Chapter 2: Abs ni Yuuan

216 8 1
                                    

***

*Krrrriiiiinnnng*

Tumunog na ang bell. Dismissal na. Hay, salamat! Maka-unat nga. *unat* *unat*.Tumayo na ko sa upuan ko at nagsimula nang maglakad palabas ng classroom.

Di ko siya makita. Tinataguan na ba niya ko ngayon? Pagkatapos ng panghahalik niya sakin iiwasan niya nalang ako bigla. Kainis talaga siya. Di niya ba alam na nasasaktan na ko sa mga ginagawa niya? Sa bagay wala naman siyang pake kasi di naman niya alam na mahal ko siya. Bakit ba napaka-MANHID ng bestfriend ko? Kapag di pa talaga siya nagpakita pa ng mga ilang araw... maglalaslas na talaga ako. Totoo yan. Ano pa ba kasing silbi na nabubuhay ako kung patay naman na ang puso ko! Ang drama naman ng buhay ko. Kasi si- - - -

'' JUUUULEEEES!!'' halos di na ko makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap sakin ni... YUUAN?? Ano ngayon? Pinapansin na niya ko? Ayos ah. Parang walang nangyari. Ang gulo ko nuh? Kanina gusto ko na pansinin na ko ni Yuuan tapos ngayong nagparamdam na siya reklamo na ko ng reklamo. Hayaan niyo na ko. May complicated issues lang talaga ako.

'' Y-Yu- - Ah! Wait lang! Yuuan Aray! Nasasaktan ako!'' sabi ko sa kanya na pilit inaalis ang pagkakayakap niya sa likod ko. Pero ang totoo niyan ay kinikilig talaga ako. Hihi. May problema na talaga tong lalaking ito sa utak. Paiba-iba ng kinikilos. Ano dalhin na ba natin sa mental?

'' Sorry Jules! Namiss lang kasi kita.'' kinalas na niya ang pagkakayakap niya sakin. Hayy. Salamat naka- - - ANO DAW?? Namiss na daw niya ko? Ahihi. Replay nga replay.

"Sorry Jules! Namiss lang kasi kita."

"Sorry Jules! Namiss lang kasi kita."

"Sorry Jules! Namiss lang kasi kita."

'' A-Ano? N-Namiss mo ko?'' kunwari di ko narinig para ulitin niya ulit. Para na rin makasigurado ako. Minsan kasi nagde-daydream lang ako eh.

'' OO naman! Syempre Bestfriend kita eh.'' Awch. Ayan. Siya na mismo nagsabi. BESTFRIEND! Ayaw talaga ako tantanan ng word na yan eh. Sabi ko na eh. Ang sakit! Miss lang niya ko dahil sa ako ang Dakilang Bestfriend niya. Please lang. Enough  with the bestfriend thingy! 

" G-Ganun ba! S-Sige una na ko! Kailangan ko pang kumain eh. B-Bye!'' sabi ko sa kanya sabay takbo ng mabilis. Di ko man lang siya tinignan. Kasi di ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya sakin. PAKKSHET! Wag ka nga umiyak Jules! Mga rebeldeng luha! Wag kayong lalabas! Wag.. Wag!! GRRRRAAAAH! Di ko na talaga mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Bakit ka ba kasi umiiyak Jules? Ha? Bakit?

" JULES!" nahabol niya ko at hinigit sa braso kaya napatigil ako, " Jules sandali nga lang! Bakit ka ba bigla nang-iiwan? Hah- hah. Just tell me what's wrong! Hah- hahh!" naghahabol ng hiningang sabi niya. " T-Teka! Bakit ka umiiyak? Ako ba dahilan nyan? Uy sorry na! Hah-ah. Sorry kung napahigpit yakap ko! Hah-ah! Akin na nga punasan ko yang mga luha mo!" pinigilan ko siyang hawakan ang mukha ko but he insisted so I just let him.

" Yuuan tumigil ka na nga! Tignan mo oh. Pawis na pawis ka na! Yan dapat punasan mo hindi yung luha ko! Tapos hinihingal ka pa! Oh, eto. Inumin mo!" kinuha ko yung tubig sa bag ko at inabot ito sa kanya. Kinuha naman niya at sinimulan na nyang inumin yun. Di ko talaga mapigilang mag-alala sa kanya. Ganyan lang talaga ako. Maaalahanin... sa kanya lang.

" Thanks, Jules! Ang sweet naman ng Bestfriend ko! Sabi ko na eh. Di mo ko matitiis! Halika nga dito!" at hinila niya ko para yakapin. Yuuan naman eh. Wag mo na dagdagan ang pagmamahal ko sayo. Baka mamaya ma deds na deds na ko sayo.

" Yuuan ano ba! Tignan mo oh! Pawis na pawis ka tapos yayakapin mo ko! Nahawa na tuloy ako sa pawis mo! Ang bahu mo!!" pero syempre biro lang yun. Ang bango parin kaya nya kahit pawisan na sya. Nakadadagdag yun sa pagka-masculine niya.

" Talaga? Ang baho ko na? Ay sorry Jules ha! Nahawa ka pa tuloy! Ang init!" hindi ka mabaho Yuuan! Ang bango mo nga eh.

Teka teka.. Anong ginagawa niya? Bakit kinakalas niya yung mga butones ng polo niya? Nang-aakit ba 'to?

" O-Oyoyoy! A-Ano sa tingin mo ginagawa mo ha?" naka-unbutton na yung tatlong butones niya. Mabuti pa pigilan ko 'to bago pa 'to mag model show dito. Ahhhhh. Kita na yung dibdib niya! May abs rin pala tong lalaki na ito eh. Mamaya ma-rape ko 'to ng di oras eh.

" Ang init eh. Tsaka diba pinagpapawisan nako kaya mabuti pang tanggalin ko na!" Wag! Wag! Wag! Hindi pwede! Dapat ako lang makakakita hindi yung iba. Pinipigilan ko na siya na wag nyang hubarin kaso na-didistract ako sa abs niya eh.

"Haha. Jules. May balak ka bang kainin abs ko? Kung makatitig ka eh parang natatakam ka na. Gusto mo? Bigyan kita?" ang yabang nito ah. Akala niya nakalimutan ko na yung kasalanan nya sakin sa pang-aakit-akit na ginagawa niya. Mamaya pag-uusapan na natin yan.

Ang Dakilang Bestfriend--On HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon