"Are you sure na tatalab itong plan mo sis?" Tanong ng kaibigan kong si Penelope. Tumaas ang kilay sa kanyang tanong. Bakit niya pa kailangang magtanong sa planong alam naman nilang magtatagumpay.
"Don't you worry darling, if ever na hindi magtagumpay ang plan na ito. Ikaw ang ingungudngod ko sa sahig at lilinisin mo ang buong corridor ng school na ito." Ngumiti ako at sa kabilang banda noon ang uyam na gustong-gustong lumabas sa sistema ng katawan ko.
"Oh! No offence Shaina, I didn't intend to rude your plan. I just ugh... thinking what if's." She said.
Tumayo ako palapit sa kanya. "Ano ka ba? 'Wag kang mag-alala." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Don't worry. Makakabawi ka naman dito..." Nagbago ang ekspresyon ng mukha ko at agad-agad siyang sinapak ng pagkalakas-lakas.
"Opps. No harm done ahh."
"Cut! Well done girls. Siguradong maraming hahanga sa ginawa niyo. Especially you Shana my darling. You have some many unexpected emotions that every person never knew. And I'll think... you'll win so many awards this month of February."
Natawa ako sa sinabi ni Miss Director. "Ano ka ba Miss, tyambahan lang yung ginagawa kong pag-arte." Sabi ko naman ng may ngiti sa labi.
"No. You're good in this industry. Kaya... keep it up." Then she tapped my shoulder before she leaves. I smirked on what she said.
Well done Shana. Well done.
###