Chapter Two

64 1 0
                                    

Richard's Pov

"Bakit nandito pa din kayo? Diba nagbigay na kami ng dalawang linggo para makaalis kayo dito? Bakit di pa kayo umalis? Gusto nyo ba talagang masaktan?"

Sabi ko sa mga nakatira dito sa squatters area. Actually, hindi naman sya squatters area talaga. Pero tamang-tama na rin para pagtayuan ng isa pang branch ng restaurant ng kapatid ko. Ireregalo ko kasi ito sa para sa kanya. Surprise ko sa kanya. Bukod kasi sa kompanya namin, may isa pa s'yang pinagkaka-abalahan. Nagmamay-ari din kasi sya ng restaurant.

"Hindi mo kami mapapaalis dito! Dito na lang kami nakakatira ng walang umaagrabyado samin tapos gusto nyo pang pagtayuan nyang restaurant kamo ninyo? Maghanap na lang kayo ng ibang pagtatayuan, wag lang dito!" sabi nung matandang lalaki na nakatira din dito.

"Akala ko ho ba? Ayos na yung usapan natin nung isang buwan? Aba't bakit ngayon, umaatras kayo?" pagtatanong ko sa kanila. Sa pagkakaalam ko kasi, eh maayos na ang transaction ng itatayong restaurant dito.

"Wala kaming sinasabing pumapayag na kami sa sinasabi ninyo!" pagsingit nung isang matandang lalaki na siguro pinakamatanda sa kanila at ito din yung nakausap ko noong nakaraang buwan.

"Ano pa ba ang kailangang gawin namin para umalis na kayo dito?"

"Wal---"

"Ano bang kaguluhan ito?"

Napalingon kaming lahat sa nagsalita.

------

Dawn's Pov

"Suuusss! Kung alam lang namin na nagdate na naman kayo ni Monica kagabi e." pang-aasar namin kay Raffy. Tingnan mo 'to, parang highschool na nagtatago ng crush e. Natatawa na lang kami sa kanya. Hahaha

Nandito kasi kami ngayon sa bahay naming lima.

"Akala ko ho ba? Ayos na yung usapan natin nung isang buwan? Aba't bakit ngayon, umaatras kayo?" narinig naming sigaw mula sa labas.

"Wala kaming sinasabing pumapayag na kami sa sinasabi ninyo!" si Mang Eli yun. Tatay-tatayan naming lima dito.

Lumabas na ako para malaman kung ano bang nangyayari sa labas. Hinabol naman ako nung lima.

"Dawn! Dawn!" narinig kong sigaw nila.

"Wal---"

Mang Eli didn't finish his word because I immidiately cut him off.

"Ano bang kaguluhan ito?" sabi ko at nakita ko namang napalingon sila lahat sa'kin kasama na yung lalaki na may hawak na construction bond at blue prints.

"Pinapaalis ko na kayo dito dahil tatayuan na ito ng restaurant." mayabang na sabi nya sa akin.

I smirked. "Aba't bakit dito ba ang gusto mong pagtayuan nyang restaurant mo? Ang daming lugar dyan na pwedeng tayuan ng restaurant mo a?" maangas ko ding sagot sa kanya.

"Ito na lang ang nakita namin, at dahil kailangan na agad matapos nito. Ito na lang ang pinakamalapit sa kompanya namin."

"Hindi ba kayo naaawa sa mga nakatira dito na walang lilipatan? Nakita mong hindi nila kayang bumili ng mga bahay dyan e."

Syempre ipagtatanggol ko ang mga tao dito. Malapit na silang lahat sa akin. Ayokong inaagrabyado sila.

"Wala na akong ibang nakikitang pagtatayuan ng restaurant na ito." parang wala lang na sagot nya sa akin.

"Kung ayaw mong tantanan 'tong lugar na ito at ang lupa na ito. I can give you a lot right away."

I saw him smirked. "Talaga? Mabibigyan mo ako ng lote? You don't even looked like rich. Eh pinapaalis ko nga kayo dito para pagtayuan ng restaurant ko diba?"

Psh! Tingnan mo talaga ito. Napakayabang! Di siguro ako kilala nito.

"So I guess you don't know me." I smiled at him. "Let me introduce myself to you. I am Dawn Zulueta, daughter of Fazil Eddie Zulueta, the owner of Zulueta Association. One of the biggest company here in the Philippines."

Mukhang natulala sya sa sinabi ko. Mukhang nakilala nya na din ako. I clicked my tounge. Yabang kasi e.

"Daughter of Fazil Eddie Zulueta? One of the richest people here in the Philippines?  Are you kidding me?" Aba't ang yabang talaga.

"Do I look like kidding Mister---" he cut me off.

"Richard. Richard Gomez."

"Oh! So you are the son of Joseph Gomez?"

"Kilala mo sya?" mukhang nagulat pa sya sa sinabi ko.

"Ofcourse yes. Kumpare sya ni daddy."

Aba't mukhang nage-getting to know each other na kami nitong hambog na ito a.

"And as I was saying, I can give you a lot para hindi ka na nanggugulo sa mga tao dito."

"How can I be so sure na ibibigay mo talaga yang lote na sinasabi mo?"

"Here's my calling card. Call me right away if you need the lot."

At iniwan ko na sya doon. Napakayabang! Tsss.

Alice nudge me while we're walking. Nasa likod namin yung tatlo.

"Gwapo nung lalaki noh?" kinikilig na sabi ni Alice sa'kin. Landi talaga ng babaeng 'to kahit kelan.

Gwapo nga yung Richard na yun pero ang yabang. What? Did I said na gwapo sya? No! No! Di sya gwapo. Mayabang sya! Yun 'yon!

"Ikaw talaga! Ang harot-harot mo e noh?" napatawa na lang ako sa kanya.

"Aminin mo. Gwapo noh?"  napailing na lang ako sa kalandian nitong babaeng 'to.

"Hayyy! Manuod ka na nga lang dyan!" nandito na kasi kami sa bahay naming lima.

"Sus! Kilala kita, Dawn! Napopogian ka dun e." pangungulit nya pa.

"Hindi nga! Ang yabang-yabang nun e. Kulit neto!" uumbagan ko na 'to e.

"If you say so. Pero pogi talaga sya. Hahaha" kulit talaga!

Di ko na pinatulan at nanuod na lang kami.

------

Nanuod na lang sila buong maghapon. Nag-bonding na din. At nakalimutan na din ni Dawn ang nangyaring alitan kanina sa pagitan nila ni Richard.

____________________________________________________________________

Chapter two, updated.

Enjoy! Mwaaa -arynncl

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon