February 6, 2016
Dear Diary,
May nagawa ako. Sising-sisi na ako. Masyado kasi akong umasa. Heto ngayon pinag-uusapan na ako ng lahat, Pinagchi-chismisan sa nagawa ko. Parang ayoko nang pumunta sa prom. Baka mapahiya lang ako dahil sa nakakahiyang ginawa ko.
Gusto mo ba malaman? Sa isang linggong na pagchachat ko kay Silver mas lalo ko pa siyang nagustuhan dahil napaka bait niya at nakakatawa. Dahil siguro sa kabaitan niya umasa ako na gusto rin niya ako. Pero hindi pala.
Tinanong ko siya, Tinanong ko si Silver kung pwede ko ba siyang maging promdate. Nakakahiya? Napaka. Pero wala na akong choice malapit na ang prom at siya lang ang gusto ko.
Sagot niya? "Hindi ko alam" ang sinabi niya . Gets ko naman yun na parang ni-reject niya ako. Okay lang naman saakin dahil ang bilis ko. Kaya naman chinat ko pa siya. Hindi ko lang namalayan na nag mumukha na pala akong desperada para sakanya.
--