BRIDGE [oneshot] C O M P L E T E

44 3 3
                                    

ISA AKONG……..

.

.

.

.

.

MARUPOK na TULAY!

~~~~~~~~

“Parekoy ano na naman ba ang iniisip mo dyan?” tanong ko kay PAULO na mukhang tanga na naman

“Pare! Tulungan mo naman ako! Mahal ko na talaga si SHERLYN eh’” sus kaya naman pala ang laki ng problema ng gago nahulog na pala talaga ng tuluyan pero nga naman di ko rin sya masisisi kasi maganda naman talaga si SHERLYN at masayahin pa

“gago ka ba? E bat ako? Mag isip ka nga! Sapakin kita dyan e” tangna naman kasi sa dami ng pedeng gawin e noh

“sige na! ngayon nga lang ako humingi ng tulong sayo e” halos maluha luha pa ang unggoy kong kaibigan! Tae nakakadiri nagmumukha syang bakla e..kutusan ko to maya!

“putiiik ka!!..kung hindi lang kita kaibigan! Oh? Ano naman ang papel ko dyan sa tulong tulong na yan? Leshe! Kabanas ka pre!” kakabwisit lang!.. tutulong ako ng labag sa puso ko leeesheeeeng buhay to

“ikaw ang mag silbing TULAY sa amin!” sagot ng kaibigan kong natanga bigla dahil lang sa lecheng ewan na yan.. INLOVE ba yan? O KABAKLAAN?

~~~~~~

Nagsimula na ang kalbaryo sa aking buhay simula ng araw na kailangan ko ng magsilbing tulay sa dalawang unggas! at dahil hindi ko masyado kasundo si Sherlyn ay sinimulan kong gumawa ng paraan upang magkabati kami ng sa ganun ay maaari ko syang mailakad kay Paulo..

 Ako din ang gumawa ng paraan upang magkakilala sila ni Paulo halos lahat ng impormasyon tungkol sa buhay niya inalam ko ni mismo paborito nyang brand ng bag,damit,kulay,number inalam ko upang may masabi akong impormasyon sa TORPE kong kaibigan. Kinuha ko rin ang cp number nya gabi-gabi ay nagpapalitan kami ng mga text message parati kong kinukwento sakanya si Paulo halos namumulaklak ang dila ko sa kakapuri sa torpe kong kaibigan at alam ko naman ang limitasyon ko ngunit ang lahat ng mga bagay na dapat sya ang gumagawa ay ginawa ko na para sa kanya hanggang sa mas lalo akong napalapit sa kanya halos araw-araw kasama ko na si Sherlyn.

 Ako na din ang madalas na kasama ni Sherlyn sa lahat ng dapat nyang puntahan.. lahat ng dapat gawin ay ginawa ko na upang mas lalong mapalapit sila ni Paulo sa isa’t isa.. araw-araw tinatanong ako ni Paulo sa mga bagong impormasyong nakukuha ko hanggang sa dumating ang araw na pinagplanuhan namin ang kanyang pag amin ng kanyang nararamdaman pero syempre matagal tagal din yun pagka’t ang tagal makaipon ng lakas na loob si Paulo

Sa mga panahong nag uusap na sila may SAKIT akong naramdaman hindi MAIPALIWANAG na SAKIT  na halos gusto kong hilahin si sherlyn palayo kay Paulo pero ayoko masira ang lahat ng pinaghirapan ko..lahat ng mga ginawa ko para sa kaibigan ko..hindi ako TRAYDOR!... AYOKO ng ganitong pakiramdam!... hindi pwede!... masyado akong MARUPOK  kung mahuhulog ako sa taong mahal ng kaibigan ko..

Isa lamang akong hamak na BRIDGE  na ang silbi lamang ay pagdugtungin ang kanilang mga puso..

~~~~~~~

“parekoy! Tara inuman tayo!”salubong saakin ni Paulo galing sa kung saang lupalop mukhang ang saya nya ngayon…pero sinabi nya bang inuman? Himala ata at mag papainom ito? May anu kaya?bigla naman daw ako naengganyo

“oh’ tara mukhang gusto ko yang ideya mo e” sagot ko naman tutal kanina pa ako dito di mapakali parang may mali ewan ko ba baka pag uminom ako mawala na din ito

.

.

.

“aaalaaaam moh bah pareeh  ang sayaaaa sayaaaa ko ngayon” saad nya sabay inom ng alak na kanina nya pa hawak hawak halata naman e kaina nya pa sinasabi kanina pa sya nakangiti nagmumukha tuloy na aso ng wala sa oras haaaay ewan  ba parang nawala ako sa mood, halos may tama na rin kasi  kami pareho ngunit mas may tama na ata itong kasama ko ee medyo mas marami nainom kaysa saakin

“oh’ bakit?hwag mong sabihing sinagot ka na ni sherlyn?”  parang labas sa ilong ang sinabi ko alam ko naman kasing may pagtingin din ako kay sherlyn kaya mas kampanti na ATA ako kung maging sila

“paano mo nalaman?” sagot nya na para ba akong sinuntok MASAKIT tangna bat kasi sinabi sabi ko pa?ngayon ako na naman nasasaktan kahit alam kong wala sa lugar kailangan tanggapin ang sakit ganun talga ee wala akong magagawa nagpatalo ako sa tukso masyado akong nadala sa mga kabaitan na pinakita ni sherlyn hindi ko naman sya maaaring sisihin dahil ako ang may kasalanan

Ang hina ko masyado pagdating sa mga bagay na ganito.. sabi ko na nga ba walang magagawa itong pagiging BRIDGE ko .. ayokong mapalapit sa mga taong nakalaan na sa iba dahil ako din naman ang nasasaktan sa huli

“CONGRATZ” yan lang ang lumabas sa bibig ko wala na ito na lang ang kaya kong masabi matapos ng lahat kailangan kung masaktan dahil ang isang BRIDGE ay hindi maaaring maging mahina kailangang maging matibay upang ang dalawang puso ay mas maging matibay

MAHIRAP  MAGMAHAL… MASAKIT!.. MAHAL ko SYA pero HINDI maaari

 PERO……

MASAMA ba ako???

.

.

.

.

Kung sabihin kong MAHAL ko ang GIRLFRIEND ng BESTFRIEND ko???

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BRIDGE [oneshot] C O M P L E T ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon