pinto ) sinalubong ako ng aking pinakamamahal na si Princess! Oh! pati alaga ko mayaman din! Naka bihis ng color red na damit ee . Regular ko ring pinapagroom yan! at naka perfume pa ha! Take note: VICTORIA'S SECRET yan!
Haaay.. mamaya pa siguro dadating ang mga bruha. makapag-fb na nga lang.
Umakyat ako sa nakakasilaw naming hagdan dahil sa kamahalan nito at dumeretso sa masyon ko! ah este sa napakaganda kong kwarto!
oo mayabang na ako! basta dapat niyong malaman nga maganda ang kwarto ko! aba syempre sunod ni dad yung luho ko nu!
In my place, everything is RED! yah! magmula sa pinakaliit na gamit hanggang sa pinakamalaki na bagay na makikita sa mansyon ko, ah este sa kwarto ko kulay RED! pati na rin sa walk in closet ko na mamahalin, red din! odeva? hiyang-hiya ako sa kayamanan ko! (Di naman halata)
Binuksan ko si red lappy at nag log in sa facebook. oo, dapat nakalagay talaga ang kulay ng lappy ko.Just to kill the time lang naman.At napanganga ako sa isang post ni Kean babe ko! syeet! nadulas naman ata dila ko ee. Kean payat pala :D
~~~~
Kim Brian Santos
~ ang saya ng election! partner ko si chubs!! Im too cool for her XD ~
268 likes. 150 comments
~~~~~~~
Langya tong mokong na to! kainis!
Makaganti na nga lang! Sarap pakain sa leon na hindi nakakain ng isang linggo! >.<
~~~~~~
Red Lipss Montes
~ ang saya ng election! partner ko si payat!! Im too gorgeous for him XD ~
~~~~~~
ha! akala niya siya lang ha! ba't ba naman kasi ako yung nakikita niya lagi.. kainis siya!
nagulat ako ng biglang nag pop ang pangalan ni Kean sa chatbox ko
~~~~~~~
Kim Brian Santos
tabachoy!
~~~~~~~
aba't gabing gabi inaasar ako!
~~~~~~
Red Lipss Montes
Pangit! Payat!
~~~~~~
akala niya ha!
~~~~~~
Kim Brian Santos
Sorry, walang effect! manhid ako eh! taba. taba.tabachingching! XD
~~~~~~
Red Lipss Montes
Urrrghh! kainis ka kean! pangit!pangit!pangit!
~~~~~~
matapos masend ay nilog out ko na. Kainis si Kean eh!
Biglang naging maingay. Siguro nandyan na mga sissies ko. Ang daldal talaga nila.
" eyy sissy " ash
" tara sissy! grocery tayo sa seven eleven " janine
" cge2x. bili na rin tayo ng cd's kasi napanood na natin ang lahat na cd sa bahay " ako
after 1 hour .Nakauwi narin kami.
Bumili kami ng mallows, chocolates, wafers, ice cream, cake and some soda.
" Ms. Red nakahanda na po ang hapunan. maghapunan muna kayo ng mga kaibigan mo " yaya
" sige2x po. kayo ho? nakakain na kayong lahat? " ako
" hindi pa Ms. Red . mamaya na lang kami.Tatapusin pa namin ang trabaho namin. " yaya
" sige po! kain po tayo " ako
after naming mag dinner ay naligo muna sila at nagbihis ng pajama at shirt.Kasalukuyang nasa kwarto ko sila.
" sissies! tara sa movie room! panuorin natin ang mga cd's " ako
oo. may movie room kami. parang mini sinehan lang. ah basta air-conditioned . XD
Una naming pinanuod ang ' insidious ' kaloka! akala mo nasa palengke kami. ang iingay tuwing nagugulat kami.
Syempre hindi mawawala food trip namin.
pagkatapos naming panuorin ang horror at comedy , romance naman ngayon. Crazy Little Thing called Love.
" uyy! magka aminan nga tayo! Red, crush mo ba si Kean? " max
hala!
" ahhhmm. da..da..dati! oo dati lang " ako
Oo crush ko si Kean dati at hanggang ngayon pero d ko pa kayang aminin sa SF
" weeeeeew " steph
" tigil-tigilan niyo ako ha " ako
" eh ikaw star? kamusta kayo ng M.U mu? " janine
" haa? M.U? o..ok lang.. " star
" talaga lang ha! baka hindi na yan M.U baka kayo na??? " bloom
" hindi pa noh. at saka pwede ba yun? na hindi ko kayo babalitaan " star
" oo nga naman.Eh si Xei, ayeee! hanggang ngayon wala pang lovelife!! " ash
" guyz, tumawa naman kayo! nakakahiya kay ash oh. walang tumatawa sa joke niya! hahahaha " xei
" grabe ka naman! nagsasabi lang.ng totoo ang tao eh " max
" weh? sure kang tao? hihihi " xei
"ha~ha~ha! nakakatawa! " ash
" max,pwede bang tuwing maglulunch tayo, huwag kang magtagal sa kakausap kay mikee mu? " steph
"oo na. sorry na. " max
" yooown oh! " sabay ~sabay naming sabi kay max
After ng 5 movies, eh napagdesisyunan na naming matulog. Napagod siguro ang kanilang bunganga sa kakatukso sakin kay Kean at max kay mike
Hayyy. makatulog na nga lang.
~~~~~~~~
A/N : thankyou sa mga nagbabasa! Push niyo yan! hahaha! XDD .
~ GORGEOUSinRED
BINABASA MO ANG
Say You Love Me
Teen FictionHaving a crush is natural. Its part of finding your own self. It gives you undescribable and unexplainable feeling. It might make you feel happy or melancholic. But, sometimes you just need to find the right place. Meet Red. Maldita na matagal nang...