"Ahwww! How cute!" sambit ko habang nakatingin sa pusa.
"Wag mo ngang hawakan yan!" pambabawal sakin ni Dane na nasa likod ko at habang ako naman ay nakaupo sa aking mga hita at tina-try kong palapitin ang pusa sakin, nilingon ko sya para sagutin.
"Bakit ba? Problema mong alien ka?" I said to him. Then as I turn to face the cat again, it was gone.
"Hala? San naman kaya nagpunta yun?" at pagkatapos ay tumayo na ako para harapin sya ng tuluyan. "Ikaw! Bakit ba ang sungit sungit mo? Kung inaakala mo na ikaka-gwapo mo yan, pwes! Hindi! Kahit na gwa– gwa– gwa.... na mukha kang Guava! OO, guava! Hindi ka dapat mag sungit! Just be yourself." sabi ko sakanya habang kinakamot ko yung ulo ko. Kung ano ano pinagsasabi ko pero parang hindi niya pinakinggan mga sinabi ko dahil nakatitig lang sya sakin na parang ewan, alam nyo yung itsura na may nakatingin sa inyo ng maigi at parang may iniisip na kala mo bang kinikilatis ka ba kung tao ka or sesame seed? Ganun sya makatingin.
"Oyyyyy! Bakit kayo nagtatawanan?" bigkas ni Gab habang naka-smile pa syang lumapit samin, ang lakas din ng tama nito eh noh? Parang nagtatalo nga kami, tapos nagtatawanan? Muka ba kaming nagtatawanan? Kutusan ko kaya 'tong mokong na to.
"Hindi kami nagtatawanan Gab, eto kasing si Dane eh..."
"Dane?" tanong ni Gab.
"Oo! Moody masyado, akala mo lagi- HOY! San ka pupunta?! Naguusap pa tayo!" pasigaw kong sinabi kay Dane ng makita ko syang naglalakad na samin palayo ni Gab.
"Leave me alone, ok?" sagot ng antipatiko.
"Oh sure! Why not?!" naiirita kong sagot sakanya. "Tara na nga Gab!" saka ko hinigit palayo si Gab.
"Baliw ka na talaga Alice. Kung ano ano kasing pinag-gagawa mo eh" kumento niya.
Nagsabay na kaming maglakad papalabas ng school ni Gab since lumabas daw agad si Mr. Sevilla dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin, at ang meaning nun ay uwian na; Klase kasi ni Sir Sevilla yung huling subject namin.
As we walked on our way home, napansin kong tapon ng tapon ng basura 'tong si Gab sa daan galing sa bag nyang pagkalaki-laki.
"Ano ba yan Gab? Basurero ka na ba ngayon?" Tanong ko.
"Ah hinde, umm... ano, nakalimutan ko kasing ilabas sa bag ko yung gym uniform ko saka yung mga balat ng energy bar na kinain ko"
"Gym Uniform? Ang baho naman ng bag mo! Saka, wag ka ngang magkalat! Kawawa si mother earth!" Yes, mabaho ang bag ni Gab, nandun kasi yung pinagpawisan niyang uniform at yung gamit na medyas niya. Mabaho pa naman paa nitong si Gab! Hahaha!
Habang tinatawanan ko sya dahil sa baho ng bag nya ay bigla nalang nabasa ang ulo ko dahil sa isang patak ng tubig.
"Ulan?" pagkasabi ko ng salitang yun ay bumulusok na ng malakas ang ulan. Nakita ko si Gab na naglabas ng payong."Alice tara! Sukob ka na dito!" alok saakin ni Gab.
Tumakbo ako saka ako sumukob sa payong niya, pero kumapit sa payong yung amoy ng bag ni Gab kaya sobrang baho nito.
"Grabe, Gab!!!! Ang baho! Teka, hanapin ko lang muna yung payong ko. Alam ko meron akong payong dito eh" Ini-harap ko saakin yung bag ko saka ko ito hinalungkat.
"Ang arte naman nito!" sabi saakin ni Gab habang busy ako sa paghahanap ng payong.
"Ayoko ngang mag-amoy paa noh! Syeet! Ang lakas talaga ng ulan, nasan na ba yung payong ko?" sabi ko sa sarili ko habang patuloy padin ako sa paghahalungkat ng bag ko.
BINABASA MO ANG
9:45
Mystery / ThrillerI met a strange guy by an accident. I'm the only one who can see what he can see, I'm the only one who can feel what he can feel. He may not say it but I know he needs me. And when the right time comes, I'll definitely save him. But..... Who will sa...