KAY SAKIT, PAALAM

25 0 0
                                    


Heto ako nalulumbay at nag iisa

unti-unting pumapatak ang mga luha sa aking mata.

Hindi ko alam bakit kailangang ganito

araw-araw nag titiis sa sakit na dulot nila.


Totoong kung sino ang mahal mo 

sila ang dahilan ng sugat sa puso mo.

Tulad ko ngayong umiiyak 

hindi kayang supilin ang sariling damdamin.


Nais kong lumaban pero paano kung ang maling

di ko ginawa ay sa akin ang bagsak.

Nalulungkot akong isiping wala akong 

magawa para aking sariling tila nasa dilim.

Hindi ko ginusto ang makasakit sa tulad nila

ngunit di ko man sadya di nila tanggap, tiwalang alay ko

bakit?


Madalas ko maisip alin ang tamang nagawa ko

bakit tila wala itong halaga sa inyo.

o kay sakit, paano ba ito makakaya

kasama sa hirap at saya iyon ang aking akala 

pero mali ako diba?


Ang hindi ko inasam na araw ay dumating 

iyon ay ang malamang ,

kayo'y taksil, o kay sakit isiping,

hanggang ngayon wala parin pala kayo sa aking tabi,

at ang sumpaang magpailanman ay na bigyan ng hangganan,

PAALAM KAIBIGAN.

-IMORTAL RARL






PAIN OF BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon