"7:30 Naaaaa!! Wuaaah!! Late na ko!!" Monday na Monday, late na naman sya.
Siya si Aydee Gonzales, graduating student.
Habang tumatakbo, sa sobrang pagmamadali... BOOM!
"Ay sorry sorry! Di ko sinasadya." pagmamadaling sabi ni Aydee.
"Okay lang. Diba ikaw si-----?"
"Sorry talaga ah, sige bye." pagpapaalam nya.
So late na naman sya. Buti na lang ay absent ang 1st subject teacher nila kaya naman naka-ligtas sya sa sermon.
Break Time
"Hay nako Aydee. Late ka na naman." sabi ni Lovely. Close friend at para naring sister from another mother ni Aydee.
"Eh kasi nanood pa ko kagabi tapos di ko namalayan na 4:30am na. Kaya ayun mga 5am na ako nakatulog. Eh napasarap tulog ko ayun! Pag-gising ko 7:30 na!😭"
"Nako! Kung ako sayo iiwasan ko na yang pagka-late lagi. Baka mamaya yan pa rason ng di mo pagka-graduate." sabi ni Lovely na tinanguan na lamang ni Aydee.
Maya-maya may dumating na lalaki.
"Excuse me. Pwede maki-upo?" Tanong ng lalaki. Siya si Wesley Dela Vera. Bad boy ang tingin ng marami sa kanya. Pero maraming babae ang naghahabol at umaasa sa mukhang yan.
"Sure!" mabilis na sagot ni Lovely.
Di nagtagal naging close din sila sa isa't isa. Nakilala rin ni Aydee ang mga kaibigan ni Wesley. Di nagtagal, nagpapadala na ng mga bulaklak at chocolates si Wesley sa bahay ni Aydee. Nanliligaw na siya sa dalaga((yiiieeee omg)). Boto naman si Lovely kay Wesley para sa kaibigan pero hindi mo maiaalis ang pagdududa dahil hindi nga maganda ang background ni Wesley.
Pero ang masakit, hindi sya gusto ni Aydee kaya isang araw...
"Wes, tigil mo na to. Itigil mo napanliligaw sakin. Wes... di kita gusto."
Iniwasan nila ang isa't isa, umiwas si Aydee kay Wesley at ganun din naman ang ginawa ni Wesley. Pagka-graduate nila, tuluyan na silang nagkalayo.
2 years later. The Reunion.
"Aydee! May gusto ko ipakilala sayo! Si Wesley, boyfriend ko." pagpapakilalang sabi ni Lovely.
"B-boyfriend? Ah? Ah ha-ha-ha. Co-congrats..." pautal-utal na sabi ni Aydee.
Di nagtagal sa bawat gala at lakad nila Lovely at Wesley, gusto ni Lovely kasama si Aydee. Kaya naman unti-unting naramdaman ni Aydee ang sakit at lungkot.
Sinubukang umiwas ni Aydee. Pero di nya magawang tumakas. Di nya magawang tumakas sa puso nya na nagsasabing mahal nya si Wesley. Mahal nya nga pala si Wesley. Mahal nya pa nga pala si Wesley.
Pagkatapos ng ilang mga bonding, isang araw, sinabi ni Aydee sa kaibigan na hindi na muna sya makakasama dahil sumama ang pakiramdam nya. Pero ang totoo ay naghahanap lang talaga sya ng tyempo para makaiwas.
Isang taon ang lumipas. May natanggap syang e-mail mula kay Wesley. Ginamit nya ang lettermelater. Ito ay sulat pa nung isang taon.
Dear Aydee,
Oy panget musta na? hahaha. Ngayong araw nakita kita uli. Ibang-iba ka na sa noon. Samantalang dalawang taon lang ang lumipas.
Masaya ka na siguro noh? Kitang kita naman e. Di nako magpapaligoy-ligoy pa. Kami na ni Lovely pero ang sakit isipin na sa kada kasama ko sya ikaw ang nasa isip ko. Napaka-unloyal hindi ba? Wala e.
Aydee, sa araw na mabasa mo to. Sana. Sana. Sana ako pa rin. Sana ako parin yung mahal mo. Kasi Aydee... mahal na mahal parin kita.
Nag-flashback sa utak ni Aydee lahat ng alaala nila ni Wesley. Magmula sa araw na una silang nagkita hanggang sa araw na huli silang nagkita bago ang reunion. Napaiyak na lamang ito sa lahat ng naalala.
Sa kabilang dako, alam ni Wesley na ngayong araw sa gantong oras makukuha at mababasa ni Aydee ang sulat. Kaya papunta na ito kay Aydee.
Ganun din naman si Aydee, papunta kay Wesley.
Nagkita sila sa tawiran malapit sa isang mall. Nasa kabila si Wesley at nasa kabila rin si Aydee. Sa di kalayuan makikita ay si Lovely kasama ang isang lalaki na parang kasintahan nito sa sobrang sweet.
Nagsimulang lumakad si Wesley papalapit kay Aydee. Kahit may luha sa mga mata ay makikita mo rito ang saya. Pero may biglang dumaan na truck na nawalan ng preno.
Ang cliche man pakinggan pero, nahagip nito si Wesley.
Ang masakit pa, namatay ang pinakamamahal ni Aydee na lalaki, si Wesley, sa kanyang harapan. Wala man lang syang pagkakataon na sabihin ni mahal nya to.
Lumipas ang isang taon.
Asa puntod ni Aydee si Wesley.
"Wesley alam kong huli na pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal na mahal kita." habang sinasabi ito ay yakap yakap ni Aydee ang picture nila ni Wesley sa phone nya at inaalala ang mga masasayang alaala nila.
Umiiyak nyang sinabi...
"Ngayon ko lang aaminin at bibitawan ang mga salitang to. Mahal kita. Pasensya na pero hanggang dito na lang ako." pagpapaalam ni Aydee.
Umalis sya at iniwan ang lahat-lahat. Kasama na ang pagmamahal, alaala at litrato nila ni Wesley.
◆◆◆◆◆◆end◆◆◆◆◆◆
gjmaj: Matuto tayong mag-let go sa mga bagay na hindi para sa atin o kaya naman sa mga bagay na dapat nang kalimutan. Pero wag kalimutan na mag-hold on sa mga bagay na tingin mo ay para sayo. Malay mo diba?
Dalawa lang yan. Let go or hold on.
((see pic above lol yun si wesley & aydee kuno))
BINABASA MO ANG
Stuck.
Teen Fiction"...sa pag-aakalang ang iyo, ay mananatiling iyo." - Juan Miguel Severo Stuck by gjmaj