Epilogue

641 29 9
                                    


Hays. Imbis na hindi ako sasama,mapapasama pa ako dahil sa sinundo nila akong lahat tapos nakapagpaalam pa sila kay mama. Tsaka haler yoko kaya silang ilibre. Oo kuripot ako,ikaw magkaripot ka kung ang kaibigan mo malalakas lumamon. Lalakas pa namang lumamon ng mga yan hindi nga lang halata. Halatang planado lahat. Wala na talaga akong takas dito sa mga to eh.

"Aether,Ang tagal mo naman"Sabi ni Sabrina nung bumaba na ako. Wearing her red fitted tube dress. Lahat naman kami nakafitted dress sadyang nangingibabaw talaga si Sab dahil sa kanyang red dress. Ang ganda niya talaga.

"Ito na nga eh"Sabi ko sa kanila. Umalis na kami gamit yung kotse ni Sab. Nung nasa bar na kami ang daming taong nagsasayawan at nagiinuman atsaka ang dami kong nakikitang naglalampungan.

Naggpunta ako agad sa stool bar habang sila naman nasa VIP areas Iniwan ko sila. Gusto ko lang mapag isa,makapagisip isip man lang panandalian. Umorder ako ng umorder ng alak. Gusto kong magpakalasing. Gusto kong mawala tong sakit na nararamdaman ko kahit panandalian lang. Pinipigilan ako ng mga kaibigan ko pero hindi ako nagpapapigil. Minsan lang naman to.

"Hoy taena kang babae ka,tumigil ka sa kakalaklak mo dyan. Mamaya mabuntis ka agad ah"Napairap ako kay Eurica. Kahit kelan talaga ang bunganga nito. Tsaka wtf buntis? Agad agad?

"Tss. Buntis agad agad. Umiinom lang eh"Sabi ko sa kanya. Alam ko pa naman yung ginagawa ko eh. Iba talaga tong babaeng to. Minsan sarap kotongan talaga.

"Malay ko ba,baka mamaya gumawa kayo ng baby ni Clyde" Punyeta talaga. Bat nadamay yang si Clyde? Andito ba yun. Psh.

Nilibot ko yung paningin ko pero di ko inaasahang makikita ko si Clyde dito,umiinom din pero nakatingin sakin. Anong ginagawa niya dito? Tss.

Kasama naman niya mga kaibigan niya at nandun pa nga si Ethan. Naghahallucinate lang siguro ako. Lasing lang siguro ako kaya kung ano anu iniisp ko. Napailing na lang ako. Lasing lang ako. Hays. Ganito na ba talaga epekto niya sakin no?

Hindi ko mapigilang isipin yung mga chat niya sakin. Sinusuyo niya ako pero ayoko magpasuyo kasi natatakot na ako na baka isang patibong nanaman yun para maloko ako uli.

Pero hindi ko mapigilang isipin na paano kung totoo nga yung sinasabi niya sakin? Pero kasi nasaktan talaga ako dun sa mga sinabi niya nun sakin kaya nahihirapan akong paniwalaan siya uli kahit na gustong gusto ko ng maniwala sa mga sinasabi niya eh hindi ako naniwala agad.

Andito ako para magsaya,oo kahit hindi ko magawa. Ayoko muna sana silang isipin ngayon eh. Kahit lasing na ako siya parin yung iniisip at nakikita ko. Ano bang meron sa kanya at nagiging ganito ako.

"Girl,Kailangan mo ng bumakod"Napakunit nuo ako sa sinabi ni Janessa at nginuso yung table nila Clyde. Nakita kong may lumapit na babae kay Clyde. Nasuper laki ng hinaharap na halatang peke,napatingin naman ako sa hinaharap ko at nga nga wala tayo nun.

"So pakialam ko sakanya" Ayun lamang ang nasabi ko kahit na naiinis na ako ngayon.

"Halika na nga daming arte eh"Sabi ni Eurica at hinatak ako papunta duon. Pagkadating namin duon nag-ehem si Eurica at napatingin samin este sakin lang pala yung babae. Tinaasan ko siya ng kilay at ang gaga inirapan naman ako.

"Baka gusto mong umalis na?! Bawal ang peke dito"Sabi ni Eurica duon sa babae,bago umalis yung babae eh hinalikan niya si Clyde sa pisngi. Punyeta sasabunutan ko tong babaeng to.
"Bat mo pinaalis yung chix?" Tanong ni Jethro samin. Haba talaga ng baba nito kahit kelan.

"Anong pakana yun baboy?" Tanong ni Jake kay Eurica.

"Tinataboy ko lang yung malanding peke na yun. Baka ikaw gusto mo ng umalis? Tutal bakla ka naman"Nagsitawanan naman yung mga kaibigan niya.

"Bultaoreune" Sabi ni Syd at nakipagapir kay Neil. Nakitable narin kami sa kanila. Kinukulit ni Vlad si Sabrina na halatang inis na inis na kay Vlad. Samantalang si Ysabella at ang kuya niyang si Jethro eh nagkukulitan. Si Neil at Eurica namn naguusap sa kung ano anu. Habang si Janessa naman eh nasa dance floor. Si Jake at Syd may sariling mundo. Habang ako,si Ethan at Clyde ay awkward na magkakatabi.

"Aether"Narinig kong tawag ni Clyde pero di ko pinansin. Nagkulyari akong hindi ko narinig.

"Guys CR lang ako ah" Paalam ko sa kanila pero wala namang nakarinig sakin dahil nga sa busy sila.

Papunta na sana ako sa CR ng may humatak sakin papuntang Exit ng bar,nagpahatak naman ako kasi wala na akong lakas para ipaglaban pa ang sarili ko.

Nagulat ako ng yakapin niya ako. Sa yakap niyang yun,gumaan yung pakiramdam ko. Para bang nawala lahat ng lungkot,pangamba at takot na nararamdaman ko at napalitan ito ng pagiging komportable. I feel safe and love by his hug.

"Aether"Kilala ko tong boses na to. Hindi ako pwedeng magkamali. Si clyde to akala ko naghahallucinate ako pero hindi pala. Andito siya. Totoong andito siya sa harap ko at yakap yakap niya ako.

"I'm sorry" Bulong niya sakin,Bibitaw na sana ako sa pagkakayakap niya ng higpitan niya pa lalo. Nararamdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

"Please let me explain,please"Yung boses niya nagmamakaawa. Wala akong masabi kaya tumango na lang ako. Humiwalay siya sakin at hinawakan yung dalawa kong kamay at hinalikan ito.

"I'm sorry sa nasabi ko sayo. It's not true. I did lie to you dahil akala ko wala na akong pag asa dahil akala ko kayo na uli at akala ko niloko't ginamit mo lang ako."Umiwas siya ng tingin pagkasabi niya nun. Nikelan man hindi ko magagawang lokohin o gamitin ang isang tao.

" And to tell you this. Hindi kita nagustuhan dahil mahal kita. Matagal na kitang mahal. Sorry naging duwag ako. Hindi ko man lang naipaglaban yung pagmamahal ko sayo kasi akala ko siya parin. Akala ko kasi kras mo lang ako na hanggang dun lang yun na hindi mo ako mamaha---" Nilagay ko sa bibig niya yung daliri ko upang matigil siya sa mga pinagsasabi niya. Dahil bakas na bakas sa boses niya ang lungkot.

"Shh. Don't say that. Kras nga kita pero maaring mapunta yun duon. Maaring lumalim ang nararamdaman ko sayo. Mahal kita,Clyde. I'm sorry ngayon ko lang pinakinggan yang rason mo. I Love you kras"Niyakap ko siya habang tumutulo yung luha ko dahil sa saya. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luhang tumulo sa mga mata ko. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"I love you too babe"Then he kissed my forehead,pumikit na lang ako cherishing this moment. Hindi ko inaasahang mapupunta kami sa ganito ni Clyde. He was just my total crush but now he's my man. Napakaswerte ko na sa lalaking to. 

Hi,Kras [p.jm;k.sg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon