"Sabi ko naman sa'yo Shana eii. Umalis na tayo sa condo na yun ei." Natatakot na bigkas ni Penelope. Sinampal ko lang siya nang pagkalakas-lakas. At wala akong pakialam kung nasa loob kami ng Police station kasama ang lalaking nakita naming na may ka-kadkarang babaeng mas maganda lang ng kaunti sa lupa – amoy lupa kasi siya nang dumaan siya sa may gilid ko.
"Sir, kasuhan niyo na sila dahil marami pa akong kailangang gawin." Bigkas ni fucker boy.
"Excuse me, fucker boy. Pero ano bang gagawin mo? Maghahanap ka ng talaba? Yung talaba ni Penelope available."
"Shana?!" Sigaw ni Penelope. Inirapan ko lang siya. Naasar ako dahil bulilyaso ang plano kong gawan ng video scandal si Trevor, at ikalat sa mismong paaralan niya nang mabahag ang tits ng lalaking iyon. Tangina nun, nakalusot lang siya.
"Ang baboy ng bunganga mo, alam mo ba yun miss?" Bigkas ni fucker boy.
"Pakialam mo ba?" Sigaw ko sa kanya.
"May pakialam ako dahil kaibigan mo yang sinasabihan mo ng mga pangit na salita." Pagpapaliwanag niya.
"Well, I don't care and it's none of your business kung paano ko tratuhin ang mga kaibigan ko. At sino ka ba? Pari ka ba? Fucker boy?"
"I'm a teacher. And stop calling me fucker boy. Bakit? Ano bang alam mong trabaho ko?"
I smirked. "A man whore. Asshole." Then I crossed my arms and legs para ma-defined ang kagandahan ko. And maglaway kayong lahat sa kagandahan ko.
"Hindi ka na nakakatuwa. Alam mo ba yun?" Galit niyang bigkas.
"Bakit?" I dared him. "Mukha ba akong clown para magpatawa sa'yo Mr. man wh--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sampalin niya ako. Lahat ng nasa paligid, including Penelope – they all gasped out loud.
Tangina, ang sakit kapag lalaki ang nanampal.
"Now, anong tawag mo sa akin?" Tinignan niya ako nang masama – na animo'y papatay siya ng tao. Kaya tinutop ko na lang ang bibig ko ang hinawakan ang parte kung saan ako nasampal. Kainis. Nabuhatan ako ng kamay ng wala sa oras.
"Oh? Wala ka na bang gustong sabihin?" He is asking for pete's sake. Tinignan ko siya ng masama. Pagsalitain mo yang tits mong hayop ka, at kainin ka sana nang lupa.
"Okay. Okay. Well, let's go back to business. Sir? Hindi na ako magsasampa ng kaso." He said na naging dahilan para mapatingin kami ni Penelope sa kanya.
Kaya tumayo na ako at nagsalita. "Good. So pwede na kam--"
"Not until you granted my wish." Pinutol niya ang pagsasalita ko. Ungentle man jerk.
"Okay, Penelope will grant your wishes." Mataray kong bigkas sa kanya after I flipped my hair.
"I said YOU. Not her or him or them or who ever they are. I want you."
"Like eww, you moron! Hindi ko ibibigay sa'yo ang mala-Aphrodite kong body--"
"Jerk. I'm not that kind of person that you're thinking at." He said.
"Then, spill it nang matapos na." I said in my bitchy tone.
"Well, then be my girlfriend."
"WHAT KIND OF DOG ARE YOU? STUPID?!"
----------
"You didn't know her?" He shouted. Hindi ko pinansin ang magaling kong kapatid dahil naka-focus ako sa larawan ng babae na kahapon lang ay nasampal ko ng wala sa oras. She hits my limits kaya nawala ako sa reyalidad at nagawa ko ang bagay na iyon, aaminin ko na mali ang ginawa ko, pero hindi nyo ako masisisi dahil lalaki ako at may pride akong pinanghahawakan at ayokong natatapakan lang yun ng kung sinu-sino lang. Kagaya ni Shanaya Suzanne Hanson – her real name. And also, she well known to be an actress and a drummer of Just a step to love band na itinatalak ngayon ng magaling kong kapatid na si Allan.
I looked at him. "Can you shut your mouth? You're so annoying. Alam mo ba yun?" Tanong ko sa kanya. And he just shrugs like he didn't know that he's annoying.
"Just shut up, okay? Hindi ko na kailangan ng side comment mo dahil may computer naman na nasa harapan ko at may internet para ma-connect ko ang gusto kong hanapin." Bigkas ko at kinuha ang salamin ko dahil sumasakit na ang mata ko at nakalimutan ko na kailangan kong magsuot ng salamin for one year dahil baka lumala pa ang paglabo ng mata ko.
"Kuya, nagt-text ba sa'yo si Xie?" Tanong niya na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya ng may pagtataka.
"At bakit naman?" Nagtataka kong tanong.
"Well... wala lang. Baka, nang-trip lang siyang mangamusta. Alam mo naman 'di ba nung mga bata pa tayo? Madalas siya yung palaging nangangamusta sa atin."
"Oo, pero wala pa akong nare-receive na message galing sa kanya eh. Siguro busy lang yung tao. Alam mo naman na marami na ring ginagawa yun. Lalo pa't natanggap yung kauna-unahan niyang libro sa isang publishing house. Right?" Paalala ko sa kanya. And he just nodded on what I say.
Kinamot ko ang aking ilong habang binabasa ko ang lahat-lahat tungkol sa babaeng parang armalite na hindi napakarungis ang bunganga. Hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan ang kagaya niya na punung-puno ng foul words ang bunganga. Pero kung tutuusin, napi-fit siya para magpretend kong girlfriend, at dahil artista naman siya ay makakaya niyang magpanggap nang hindi kinakabahan sa harap ng mga tao.
Nang matapos ako sa pagbabasa tungkol sa buhay ng babaeng iyon ay nagpasya na akong magpunta sa kusina para magluto ng makakain. Ang mga magulang namin ay nakahiwalay na ng tirahan. Gusto kasi nila na maging independent kami, at tumayo kami sa sarili naming mga paa.Okay lang naman sa aming tatlo – lalung-lalo na kay Allan dahil malayang-malaya siyang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin. Ako rin naman at si Gelo, we're both okay on our lives.
Ngunit hindi pa ako nakakatapak sa kusina nang bumukas ang front door ng bahay at pumasok si Gelo, kasama ang babaeng naging dahilan para gawin ko ang mga hindi ko dapat ginagawa.
"Kuya! Bati na kami ni Yuri!"
Napatitig na lang ako sa kanilang dalawa habang hawak-hawak ng kapatid ko ang kamay ng babaeng gustung-gusto kong mahalin, pero hindi pwede dahil masisira ang aking pangalan at hindi pa maaari dahil napakabata niya pa. Gusto ko na magtatapat ako nang nararamdaman ko kapag tumungtong na siya sa legal age niya at kaya ko na siyang ipaglaban at ipagmalaki. Ayokong aminin ang nararamdaman ko dahil baka layuan niya ako, at ayoko ring magalit ang kapatid ko kapag nalaman niya na may lihim akong pagtingin sa kababata naming at ngayon nga ay nililigawan niya.
Ayokong masira ang relasyon naming tatlo, kaya ako na lang ang gagawa ng paraan para hindi ko masaktan ang dalawang taong mahalaga sa akin. Ang aking kapatid na si Gelo at ang lihim kong iniibig – si liligawan niya.
Ayokong masira ang relasyon naming tatlo, kaya ako na lang ang gagawa ng paraan para hindi ko masaktan ang dalawang taong mahalaga sa akin. Ang aking kapatid na si Gelo at ang lihim kong iniibig – si Yuri...
"That's good to here. Luto lang ako ha. And congrats pala." Sabi ko na lang at dumiretsyo na ng kusina. Palihim na bumuntog hininga, pero naputol iyon ng mag-vibrate ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha at inalam kung sino ang nagtext sa akin.
And I smiled on what I read.
"Fine. I can be your girlfriend. Pero kailangan mong sundin ang mga kasunduang gagawin ko."
Hindi pa natatapos ang aking pagbabasa nang may sumunod muling text message. But this time, napatawa ako nang pagak.
"Oh, by the way. Fuck you! Asshole."
"Sira ulo."