Chapter 3: Ang Curry ni Jules

200 11 4
                                    

"Hmm. Ang bango ah. Patikim na daliii!!" nakangiting sabi ni Yuuan. Nandito siya sa apartment ko ngayon. Dito siya magdi-dinner kasama ko.

" Sige. Oh! " sinubo ko sa kanya yung bagong luto kong CURRY, " Ano? Kamusta?"

"Eek. Ahk. Eh-Eeek" nabibilaukang sabi niya. Hala! Ano nangyari?

" Oh! Yuuan ano nangyayari? Di ba masarap? Pasensya na!" habang hinihimas-himas ko ang likod niya. " O-Okay lang kung di mo nagustuhan. Pwede naman tayong kumain nalang sa labas eh. U-Uy sorry talaga. Okay ka na?" natatarantang sabi ko.

" Jules sumama pakiramdam ko. I think buntis na yata ako. Ikaw ang ina." ha? Ano pinagsasabi nito? Nakakatakot pa naman 'to pag tinotopak.

Binatukan ko siya para matauhan. Mukhang natauhan naman.

" ARAY! Biro lang. " sabi niya habang hinimas-himas ang ulo.

" Oh ano nawala na yang tama mo sa utak?"  nakanguso kong sabi.

" Huwag ka nga ngumuso diyan! Naaakit ako eh."ha? ano raw? Di ko narinig yung pinakahuling part. Bale ang dating ng sinabi niya sakin ay. . . . .

"Huwag ka nga ngumuso diyan. Dakhuioyointrwqrwqhjfgvmpoh."

" Ano ulit sinabi mo? " nabibingi na ko ah.

" Wala sabi ko ang panget panget mo!" Grrrr. May gana pa talaga manlait. Sana hinayaan ko nalang yan mabilaukan diyan hanggang sa mamatay!....... Jowk lang! Mahal ko yan eh. Bakit ko hahayaang mamatay?

" Ansama! Bakit ka nga pala nabilaukan? Di mo ba nagustuhan curry ko? Sige okay lang samahan na lang kita bumili sa labas! " sablay luto ko. Para sa kanya pa naman yun. :( :(

" Ano ka ba! Ang sarap kaya ng niluto mo. Acting lang yung kanina! Sige nga subuan mo pa ko! " Yey! Nagustuhan niya. Hihi. Effort ko talaga, worth it.

Kumain na kami ng hapunan. At kagaya ng utos niya, sinusubuan ko siya. Para ngang isipbata eh. Pero ang sitwasyon namin ngayon ay parang isang married couple..... para sakin. Siguro iniisip lang niya na natural lang samin 'to. Pero sakin hindi, ang saya-saya ko. . . .

Tsaka ko naalala. . .May gusto pala akong itanong sa kanya. Tungkol nung isang araw.

" Yuuan. . ."

" Mmm? " Okay. Jules. Sabihin mo na.

" M-May tatanong sana ako sayo. . . "

"Tvungkol shaan ba yun? " sabi niya habang ngumunguya. Wala nang patigil- tigil pa. Straight forward na. Bilis. May racing na nagaganap sa loob ng dila ko na di matapos-tapos. Ayan na malapit na sa finish line yung isang race car...

" Yuuan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .  . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . GUSTO MO PA? MARAMI PA KONG SINAING NA KANIN! SANDUKAN KITA GUSTO MO PA BA? " Shit! Failure ka talaga Jules! Kainis!

" Ayaw na! Busog nako! Ang charap charap eh. " kinilig naman daw ako dun.

" Ahh. Salama- - - " di ko na natuloy ang sinasabi ko nang biglang tumunog ang cellphone ni Yuuan.

One More Night - Maroon 5 (phone ringing)

♪•You and I go hard, at each other like we going to war
You and I go rough, we keep throwing things and slammin' the door
You and I get so, damn dysfunctional we stopped keeping score
You and I get sick, yah I know that we can't do this no more

But baby there you again, there you again making me love you
Yeah I stopped using my head, using my head let it all go
Got you stuck on my body, on my body like a tattoo
And now i'm feeling stupid, feeling stupid crawling back to you
So I cross my heart, and I hope to die, that I'll only stay with you one more night
And I know I said it a million times
But i'll only stay with you one more night ♪

"Hello?....Oh, ma?....Ha?....Bakit?...... Hindi-hindi. Okay nga sakin yun eh!..... Sige ma!...... Ingat ka. *toot toot* "

" Si Tita ba yung tumawag? " sigaw ko sa kanya habang nasa kusina at nagliligpit na ng pinagkainan.

" Bestfriend! Uhh.... Okay lang ba sayo na dito ako matulog? "

" Ha? Ah. OO naman. Yun lang nama- - - ANO??  " EmeGed. Maaga yata mawawala pagka-birhen ko ah.  

  (A/N: Di pa po tapos ito. Medyo matatagalan pa bago ko ito matuloy. Salamat sa pagbasa. :'') Tenchu. Tenchu. ♥ )

Ang Dakilang Bestfriend--On HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon