(James Ezreal Moore is calling...)
pinindot ko ang "accept" at nakita ko si James sa Monitor ng desktop ko , pero tinakpan ko muna yung mukha ko ng palad ko , nahihiya ako eh bakit ba?! hahaha.
"ano ginagawa mo? umiiyak ka ba? hahaha." -sabi niya sakin
ako naman medyo sumilip ako sa gitna ng mga daliri ko , at nakita ko siya sa screen ng desktop.
"baliw hindi ah hahaha patawa ka." -sabi ko naman sa kanya
"hahaha tanggalin mo kamay mo sa mukha mo." -utos niya sakin
"ayoko nga. pero ano ba kasi sasabihin mo? bakit ka tumawag ginoo?" -pagtatanong ko sa kanya, pagkatapos ko siyang tanungin hinarap ko yung web cam sa pintuan para di niya ako makita.
"wala naman, masama ka bang tawagan? hahaha" -ani niya
"oo! lalo na pag ikaw hahaha" -sabi ko sabay ngiti kahit di niya makita
"teka nga bakit pinto nakikita ko? lagay mo sa mukha mo yung camera" -utos nanaman niya, pala-utos. pero pagkatapos niya din sabihin yun, sinunod ko din naman siya.
"ayan na" -sabi ko
(call ended)
"ay bastos hahahha." -biglang nasabi ko nalang
pero tumawag ulit siya at sinagot ko naman ulit, pero nagulat nalang ako kasi di ko kilala yung nasa screen. pero naririnig ko si James na nasa background at tumatawa. napatawa nalang din ako, kasi naman yung taong nasa screen nagwa-wacky face hahaha
"sino yun?" -sabi ko kay James nung siya na yung nakita ko sa screen
"pinsan ko hahaha" -James
"ah hahaha." -sabi ko ng napapatango
pagkatapos nun nag usap usap nalang din kami ng mga pwedeng mapag usapan, ang daldal netong beki na to hahaha. marami rami din kaming napag usapan tungkol sa mga bagay bagay bago ako nagpaalam na kasi nagugutom ako at kakain ako haha.
"sige end ko na to" -sabi ko
"sige. pero teka!" -pagpipigil niya sakin
"bakit? may sasabihin kapa?" -sabi ko ulit.
"ah oo!" -James
"ano yun?"
"wala palahahaha." -biglang bawi niya sa sinabi niya
"baliw ka talaga hahaha" -sabi ko at napatawa na lang din ako
baliw talaga kahit kelan.
(kinabukasan)
pumasok na ko sa school, panget ng panaginip ko kagabi. naging lalaki na daw si beki. ohhmaygashhhhhh.
"Abby!" -sigaw sakin ni James
"hey men. musta? long time no see!" -pagbibiro ko
"hahaha long time no see eh kahapon lang nag video call tayo" -medyo malakas na pagkakasabi niya kaya napatingin sa gawi namin si Julia at Maybell
"AYIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEE!!!!!!! ikaw Abby at James ah! hahaha" -kantyaw samin nila Julia at Maybell
"baliw kayo hahaha" -tanging nasabi ko sa kanilang dalawa
duh? ano nga namang nakakakilig sa video call at napa-ayie sila? adik lang?! hahaha
e halos lahat nga ng tao nagvi-video call, nanay at tatay ko nga nagvi-video call so ayie din? kinikilig sa kanilang dalawa? hahahha
oo may pinaglalaban po kasi ako welga ako bukas sa mga bahay niyo hahaha.
binaba ko na yung bag ko sa upuan at umupo, hihintayin ko nalang dito si James, umihi pa yata eh
habang hinihintay ko siya lumapit naman sakin si Maybel
"be!!! ano? kumusta video call with your crush?" -malokong sabi sakin ni Maybell at tumaas taas pa ang kilay
"ayos lang? hahaha." -patanong na sagot ko
"di ka man lang kinilig? duh! crush mo yun!" -sabi niya sakin
"oy wag ka nga! lakas ng boses mo hoy hahaha. may makarinig pa sayo" -sabi ko naman sa kanya
"ay sabi ko nga hahha. sorry na. pero pag nalaman kaya niya na crush mo siya. lalayuan ka kaya niya?" -patanong na sabi ni Maybell
"siguro? kasi diba baka ma-ilang siya sakin hahaha." -pabalik na sabi ko
"sinong maiilang sayo?" -curious na tanong ni James sakin
lagoooooooooottttttt! narinig niya kaya pinag uusapan namin ni Maybell?
(A/N: cut! hahaha. long time no ud xD may pumansin pa kaya sa ud na to? hahaha.
anyways, happy 6k reads :) sino gusto magpa dedicate nito? :) namiss ko readers ko eh hahaha
paging! nasan na si Clara319 ba yun? yung masugid kong reader xD halika bebe namiss kita, kiss ka ni otor xD hahahaha chos!
vote. comment and share :)
parami ulit kayo readers :) magsisipag na ko mag update dito para matapos at makagawa ulit ng bago :)
PS: kay Maybell na character dito na nabubuhay sa totoong buhay, ayan na nag ud na xD wish granted hahahaha
lots of love,
@AtengLoyal :*

BINABASA MO ANG
Bestfriends turned WHAT?! [ON-GOING]
Teen FictionBestfriends turned WHAT?! Bestfriends kami , magkatapatid ang turingan , KAPATID and tawagan. pero ako tong si TANGA , naghangad ng higit pa sa pagkakaibigan , na-fall , ganun naman talaga yun diba? unang ma-fall , TALO. isang a...