Dawn's Pov
I'm here with my friends sa tambayan namin. Madaming nakatira dito, mausok, makalat, magulo. Parang squatters area but not totally squatters area. Favorite place kasi namin 'tong magkakaibigan. Alam nyo kung bakit? Tanungin nyo mga kaibigan ko kung bakit. Ay? Charing lang! Hahaha Actually we have a house here. Pinagawa namin 'tong magkakaibigan three years ago, and yes, matagal na kaming magkakaibigan. Ay teka? Puro ako kaibigan pero di niyo pa sila kilala. Hahaha Si Albert at Alice ang mga bestfriend ko kasi mula elementary, classmates at magkakaibigan na kami. May tatlo pa. Si Trixie, Sandra, at Raffy. Kaibigan na naming tatlo since college.
Daldal na ako ng daldal pero di pa ako nagpapakilala. Anyways, I'm Dawn Zulueta. 25 years of age and daughter of Fazil Eddie Zulueta, the owner of Zulueta Associates and Cleofe Zulueta. Actually I have an eldest brother, his name is George Zulueta, President of our company. At ako? Hindi pa kasi ako pinagtatrabaho nila mommy at daddy and I really don't know why. Basta soon daw, ako magiging VP ng company namin. Nagtataka kayo kung bakit ako nage-english noh? I came from a rich family, halata naman sa introduction ko e. Pero di ako pinalaki ng magulang ko sa luho. Kaya siguro malapit ang loob ko sa mga mahihirap. Actually lahat kaming magkakaibigan eh mayaman e. Sadyang mas gusto lang namin yung ganito. Eh bakit ba?
"Dawn? Dawn!!" si Albert yun.
"Oh!? Bakit? Makasigaw a?" I said.
"Kanina ka pa kasi tulala dyan e. Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong nya sa'kin.
"Wala! Nagde-daydream lang ako kasama crush ko."
"Crush? Sino yang crush mo?" Albert, which I immidiately spank him. Maka-sigaw naman e.
"Bakit? Selos ka?" tinanong ko sya. Nako, Albert! Kung alam mo lang e. *smirks*
"Ako? Hindi noh!"
Albert's Pov
"Ako? Hindi noh!" nako, Dawn! Wala ka talagang alam.
"Suuuuuusss! Bahala ka!" kulit nya talaga. Kaya lalo akong nai-inlove e. Ooppppsss!
Hayyysss! Oo na! Matagal ko nang gusto si Dawn. Nung highschool pa lang kami gusto ko na sya. Ay mali! Mahal ko na pala sya. Sa ganda at bait ba naman ng babaeng 'to, sinong 'di mai-inlove?
"Oh ngayon, ikaw naman ang tulaley?" she snapped at me.
"Di ako tulala. Nanunuod ako oh!" nanunuod kasi kami ng movie dito sa bahay na ipinatayo naming lima.
"Weeeeehhhh? Dewaw! Hahahaha" the way she laugh. Haysss Dawn!
"Oy! Oy! Oy! Kayong dalawa a? Haharot nyo dyan. Ingay! Nanunuod kami dito e." reklamo ni Alice, bestfriend namin ni Dawn.
"Pinagsasabi mong harot-harot dyan? Kutusan kita e." Dawn laugh.
"Kayo ding dalawa e. Harot nyo! Manuod na nga lang tayo nang matapos na." awat ko sa kanila. Mamaya maging riot pa e. Etong dalawa, hirap pa namang pigilan.
......
Tapos na ang pinapanuod nilang movie at nagkayayaan ng umuwi.
"Guys? Una na kami nila Sandra at Alice ha? May pupuntahan pa kaming importante e." Trixie said.
"Ah ganun ba? Sige, ingat kayo ha?" Dawn at bumeso na sa tatlo bago pa sila umalis.
"Bert, Dawn? Una na din ako a? Nagtext na si Monica e. Nagpapasundo na." si Raffy yun. Nagtext na daw kasi ang girlfriend nyang si Monica.
"Dawn? Hatid na lang kita sa inyo. Magdidilim na din oh! Baka mapano ka pa sa daan, wala ka pa man ding dalang kotse." aya ni Albert sa kanya.
"Ha? Wag na! Ano ka ba? Hahaha Kaya ko na sarili ko. Sus! Parang di naman ako sanay mag-commute." she smile.
"Ano ka ba? Babae ka pa din noh! Delikado na dyan sa daan. Wala din naman akong dalang kotse e. Sabay na tayo tas hatid na din kita." pagpupumilit nya kay Dawn.
"Hayyyy! Sige na nga! Mapilit ka e. Hahaha" pagpayag naman ni Dawn sa alok ni Albert.
Gaya ng sabi nila, nag-commute nga silang dalawa. Kung di mo titingnan porma nilang dalawa, di mo aakalaing mayaman talaga silang dalawa dahil sa marunong silang mag-commute. Naka-itim na t-shirt kasi si Dawn tapos balck ripped jeans partnered with her black vans shoes and black sling bag. Tapos si Albert naman eh simple v-neck gray shirt, jagger partnered with his Kyrie 13 and vans shades.
Hanggang sa nakarating na sila sa tapat ng bahay nila Dawn. Naglakad na lang sila galing sa labas ng village tutal malapit lang naman e.
"Oh! Pano ba yan? Dito na ako. Uwi ka na. Gabi na oh!" pagpapaalam ni Dawn kay Albert.
"Ahuh! Sige Dawny! Una na ako. Kita ulit tayo sa tambayan bukas ha?" sabi ni Albery kay Dawn. Paalis na sana si Albert nang tinawag sya ni Dawn.
"Albert!" sigaw nya dito.
Lumingon naman si Albert at nakita nyang papalapit si Dawn sa kanya.
"Salamat sa paghatid! See you tomorrow!" she smiled and give Albert a peck on his cheek.
Nagulat naman si Albert. Syempre! First time gawin ni Dawn sa kanya yun e. Ngumiti lang ulit si Dawn at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay habang si Albert ay tulala pa din.
"Ano ka ba Dawn? Lalo akong nahuhulog sa'yo sa ginagawa mo e." he thought and he suddenly smile.
____________________________________________________________________
Chapter One, Updated!
Until next update, peeps! ;) -arynncl
BINABASA MO ANG
It's Unexpected
FanfictionPROLOUGE It's hard to accept a guy in your life especially when you had a guy like him in past. How can you move on with other people's arm? Ginamit mo lang sya para makapag-move on sa past mo. Paano mo tatanggapin ulit ang taong tinanggap mo para l...