Cassandra's POV
"Monday again!" I shouted tiredly as I woke up. Pumunta ako sa CR ng kwarto ko at agad naligo. Ang lamig!
Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang uniform ko. I ate breakfast and went to school. I am Cassandra Monte and I'm a college student. Nag-aaral ako sa Enorme University.
"Hey cassy." salubong sakin ni Gwyneth, one of my friends, actually she's my best friend.
"Kung maka-hey naman to 'kala mo naman di nagkita kahapon." I chuckled, sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Hey lang naman! Anong meron sa hey?" inirapan ako ni Gwyneth, tinawanan ko na lang siya at sabay na kaming pumunta sa classroom. As always, sobrang gulo ng classroom namin!
"Oyy! Cassy!" napatingin ako kay Kaye na tumawag sakin. Kaye is one of my best friends to. Actually lima kami eh. Ako, si Gwyneth, si Kaye, si Eanna at si Shamira.
"Yes dear?" tanong ko kay Kaye, ngumisi ito bigla. What's with the grin?
"May bet daw na lilipat dito si Enorme!" she said, ugh, Kaye talaga! Ang hilig sa mga gwapo! Kala niya naman mapapasakanya! Joke lang. Love ko to si Kaye hihi.
"Bet? Nah. Sayo na yan!" umupo ako sa assigned seat ko. Ewan ko ba, hindi talaga ako interesado sa mga lalaki. Di naman ako ganun ka man-hater pero I can feel ma may lalaki talagang para sa akin. Hintayin na lang natin. Di naman dapat minamadali ang mga ganyan.
"Eto naman! Ang kj! Try mo kayang humarap sa mga lalaki?" tumabi ito sakin,
Inirapan ko lang ito, "No thanks! Sayo na nga kasi yun. Total mahilig ka naman sa mga ganyan." binelatan ko siya, she just shrugged. Ohhh, anyare? Bakit parang di interesado?
"I'm tired! Rest muna ako sa mga ganyan." tumawa ito at umalis muna, pumunta sa mga classmate namin na mga boys. Di naman siya makikipag-char sa mga boys dito sa classroom, talagang close lang talaga sila. Actually close naman kasi talaga kami dito sa classroom lahat.
Maya-maya ay nagsimula na ang class. Puro chika ang pumalibot sa classroom. Kasali na kami ni Gwyneth. Eh kasi naman eh! Ang boring maglesson ni Maam.
"Quiet!" sabi ni ma'am, "Quiz or Quiet?" napasarado naman yung mga bibig namin at awtomatiko kaming tumahimik. We really hate quizzes!
No choice kami kaya nakinig na lang kami sa lesson ng teacher. Pero grabe! Ang boring talaga! Napatingin ako sa likod part ng classroom namin. Nakita kong tulog na sila, pati na din yung mga kaibigan ko. Tsk, matutulog na lang din ako.
Nagising na lang ako dahil sa malakas na pagring ng bell. Oh recess time! "Tara dai! Bili tayo foods!" Hinila ako bigla ni Eanna at sabay kaming bumili ng foods. "So I've heard na may transferee daw." kumunot ang noo ko,
"So?" itinaas ko ang kilay ko, ano bang meron dyan sa transferee na yan? Pake ko ba?
"Just sayin'." uminom ito ng fresh milk na bagong bili lang, "By the way, next week na ang foundation day. Nakapili ka na ba ng club mo?" Eanna asked, oops!
Mabuti na lang at nasabi niya. Muntik ko nang malimutan. "Oh, mamaya na ako pipili. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya
"I don't know, di yata ako sasali." sabi nito, napatigil ako at napatingin sa kanya.
"Nanaman?! Di ka sumali last year tapos di ka din sasali ngayon?" Tanong ko,
She just shrugged, "Boring." she murmured, eto talaga si Eanna! KJ as always!
"Ang kj mo talaga! Sometimes you need to cheer up! Wag mo nang isipin yung Kyle na yun! Oops. My bad." I can feel her deadly glare, ayaw niya na kasing marinig ang pangalang Kyle. Bitter eh!

BINABASA MO ANG
The Pledge
Novela JuvenilNuong bata pa si Dennis, nagbakasyon sila sa Sydney. Nung araw na nasa airport na sila pauwi sa Pilipinas, may nakita siyang babae. Babaeng biglang nagpatibok ng puso niya. Alam niyang bata pa siya pero sigurado talaga siya sa nararamdaman niya. Nag...