Mahirap ang malayo saiyo .
mahirap ang mag-isa lalo at nasanay sa tabi mo
kay hirap ng buhay ko ngayong wala ka sa piling ko
tila nais kong magbalik sa kanlungan mo.
Hinahanap ko ang iyong mga haplos sa aking buhok
Nag sasabing kakayanin ko ang lahat at iyon ang dapat.
Kung sanay di malupit ang tadhanay nais kong kapiling ka
ngunit kailangan para sa pangarap na sa aki'y nais mo.
Mahal kita...Mahal na Mahal kita
Yakap moy nais ko sa tuwina ako'y nalulumbay
yakapin mo ako mahal kong ina
Gawing matatag ang puso kong sinugatan nila.
Kaibigang aking akala, ngunit di pala.
Gusto kong manghina sa mga pagsubok ngunit alam kong nariyan ka
hindi ka lalayo sa puso ko mahal kong ina
tulungan mo akong malimutan sila.
Puso ko'y takot ng magtiwala sa kung sino
pagkat ang sugat ay kaylalim at di masukat nino man
Ganito pala ang sakit na dulot ng taong akala mo'y totoo
Sa huli ang pusong nagmahal ang siyang talo.
-IMMORTAL RARL
BINABASA MO ANG
PAIN OF BETRAYAL
PoesíaHi guys!!!! kamuxta kayo? napansin kong masyadong seryoso ang message ko dito kay binago ko na ito..hahahha at sa mga mahihilig sa song na korean marahil may mga song dito na siguro famiar sa inyo.. nakakasakit ng damdamin kc kaya sinama ko na dito...